HM #22

35 3 0
                                    

CHAPTER 22

"Sorry, Vladimir! May ginawa pa kasi ako. Sorry talaga! Nakalimutan ko na ngayon nga pala yun." bungad ko nang makita kong nakatayo si Vladimir dito at naghihintay.

"I waited for almost three hours." sabi niya at nakatingin sa akin ng masama. Napatungo naman ako. Kasalanan ito ni Blade. Papatayin ko siya kapag nakita ko siya. Nako!!!

"Sorry." ayun na lang ang nasabi ko.

Hinintay niya ako ng ganon katagal? Pero bakit hindi na lang siya umuwi? Bakit niya pa ako hinintay?

Narinig kong bumuntong-hininga siya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Okay lang. Ano pa bang magagawa ko? Nandito ka na. Tara na! May kailangan pa kasi akong gawin mamaya." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Tumawa naman ako saka sinuntok siya sa braso ng pabiro.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Anong gusto mo? Kulay light blue o pink?" tanong ni Vladimir habang namimili sa aming prize na aming natanggap dahil sa aming nilaro.

"Light blue. Ang cool kasi." sabi ko at tinuro ko pa yung kulay light blue na kwintas na ang design ay guitar na kulay light blue.

"Ito ang pipiliin namin." sabi ni Vladimir doon sa lalaki at binigay naman ito ng lalaki kay Vladimir. "Oh." sabi niya at akmang ibibigay na niya sa akin ng bigla niya itong bawiin.

Napataas ang isa kong kilay. Hindi niya ba iyon ibibigay sa akin? Paasa siya T.T

"Ako na ang magsusuot." ngumiti siya saka pumunta sa likuran ko at naramdaman ko na lang sa leeg ang kwintas at inaayos niya ito.

Kaya naman pala eh. Ang sweet niya. :)

"Yan! Okay na. Saan tayo next?" tanong niya at napatingin ako sa suot kong kwintas.

Ang cool niya *.*

"Kahit saan." Sabi ko at bigla naman siyang ngumiti. Ngumiti na parang may pinaplano.

"Sure ka? Hindi ka na aatras?" may ngiti pa rin sa kanyang mukha.

Anong ibig niyang sabihin? Baka dalahin ako nito sa motel tapos... Ayahhhhh!!!! No!!

Pinitik niya ang noo ko at tumawa siya. Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa kanyang pagtawa.

"Bakit ka tumatawa?!" tanong ko at inirapan siya dahil patuloy pa rin siya sa pagtawa.

"Hahaha! You should see your face. Hahahaha! Anong iniisip mo ha? Hahahaha!" napaiwas naman ako ng tingin. Feeling ko namumula ako sa hiya.

Tawa pa rin siya ng tawa at nakahawak pa siya sa kanyang tyan. Ang saya ha. Tapos ako dito namumula na sa hiya! Lecheng lalaki na ito.

Five minutes passed ay salamat din tumigil na siya. Pulang-pula siya.

"I respect you kaya hindi ko yun gagawin. At hindi ako ganon." sabi niya at ginulo ulit ang buhok ko. Hinampas ko naman yung kamay niya dahil nagugulo na ang buhok ko ng dahil sa kanya!

"Tsk. Saan ba tayo next?" tanong ko na lang at sinamaan siya ng tingin. Ngumiti naman ulit siya saka ako hinila. Hinila ako kung saan may microphone.

Microphone? Now. What is his plan?

"Let's make a deal." sabi niya at napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa microphone.

"What deal?"

"Kapag kumanta ka dito at maraming tao ang nanood. Bibili kita ng nga favorite mong foods. At kapag naman ako ang kumanta at mas marami ang nanood sa akin. Papayagan mo ako."

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon