HM #37

43 4 1
                                    

CHAPTER 37

"Di nga? Pamumunuan mo na sila?" tanong ni Dia ulit.

Naka-ilang ulit na ba siya na tinanong sakin yung tanong na yun?

Si Dia ba talaga itong kaharap ko? Kasi parang napapunta yung kaluluwa ni Yari sa kanya 'e. Hindi naman ganyan si Dia. Hindi siya makulit at hindi din siya isip bata. Pero ngayon... aish! I hate her other side.

"Ang ingay mo! Nandito na tayo sa LA ha." paalala ko at inirapan siya. Papunta na kami sa aming room.

Pumasok ako ngayon dahil sabi nitong babaeng kasama ko ngayon ay pinapatawag daw ako ni Sir Klien A ngayon. Haysss.

"Fine! Dyan ka na! Magkita na lang ulit tayo mamaya." paalam ni Dia nang malaman niyang malapit na ako sa room ko. Tumango ako saka humiwalay na. Ako naman ay pumasok na sa room ko.

"Good morning, President!" bati nung laging bumabati sakin. Nginitian ko naman siya. Tapos umupo na ako sa aking upuan.

'Di naman nagtagal ay dumating na si Sir Klien A.

"Ms. Amendez. We need to talk. Now!" sabi niya at lumabas saka agad naman akong sumunod.

Ramdam kong habang papalabas ako ay nakatingin sila sa aking lahat.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Napapabayaan mo na yung iyong pagiging presidente ng ating klase. Absent ka minsan. Minsan hindi ka pa tumutulong sa gawain ng school. May I know kung ano ang pinagkaka-abalahan mo ngayon?" tanong niya kaya kinabahan ako.

Anong dapat kong sabihin? Anong palusot?

"I'm sorry, Sir Klien A. It's just that... madami lang akong iniisip at isa na doon yung magulang ko. They are gone..."

Maniwala ka! Please!

"So kaya pala nababalitaan kong hindi ka na din lumalabas ng LA?"

"Yes po."

Wag ka nang magtanong. Okay na yun. Pleaseeeee...

"Then bakit wala ka sa iyong dorm minsan? Sa tuwing pumupunta ako doon para bisitahin ang lahat ng estudyante ay wala ka. At sinasabi ng ka-dormmate mo na may pinuntahan ka. May I know kung nasaan ka sa mga panahong iyon?"

Oh nooo!!! I'm going to kill Dia for not saving my life! Kausisero naman ng tao na ito. Tsk.

"Nandyan lang ako sa tabi-tabi. Minsan nandoon lang ako sa veranda ng GD. Then kung sa oras na binibisita mo kaming lahat at wala ako. Baka nagkataon na nagpapahangin ako. Lagi po kasi akong nagpapahangin this past few days dahil nga sa nangyari sa aking mga magulang." palusot ko at pakiramdam ko ay naging cold ako.

Hindi ko din alam kung bakit parang wala lang sa akin yung pagsisinungaling ko. Hindi din ako nangangatal kahit na kinakabahan na ako.

"I'm sorry about your parents." sabi niya at tumungo.

Naggawa kasi si Dia ng details o letter na nangyari about sa aking magulang na kunwari ay nawala na. Then binigay namin ito kay Sir Klien A. Napagdesisyunan pa nga niya na puntahan ang mga ito para makiramay at mabuti na lang napigilan namin. Ewan ko ba kay Dia dahil parang may ginawa siya na hindi ko alam. Kaya hinayaan ko na lang.

"It's okay."

"Makakalabas ka na." utos niya at tumayo na ako saka lumabas.

Ayun lang ba ang sasabihin niya?! Akala ko may pinapautos. Akala ko may ipapagawa. Akala ko may sasabihing mahalaga sa akin. Pero magtatanong lang pala! Wengya! Ang sarap niyang sigawan ngayon. Aish!

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon