HM #30

28 2 0
                                    

CHAPTER 30

Isang linggo ang lumipas ay naging komportable ako at pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ng pakiramdam ko.

Simula noong naka-usap ko si Mommy ay hindi pa ako bumabalik sa Immoworld.

Pati si Dia at Blade ay ganun din. Nandito na kami ulit sa Latrop Academy at umaakto na walang nangyari. Pero hindi porket naibalik na ang aking pagmamahal ay tapos na.

Patuloy pa rin ang problemang dumadating. Si Yari ay nawawala. Ni hindi ko siya nakikita sa kanyang dorm. Si Zaphara, simula noong nalaman niya na wala na sa kanya yung kwintas ay may pinaplano ulit siya sa amin. Pero yung kwintas ko ay tanging ako lang ang nakakakita na. Binigyan ito ng spell ni Master A para hindi nila makita at para ligtas na ito sa akin.

Si Vladimir? Siya ang lagi kong nakakasama tuwing uwian at patuloy pa rin niya akong nililigawan. Ang hindi ko malaman na dahilan ay bakit sa tuwing tumatabi sa akin si Vladimir ay sumusulpot si Blade ng basta-basta. At laging ganon ang aura na nararamdaman ko sa pagitan nila.

"Ang tahimik mo." sabi ni Vladimir kaya napatingin ako sa kanya.

Kasama ko siya at nandito kami ngayon sa park at naggagala. Since it's Sunday naman kaya wala kami sa LA.

"Pake mo ba?" masungit kong tanong.

Kasalukuyang naka-upo kami dito at nagpapahinga dahil kanina pa kaming paikot-ikot.

"Tsk. What are you thinking?" tanong niya at pinitik niya ang noo ko.

Aray ko naman! Para siyang si Blade, laging pinipitik ang aking noo. Kawawa na ang noo ko sa kanilang dalawa eh. Tsk.

"Wala! Iniisip ko lang kung bakit ang galing mo kumanta."

"Huh? Why? Likas na yun sa amin."

Napatingin ako sa kanya bigla at napataas ang isa kong kilay dahil sa pagtataka.

"Inyo?"

"Tsk. Oo. Ano yun? Pinanganak ako ng walang magulang?"

Langhiya ito. Pilosopo din!

"Whatever."

Tumahimik kami sandali. Pero di nagtagal ay siya ang bumasag sa katahimikan.

"About kay Blade. What is your relationship with him? I mean... whenever I'm with you, he's always appearing like a bubble."

Kumibit-balikat ako.

Hindi ko din naman talaga alam ang dahilan.

"He's only my friend."

And about nga pala kay Blade. Simula noong bumalik sa akin yung pagmamahal ko. Feeling ko lumala lalo yung bilis ng tibok ng puso ko tuwing nandyan siya. Hays. Hindi ko alam kung bakit. May sakit kaya ako?

Hayss. Kailangan ko na siguro itong sabihin kay Dia. Teka... sasabihin ko nga ba?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Where's Blade?" tanong ko sa isa kong kaklase at kumibit-balikat siya.

Nasaan na kaya yun? Kanina ko pang hindi nakikita. Aish.

"Hey!" sumulpot sa tabi ko si Vladimir at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ano na naman kailangan mo?" tanong ko at umiling siya saka nginitian ako.

"Wala lang. Baka kasi namiss mo agad ako." sabi niya at hinampas ko naman siya nang pabiro sa kanyang braso.

Assumero talaga ito. Magkasama lang kami kanina sa park tapos sabay ganon?

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon