HM #2

94 5 0
                                    

CHAPTER 2

Nakalimutan ko nga palang ipaalala sa inyo na every weekdays ay dito kami titigil sa LA. Because this is the rules. Alam naman yun nina Mommy and Daddy since pinalipat nila ako dito. Kaya every weekend ko lamang sila nakikita minsan hindi pa ako nakakauwi. At medyo malayo din naman kasi ang LA sa mga bahay. Kung tutuusin ang mga nakapaligid sa LA ay mga puno na at hindi agad-agad mapapansin ng ibang tao kung hindi mo madadaanan.

May dalawang buildings ng dorm dito. Girls' Dorm at Boys' Dorm. So obviously, magkahiwalay ang mga babae at lalaki. Pero magkatapat lang ang building namin. Malayo din ito sa mga rooms na pinapasukan namin. Pero ang dorm namin ay nasa loob lang din ng LA, ang pinagka-iba lang ay hindi mo agad makikita ang building na ito kung hindi ka talaga papasok dahil nasa pinakalikod ng buildings ng dorm na ito. Ang lahat ng students na gustong tumakas o umuwi sa kanilang mismong bahay ay makakatakas sana kung hindi lamang puro puno ang nasa likod na amin pang buildings. Mahirap i-explain ang itsura ng LA pero para sa inyo i-dedescribe ko na.

Pagpasok mo sa gate ng LA, puro mga garden at may fountain din sa gitna. And meron pathway kung saan kapag sinundan mo, puro buildings na ang sunod which is the rooms o mga sections. At sa pinakadulong side ng mga ito ay yung mga office. At sa likod ng mga buildings ng section ay nandito yung dalawang building ng dorm na hindi mo naman mapapansin agad-agad. At sa likod pa ng dalawang building ng dorm ay puro mga sirang puno, walang bulaklak which is parang gubat na hindi pwedeng pasukan ng mga estudyante dahil delikado at ang tawag dito ay LA forest.

Ang history ng LA forest ay may mga makukulit at matitigas daw ang ulo ng ibang estudyante at pumapasok pa rin sila dito. And wala raw nakakalabas dito ng buhay. Which is true dahil noong isang linggo ay may kaklase akong pumasok dito na hindi na nakabalik ng buhay. Kaya nabawasan din kami ng students na ngayon nadagdagan na dahil sa dalawang transferees na sina Blade at Zaphara.

Papunta na ako sa GD (Girls' Dorm) dahil gabi na rin naman at ako na lang mag-isa ang nandoon sa office dahil inutusan ako.

Habang naglalakad ako, nakaramdam ako na parang may sumusunod sa akin. Agad kong binilisan ang paglalakad. Ngunit pagbilis ng lakad ko ay pagbilis din niya kaya tumakbo na ako pero naramdaman ko na lamang na tumalsik ako sa puno ng sobrang lakas dahil may tumulak sa akin at nakaramdam ako ng isang tao na nasa unahan ko na habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil walang ilaw dito at malabo na. Yung kulay lamang ng kanyang mata na kulay green ang tanging nakikita ko.

"Scarlet Amendez." rinig kong sabi niya at ngumiti siya. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita ko sa mga ngipin niya at o sadya lang yun? May pangil siya?

Nilapit niya ng dahan-dahan ang mukha niya sa aking leeg. At ako naman ay nagpupumiglas sa mahihigpit siyang hawak.

Nararamdaman ko na lamang ang kanyang labi na malapit na sa aking leeg dahil sa kanyang paghinga na sobrang init.

Nagtoothbrush ba to? -_-

"Stop!" sigaw ko sa kanya. Kahit papaano naman ay malakas pa ako kahit ang layo na ng nilakad ko papunta dito.

Pero hindi pa rin siya tumigil.

Ang kulit ba ng lahi nito?! Ginagalit ba ako nito?! Hinahanap na ako ni Dia panigurado sa aming dorm. At gutom na gutom na ako. Ayoko sa lahat, makukulit lalo na kapag gutom na ako.

"Sht! I SAID STOP!" sigaw ko ulit sa kanya at pumikit ako saka tinulak siya. Napatingin naman agad ako sa kanya at nakita kong may ilaw sa mismo niyang dibdib.

What was that?!

"Ugh!" daing niya at akmang lalapitan ko na sana siya kaso tumingin siya sakin ng sobrang sama at saka nawala na lamang na parang bula sa mga paningin ko.

A green eyes na may pangil? Ano yun? Yung mata niya glow in the dark? Yung ngipin niya? Aish.

Umiling ako at maglalakad na sana nang may maalala ako kaya natigilan ako.

At saka yung nasa dibdib niya kanina? Yung light?! Saan yun galing? Sa akin ba? Masyadong magulo. Naguguluhan ako...

Naglakad na ulit ako para makabalik na agad sa GD dahil paniguradong hinahanap na ako ni Dia at saka gutom na rin ako.

Kakalimutan ko na lang siguro ang nangyari ngayon. Baka gutom lang ito.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Saan ka galing?! Bakit may sugat ka diyan?!" bungad ni Dia nang makapasok ako sa dorm namin at saka tinuro yung kamay ko na ipinagtaka ko naman.

Sugat? Sa kamay ko?

Napatingin ako sa kamay ko at halos magulat ako nang makita kong may hiwa nga. Malalim ito at naagos pa ang dugo. Ibig sabihin, sariwa pa. Ibig sabihin, kanina lang ito noong may nangyari sakin masama. Pero bakit... Hindi ko man lang naramdaman? Bakit hindi ko maramdaman yung sakit o hapdi? Masyado ba akong natakot kanina?

"H-ha? W-wala lang ito. Galing kasi ako sa office kanina at inutusan ako, tapos ngayon yug mga papers doon ay nahulog at noong lilimutin ko na sana nadali ito doon sa edge ng mesa tapos may matulis pala doon." palusot ko at nagsimula na magdasal sa sarili.

Lord! Sana po maniwala siya. Please.

At kailan pa akong natutong magsinungaling?! -_-

"Bakit hindi mo man lang ginamot? Eh may first aid kit naman sa office?" pagtataka niya.

"Yun nga e. Gagamutin ko nga sana kaso wala ng bulak, at saka yug alcohol, mahapdi." palusot ko pa at pumasok na saka umupo sa kama ko.

Ang galing ko ba magsinungaling? Sana naman maniwala siya ngayon. Sana naman wag niyang pairalin ang katalinuhan niya ngayon.

"Whatever. Gamutin mo yan." utos niya at kumain na siya doon.

"Huhugasan ko na lamang. Hindi naman masakit. Alam mo naman na manhid ako kapag may mga sugat ako. Saka di'ba mabilis naman gumaling ang mga sugat ko?" paalala ko at nginitian siya.

Hindi naman talaga siya masakit. At isa pa, kapag may mga sugat ako sa katawan, agad-agad na gumagaling. Tapos hindi halata na nagkasugat ako. Hindi ko din alam kung bakit ganon.

Saan kaya ito nadali? Imposibleng nadali ito sa puno. Aish.

Nilinis ko na ang sugat ko at nang nahawakan ko ay bigla na lamang umilaw at naghilom na agad sa loob ng limang segundo.

"Okay..? What was that?!"

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon