HM #46

21 1 0
                                    

CHAPTER 46

(Vladimir's Pov)

Isang linggo na akong nakakadena dito at lagi na lamang akong kinukuhanan ng dugo ni Zaphara.

Fvck! Pinagnanasaan na niya yata yung dugo ko para lang kay Blade! Damn!

"Sabihin mo, bata. Itutuloy mo pa ba ang plano mo?" Tanong ni Armadante habang nakaharap sa akin.

Gago ba siya?! Bakit pa sa akin niya inaasa ang ganito?! Bakit hindi na lang siya ang kumilos?!

"Bakit hindi ikaw ang tumuloy? Plano mo yan eh." Walang gana kong sabi.

"Gago ka!!!" Sabi niya at naramdaman ko na lamang ang isang matulis na bagay na sumaksak sa aking dibdib.

Isa lang ang pumasok sa isip ko...

Blade.

Dahil nainis ako. Hindi ko naramdaman yung sakit. Unti-unti akong nagiging werewolf dahil sa tindi ng galit.

"Patayin mo na ako! Wag mo lang idamay ang kambal ko! Fvck you!!!"

Nasira ko yung kadena na nakakadena sa aking mga kamay at kinwelyuhan ko siya. Imbis na matakot siya. Ngumiti lamang siya.

"Wala kayong dalawang kwenta!! Pero sinisigurado ko na pati si Blade mapapadamay."

Damn! Ang kulit ng lahi niya! Ano pa bang magagawa ko? Alam kong sinumpa niya ang buhay ko sa buhay niya. Alam kong sa tuwing sinasaktan ako ng mga bampira dito ay nadadamay siya.

Pinakita niya sa akin ng isang beses noong sinaktan niya ako ay nasaktan din siya. Pinakita ito sa akin ni Armadante! Plano niya ang lahat ng ito!! Gago siya!

"Fvck! Ano bang nagawa kong kasalanan!?!" Sabi ko saka binitawan siya at napahawak ako sa buhok ko.

Sumasakit na ang ulo ko sa lalaking ito.

"Hindi mo sinunod ang utos ko. Idagdag mo pa iyang kapatid mo na walang ginawa kundi ang protektahan ang babaeng papatayin namin!!!"

Susuntukin ko na sana siya pero bigla siyang naglabas ng blazing ball sa kanyang mga kamay at halos maging apoy na ang kanyang mga mata dahil sa galit.

"Nakikita mo ito? Ito ang magiging dahilan ng pagkamatay niyong tatlo." Sabi niya at tinalikuran ako saka lumabas.

"Ayusin niyo ang kadena." Narinig kong utos niya sa mga kawal at pumasok naman agad sila saka kinadena ulit ako.

Si Blade at si Scarlet. Dalawang tao na mahal ko kaya napapahamak ako dito. Proprotektahan ko si Blade dahil mahal ko siya pati na rin si Scarlet. Pero kapag nakalabas ako dito nang ligtas at maayos. At kung ligtas din silang dalawa. Hindi ako magdadalawang-isip na agawin si Scarlet kay Blade.

------------

"Oh! Kamusta, Vladimir? I have something for you." Rinig kong sabi ni Zaphara kaya minulat ko ang aking mata saka tinitigan siya na nakatayo habang may lumalabas sa kanyang mga kamay na kung saan ay dito makikita ang nangyayari.

Nakikita ko doon sa pangyayari kay Scarlet at Blade. Pero hindi namin nadidinig ang pinag-uusapan nila.

Fvck! Nagseselos ako dahil... dahil kasama ni Scarlet si Blade sa lagay na yun! Samantalang ako?! Nandito at nakakulong!

Pinanood ko lang yon. Hanggang sa hinalikan ni Blade si Scarlet at hinalikan din ito ni Scarlet. Naiinis at nagagalit ako!!!

"Mahal mo si Scarlet, mahal ko si Blade! Ayokong sila ang magkatuluyan. Ayokong nasasaktan si Blade! Kaya magkaroon tayo ng kasunduan!" Sabi niya at nawala na yun sa kanyang kamay saka lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko at saka iniharap sa kanya. Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon