HM #43

17 1 0
                                    

A/N: It's Zaphara's turn. :) Please don't hate her. XD

CHAPTER 43

(Zaphara's Pov)

"Walang kwenta kang tauhan!!!" Sigaw ni Daddy kay Vladimir at tumalsik ito sa pader dahil sa pagkatulak ni Daddy.

May lumabas na dugo sa labi ni Vladimir. Sht! Hara, pigilan mo sarili mo. Dugo lang yun. Geez! And I don't freaking care!

"Fvck! Hindi ka ba talaga susunod?!" Singhal ni daddy kay Vladimir pero kalmado lamang ang mukha ni Vladimir.

Tsk. Wala talagang pakialam sa mundo.

"Wala akong kwenta diba?! Oh bakit hindi ikaw ang pumatay? Tutal ikaw ang may gusto." Walang ganang sabi ni Vladimir at inayos niya ang kanyang tayo pero itinulak siya ulit ni daddy na dahilan para makalabas na siya sa aming palasyo.

Napangiti naman ako.

Dapat lang sayo yan! Ayaw kasi sumunod! Tsk. Sa susunod talaga ako na ang papatay kay Scarlet that btch para mapapunta na sa akin si Blade!

"Ayaw mong sumunod? Pwes! Humanda ka sa kaparusahan kasama ang kambal mo!" Sigaw ni daddy kaya biglang napawi ang aking nga ngiti.

Idadamay niya si Blade? No!! Wag naman niyang idamay si Blade! Si Vladimir na lang! Wag ang taong mahal ko.

Walang kaalam-alam si daddy sa aking plano. Hindi niya alam ang nararamdaman ko kay Blade.

Isa lang naman ang plano ko eh. Ang patayin si Scarlet at isa iyong paghihiganti dahil sa kanya ay nawala ang mommy ko. Pati na rin si Bladw na mahal ko na dapat ay sa akin lamang!

Tumayo si Vladimir saka naglakad papalapit sa amin ulit.

"Saktan niyo siya kung gusto niyo! Wala akong pake." Sabi niya at akmang aalis na sana niya pero nagsalita pa si daddy.

"Sige. Hindi lang ikaw at ang kambal mo ang masasaktan! Pati na rin ang babaeng minamahal mo ngayon!"

Gusto ko sanang tumawa dahil idadamay ni Daddy si Scarlet pero idadamay niya din si Blade... Tsk!

"Wag niyo siyang idamay!!" Humarap si Vladimir pero tumawa lamang si Daddy.

"Hahahaha!!! At sino ka para utusan ako?! Bata, tandaan mo. Simula noong tumungtong ka dito, siya na ang pakay ko!!"

"Wala kang kwentang hari!!!" Sigaw ni Vladimir dahilan para siya'y mawalan ng malay dahil sa binato ni Daddy sa kanya.

Binuhat siya ng mga ilang kawal namin saka dinala sa isang kulungan.

Tumingin naman ako kay Daddy na kausap ang isa pang kawal. Lumapit ako para madinig ko sila pero bago pa man ako makalapit ay tapos na.

"Anak. Malapit na ang araw na tayong dalawa na lamang ang mamumumo sa mundong ito! Bwahaha!"

Napangiti na lamang ako. Excited na din ako. At kapag nangyari yun, makukuha ko na ang lahat ng gusto ko. Especially, Blade.

Pumunta ako sa kulungan ni Vladimir para bantayan siya.

At nang makarating ako ay nakita ko siyang puro duguan na dahil sa pagbugbog ng mga kawal namin.

Kumuha ako ng upuan saka umupo sa kanyang harapan saka nag-crossed legs. Handa na akong hintayin siya!

Geez! Ayokong pinaghihintay ako ng matagal! Masisira ang kagandahan ko! Tsk! Aakitin ko pa si Blade my lovesss~!

Tiningnan ko ang mukha ni Vladimir.

Magkamukhang-magkamukha sila ni Blade pero si Blade pa rin ang gusto ko. Ang pinagka-iba lamang nila ay ang kulay ng mga mata nila.

Tanga, manhid at bulag na lamang ang hindi makapansin na magkambal sila ni Blade.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon