HM #13

38 4 0
                                    

CHAPTER 13

(Scarlet's Pov)

Hindi ko akalain na ganito pala talaga kalaki ang palasyo namin. At sa loob nito. Tatlo lang kaming natigil dito. Pero kung titingnan ang paligid. Parang ang saya-sayang pagmasdan.

Kung hindi lang sana nagkaroon ng digmaan noon. Hindi sana maiiwanan ng kalungkutan ang palasyong ito. Nakakalungkot dahil ako na lang mag-isa dito.

Nakakatuwang isipin na. Sa fairytale lang may palasyo, mga immortal, magic and etc. Pero tingnan mo nga naman, ang lahat na iniisip ko na sa fairytale lang ay nandito na. Nakikita't  nahahawakan at natatapakan ko.

Napangiti na lang akong mag-isa habang iniikot ang palasyo.

Walang alikabok dito. Ang linis. Parang araw-araw may naglilinis. Siguro kung sino man ang naglilinis dito ay nagamit din ng kapangyarihan  para mas mabilis.

Gusto kong makakita ng ganon harap-harapan.

Habang iniikot ko ang loob ng palasyo ay may nakita akong isang torch na medyo nakababa at halatang-halata siya na hindi pantay katulad ng iba.

Para siyang mahuhulog na. Buti na lang at walang apoy yun tutal maaga pa. Kung may apoy yun at sakaling nahulog, baka masunog itong palasyo.

Lumapit ako dito at inayos ko. Pagka-ayos ko ay bigla akong may liwanag na nakita sa unahan ko sa pader.

Huh? Ano ito? Bakit may ganito? Anong nasa loob nit--

"Heiress!! Sht." narinig ko ang isang boses sa hindi kalayuan at napatingin ako sa kanya.

Si Blade.

"Don't touch that, Heiress." sabi niya na ipinagtaka ko naman.

Bakit? Anong meron dito? Bakit bawal? Anong alam niya tungkol dito?

Narinig kong bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin ng seryoso.

This time. Yung kanyang mga mata ay hindi na cold. Aish! Masyadong moody talaga ang lalaking ito. Tsk.

"It's dangerous. It might look that it's not, but when you come in that portal. You can't ever go back." sabi niya na ipinagtaka ko.

"How did you say so? Nakapasok ka na ba dito?"

Umiling siya at bumuntong-hininga ulit siya.

"My twin brother."

"May twin brother ka?!"

Whoa. Biruin mo yun? Kung makilala ko kaya yun. Pareho kaya sila ng ugali? Magkamukhang-magkamukha kaya sila? Sino kayang mas gwapo sa kanila? Magka-opposite kaya sila ng ugali?

"Kasasabi ko lang. Tsk."

Whatever. Pilosopo talaga. Hindi ba pwedeng naninigurado lang ako. Tsk.

Kung pwede lang isumpa ang lalaking ito ngayon o kung may kapangyarihan lang ako na baguhin ang kanyang ugali. Nagawa ko na!

"Then? Anong kinalaman ng twin brother mo?" pagtataka ko at binalik ko na sa dati yung torch dahilan para mawala yung liwanag.

"He's stubborn like you. He wanna know all the things around in this castle. So he decided to go here at the midnight where everyone is already sleeping. And then, he accidentally hold this torch and the light comes out." kwento niya at biglang tumungo. Ramdam kong nag-iba ang kanyang aura.

Wolf. Sabi ni Master A sa bampira lang malakas ang aking sense pero bakit sa kanya malakas din ang sense ko? Hays. Nakalimutan kong itanong.

Nanatili lang akong tahimik at naghihintay sa sunod niyang kwento.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon