HM #33

26 2 0
                                    

CHAPTER 33

"Hindi ko yun kaya Blade! They are vampires! Ang kaya ko lang ay mga inonsenteng tao." sabi ni Dia at inirapan si Blade.

Nag-uusap sila tungkol sa pag-aalis ng nakitang scene kanina sa isip ng mga nakakita.

Ako naman ay iniisip kung bakit ganon kalakas yung nangyari sa akin kanina. First time yun nangyari. Bukod doon sa mga elemento ay mas iba ito. Ito ay mula talaga sa akin. Hindi ko pinapagalaw o hindi ko tinatawag. Kusang lumabas mula sa aking katawan.

At bukod din sa automatic na pagheheal ko sa aking sarili ay ito pa rin yung pangalawang beses. Hindi ko maintindihan kung paano ko yun nagawa pero. It's just so wow!

"It's more dangerous." narinig kong sabi ni Blade kaya napatingin ako sa kanya na nakaupo lang.

"Yeah right! Malamang kumakalat na yung nangyari kanina. At anytime mapapapunta sa principal then poof!" sabi ni Dia at kinabahan ako bigla.

"I'll go with her." sabi ni Blade na ikinagulat ko.

"What?! Anong sasama ka?! Hindi ka naman kasama sa pangyayari kanina? Si Vladimir lang at saka siya."

"I can't let her go with that b*llshit." Sabi ni Blade.

"Nagseselos ka lang kay Vladimir."

"No. I'm not."

"Yes you are."

"No. Why would I?"

"Yes!"

"Tsk. I said no."

"Yes."

"No!"

"Ye--"

"Tumigil na nga kayong dalawa! Nag-aaway pa kayo. Napapahamak na nga ako!" saway ko sa kanilang dalawa at sabay silang bumuntong-hininga saka tumingin sa akin.

"Scarlet. Ano kasing ginawa mo? Nasira mo pa yung pader ng isang classroom." Sabi ni Dia at umupo.

"It was just an accident! Hindi ko sinasadya. Kung hindi ako hinalikan ng walang hiyang lalaking yon edi sana'y hindi ko yun nagawa at wala sanang nangyayaring ganito." ngumuso ako.

"Master A need to know about this. Baka may alam siya tungkol sa nangyayari sayo." sabi naman ni Blade at nag-agree naman si Dia.

"So mamaya ay pupunta tayo doon?" tumango si Blade.

"Paniguradong gabi na tayo makakapunta doon dahil tatawagin si Scarlet sa principal office then ipapa-ayos yung pader and that is the punishment." sabi ni Dia at bumuntong-hininga ulit ako.

Kasalanan ko ito 'e. Bakit kasi hindi ko pa makontrol-kontrol ang ganitong pangyayari sa akin?!

"But before that. Dia? Can I ask you something?" tanong ni Blade kay Dia kaya nanahimik kami.

"Yes."

"Did you put some soundproof in this room? Dahil kanina pa tayong nag-uusap at baka may nakadinig na."

Inirapan naman siya ni Dia.

"Ano ako tanga? Pagkapasok pa lang namin dito ni Scarlet meron na. Tsk."

Bawal kasi ang lalaki dito sa Girl's Dorm kaya si Blade ay doon dumadaan lagi sa bintana namin.

Biglang may kumatok sa pintuan kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Who's there?" tanong ni Dia.

"Pinapatawag po si Ms. Amendez sa principal office. Ngayon na po."

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon