HM #52

24 1 2
                                    

CHAPTER 52

(Scarlet's Pov)

Di nagtagal, nakauwi ang lahat ng Hightals. Chineck isa-isa ni Master A dahil may listahan naman siya. So kumpleto. Pero yung mga werewolves na...

"Where is Blade?" Agad kong tanong nang mapansin kong hindi nila kasama si Blade.

Naghintay ako na isa sa kanila ay sumagot ngunit walang nagsalita.

"Nasaan si Blade?" Ulit ko pero wala pa rin. Hindi sila nagtitinginan sa isa't isa at lahat sila ay hindi umiimik. At idagdag pa ang mga tingin nila na walang emosyon. "Really, guys? What happened?" Tanong ko pero ni isa sa kanila ay wala pa rin nagsalita.

Bakit ba ayaw nilang umimik?! Ano bang nangyari?! Bakiy sila naghiwa-hiwalay? Bakit sila ganito? Nasaan si Blade? Ano?!

Hinanap ko si Lazarus na busy sa pag-aasikaso sa ibang Hightals.

Si Lazarus lang yung maayos ngayon. Siguro siya lang ang makakausap ang mga apat na matitino.

Tumalikod ako at hindi na rin sila pinansin.

Inasikaso ko din ang ibang Hightals lalo na yung mga bago dito sa Highratell. Maaayos sila, may malalakas din kung titingnan. Praktisado sila kahit nasa ibang lugar sila tumigil.

Kahit na inaasikaso ko ang mga Hightals at ang iba ay hindi ko maiwasan na isipin kung nasaan si Blade.

Nasaan ka na ba kasi, Blade? Hanggang ngayon pa rin ba?

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

-----------

(Lazarus's Pov)

"Nicholas! Bro. What did just happened?" Mahinahon kong tanong kay Nicholas nang makatabi ako sa kanya.

"Si Draven at Cullen ay magkapatid."

"What just did you say?!"

"Sabi ko, si Draven at Cullen ay magkapatid."

So hindi ako nagkamali ng dinig? Tama talaga yung nadinig ko? What the fvck.

Bakit ngayon ko lang yun nalaman? Bakit hindi sinabi sa amin?

"Kaya hindi sinabi sa atin ay dahil ayaw malaman ng mga kalaban ng pamilya niya na may natitira pang lahi." Dugtong pa ni Nicholas.

Wala ba silang tiwala sa amin?

"Meron pa bang ibang problema?" Tanong ko at tumingin sa kanga na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kawalan.

"Si Hades ay mahal si Heiress."

Alam ko naman yun. At alam din ni Nicholas yun. Pati namin. So anong problema doon?

"Ngunit hindi alam ni Blade." Dagdag niya so napanganga ako.

"Seriously? Are you sure?"

Pero bakit ang alam ko ay alam ni Blade na may gusto ni Hades kay Heiress.

Baka nagkamali lang sila?

"At si Blade, si Blade ang pinakamaraming nililihim sa atin." Nilingon ko ang paligid para hanapin si Blade ngunit wala akong nakita ni anino niya.

"Nasaan ba siya?" Tanong ko at tumingin kay Nicholas. Naghintay ako ng sagot niya hanggang sa plano ko na sanang bawiin ang tanong ko ngunit biglang may nagsalita sa likod namin dalawa.

"Kasama ko siya kahapon, niligtas niya ako sa apat na bampira. Isang tao ang nagpakita at nag-usap sila ni Blade. Pagkatapos noon, iniwan ko na siya at di ko na alam kung saan pumunta." Napalingon ako kay Hades na nakapamulsa habang nakatayo. "And one more thing, bago sila mag-usap nung lalaki ay narinig ko ang boses ni Blade sa aking isip at sinabing tumahimik muna ako." Dagdag pa niya.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon