HM #31

25 2 0
                                    

CHAPTER 31

"Blade. Ngayong nakuha ko na ang kwintas at tapos na tayo dito. Ano na ang sunod na gagawin natin para sa aking memorya?"

"I'll find out. Don't worry, sandali lang yun." tumango na lang ako at ngayon ay sabay kaming papasok sa room namin na Star-4A.

"Goodmorning, President Scarlet!" bati nung isa na mabait sa akin. Nginitian ko lang siya.

Umupo na kami sa aming upuan saka saktong dumating naman si Sir Klien A.

Namiss kong magseryoso dito! Feeling ko ba naman napaka-busy ko ngayong mga nakaraang araw.

"We have a problem, students." sabi ni Sir Klien A na ikinatahimik ng buong klase.

"Nababalitaan ko na marami ng pumupunta sa LA Forest. How many times do I have to tell you na bawal pumunta doon?"

Napatingin ako kay Blade na cold lang nakatingin kay Sir Klien A.

"Sir, hindi naman nakakatakot o delikado doon eh." sabi ng isang kaklase ko. He's a vampire.

"Kahit na! Maraming namamatay doon."

"Seriously? Hanggang ngayon ay naniniwala pa kayo sa history ng lugar na iyon?" tanong naman ng isa kong kaklase. She's a vampire.

Palibhasa alam nila ang katotohanan.

"Excuse me? Do I know what is the big deal of that LA Forest?" tanong ng isa kong kaklase.

I can sense her aura. Kaya panigurado. Nagkukunwari lang siya na pa-inosente. Tsk.

"Maraming hindi nakakabalik ng buhay." sabi ni Sir Klien A at nanahimik na lang sa buong klase.

This is a long lullaby.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Ugh!! She's so annoying!!" reklamo ni Dia dito habang kami ay nakain.

Salamat at nagkaroon nga din kami ng araw na kami lang dalawa ang magkasamang kumain. Well... Simula lang naman ito noong nawala na si Yari.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko at kumagat na sa aking burger.

"She's always burning my paper. Tsk. I hate her now. Really! I can't treat her likr a friend anymore. Tsk." sabi niya at nag-english na naman siya so meaning beastmode na talaga.

"So... Anong ginawa mo?" tanong ko at inikot niya ang kanyang mga mata at nag-pout.

"Nag-cast ako ng spell sa pagitan ko at sa aking mga materials para hindi magulo o mawala."

"That's good." sabi ko at kumain na lang.

"Pero... Aish! Nakakainis talaga!!" anya niya at padabog niyang binitawan yung kutsara't tinidor.

"Relax. Hayaan mo na siya. She's not our friend anymore." sabi ko at uminom.

"So wala kang pakialam?"

"Yeah. Besides, inalis din yata yung pagmamahal ko sa mga taong hindi naman ako mahalaga sa kanila." sabi ko at bumuntong-hininga siya.

"Mabuti ka pa. Madali mo siyang nakalimutan..."

Aanhin ko pa ba siya kung tinraydor na niya kami? Kung hindi man lang kami hinayaan na mag-explain? Kung kumampi pa siya kay Zaphara na sandali niya lang naman nakasama? Aanhin ko pa ang ganun tao este kaibigan?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Papunta kami ni Dia sa Highratell Kingdom ngayon.

Ewan ko ba sa babaeng ito at niyakag ako? Miss na niya siguro yung boyfriend niya.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon