HM #32

30 4 0
                                    

CHAPTER 32

"Did you like it?" tanong ni Blade at inalalayan akong umupo.

Back to normal na ulit yung mukha niya. Hindi na ulit nakangiti. Napaka-cold na ulit.

Napatingin naman ako sa kamay ko na hawak niya.

Kinikilig ako! Pakshet. Blade. Liligawan mo kaya ulit ako kahit mahal mo pa ako?

Nginitian ko siya at tumango ako. Umupo naman siya sa tabi ko at lumapit sa amin yung ibang werewolves pati na rin si Dia na ka-holding hands si Lazarus.

"Marunong ka palang kumanta? Bakit hindi mo sa akin sinabi?" tanong ko at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Hindi ka naman nagtatanong."

"Bakit niya naman yung mao-open sayo kung busy siya sa kanyang mga memorya. Tsk." siit naman ni Hades at tumingin si Blade sa kanya at sinamaan din ito ng tingin.

Pilosopo talaga si Hades. I wonder kung paano ko siya naging guy bestfriend?

"Shut up. Hindi ikaw ang kausap ko. Tsk." sabi ni Blade at tumingin naman ako kina Cullen.

"Kayo? Bakit hindi niyo din sinabi sa akin na magagaling pala kayong tumugtog?" tanong ko sa kanila at tinuro ko pa sila isa-isa.

"I thought tanda mo pa." sabi ni Draven na ipinagtaka ko.

"What do you mean?" tanong ko at si Nicholas ang sumagot.

Ang tahimik yata ni Cullen ngayon?

"You taught us to play."

Huh? Tinuruan ko sila?! Noon?! 'E hindi nga ako marunong tumugtog o kumanta tapos tinuruan ko sila?

"Are you serious?" di kapani-paniwala kong tanong at tumango siya.

Tumingin ako kay Blade at binigyan ko ng tingin para ma-confirm kung totoo nga. Tumango din naman siya.

Napatingin ako kay Dia na nakangisi.

"Ano naman nginingisi mo dyan?" pagtataka ko at kumindat siya.

"Wala ka bang nalalaman?" tanong ni Lazarus kaya nagtaka ulit ako.

"Na ano?"

Ako na ang inosente. Sila na may alam. Tsk.

"Pft. Heiress, he's starting to courting you now." napatingin ako kay Cullen na nakangiti na at tiningnan ko ulit si Blade at umiwas siya ng tingin.

Nagsimula na naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Liligawan na niya ako? Parang kanina lang hinihiling ko pero... kyaaa!!! Kinikilig ako. Ehem.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Okay. Relax.

Syempre, gusto ko munang mafeel ang ilang sandaling pagiging single. Pero darating din yung araw na sasagutin ko siya. Hindi ko na patatagalin. :)

Wait. Paano si Vladimir? Diba nanliligaw din siya sa akin? What if dumating yung punto na sinagot ko na si Blade pero tuloy pa rin siya?

I need to tell him about this. Para hindi na siya umasa pa. Ayokong masaktan siya. Pwede pa naman kaming maging magkaibigan.

"Nagbabalik na ang ScarLade!!!" masiglang sigaw ni Dia at tumili pa siya. Napa-iling na lang ako.

Hindi ko gusto ang side ni Dia na may pagka-isip-bata din pala. Hindi kasi bagay sa kanya. O hindi lang ako sanay?

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon