HM #11

43 5 0
                                    

CHAPTER 11

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
Kusang tumigil ang mga luha ko nang sabihin niya iyon. Hindi ko pa rin siya maintindihan.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

 "Wala. Kalimutan mo yung sinabi ko, Heiress. Sorry." hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Sorry for what? Come on, Blade! Naguguluhan na ako!" sabi ko at hindi ko na napigilan.

"I'm sorry for not showing in front of you this passed few days. I'm sorry for not answering all your questions. I know that this is my responsibility. I'm sorry for... everything." natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Halatang sincere siya  dahil sa boses niya.

Bumuntong-hininga ako. At tumayo saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang kanang balikat.

"I know that we're not that comfortable to each other. But please, if Queen Felicia chose you to take this responsibility. Just please... do it." saad ko at umupo sa tabi niya.

Okay. Medyo mali ang pagkakasabi ko. Komportable ako sa kanya, ewan ko lang siya kung komportable din sa akin?

"Itanong mo na lang ang lahat ng gusto mong malaman." saad niya pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

Medyo may pagka-rude ang lalaking ito. Tsk. Tinatalikuran niya ang isang Heiress. Tsk tsk tsk. Bakit ba siya ang pinili ni Mommy Felicia?

Okay. Do I have the responsibility now to call her mom? Hays!

"Nasaan na sina Queen Felicia at King Aleister?" pagsisimula ko at tumungo siya.

"They died because of the war."

"What do you mean? Akala ko ba malalakas sila? Bak--"

"King Armadante killed them. He hypnotized them to kill each other."

"What?!?! Pinatay nila ang isa't isa? P-paano yun? Diba mahal na mahal nila ang isa't isa? Kasi kung ako yun... Magagawa kong kontrolin pa yun lalo na at mahal ko na yung tinatarget niya."

"Lower your voice. Tss." sabi niya at sinamaan na niya ako ng tingin.

Iba na yung mata niya ngayon. Hindi na katulad nung kanina. Aish!

"Sagutin mo na lang!" utos ko at sinamaan niya ako ng tingin.

Aba talaga naman. Anak ng wolf naman oh! Bakit ba ang kulit ng lahi nito? Nagawa niya pang samaan ng tingin ang isang heiress? Why so rude, Blade?

"King Armadante is a strong vampire. You can't control it even you love that person too much."

"Tsk tsk. Baka naman mahina lang sila. Baka takot lang sila. Baka may binanta pa si King Armadante sa kanila kaya nila ginawa."

Aish! Masyadong masakit at mahirap yung pinagawa ng hinayupak na king na yun. Seriously?! Ayon talaga ang ini-utos niya sa parents ko?! Sht. If ever na makita ko siya, nakoooo!

"Malakas si King Armadante at wag kang magpadalos-dalos sa gagawin mo. Kung si Zaphara pa nga lang ang nakakaharap mo ay mahina ka na. Paano pa kaya si King Armadante? Hanggang salita ka lang kasi, Heiress. You should train yourself."

Talaga naman oh! Ang galing ng wolf na ito! Kung makapagsalita parang ang lakas niya talaga ha! Parang siya na yung dabest. Tsk tsk. He's a mind reader. Paano niya yun nagagawa? He's only a wolf.

"Wow ha! Ikaw na ang magaling ha! Ikaw na ang nakapag-training!" nag-pout ako.

"Tsk. Wala akong sinasabi."

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon