HM #12

44 5 0
                                    

CHAPTER 12

Nabalot ng katahimikan sa loob ng kwartong ito nang sagutin ni Blade ang tungkol sa sarili niya.

Ako na sana ang babasag nang bigla na lang pumasok si Master A ng hindi man lamang kumakatok.

"Heiress. May problema tayo." sabi ni Master A at halata sa kanyang mga mata ang takot at kaba.

Napatayo ako pati si Blade at lumabas kami at tiningnan ang paligid.

"Ano pong problema?" tanong ko na medyo nagtataka dahil wala naman akong gulong nakikita dito sa Highratell Kingdom.

"Si Ms. Yarimia. Kai--"

"Si Yari, Scarlet! Unti-unti na siyang nagiging vampire! At yung mga alaala niya ay nababalutan ng galit dahil kay Zaphara! Kapag hindi natin naabutan, tuluyan ng siyang magiging vampire at makakalimutan na niya ang lahat ng mahal niya sa buhay!" pinutol ni Dia si Master A at siya na mismo ang nagtuloy.

Bigla akong nanlambot sa sinabi ni Dia. Paano namin siya ibabalik sa pagiging mortal? Paano namin siya magagamot?

"Kailangan kong bumalik sa mundo ng mga tao." sabi ko at aalis na sana nang pigilan nila ako.

"Malakas si Yarimia. Kasama niya ngayon si Zaphara." sabi ni Master A na ikinatungo ko.

"Ano ang dapat namin gawin? Baka mamaya niyan, i-sunod na nila ang mga magulang ko." sabi ko at naiiyak na naman ako.

Bakit ba napakahina ko?! Bakit ba napakababaw ng mga luha ko?!

"Kailangan mong burahin ang mga alala ng magulang mo simula noong nakilala ka nila." suggest ni Dia at napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" pagtataka ko.

"Wala silang alam tungkol sa mga magulang mo. Kaya once na malaman niya ang tungkol doon, hindi siya magdadalawang-isip na patayin sila. Ganon katindi si Zaphara." sabi ni Master A.

Nanatili akong tahimik. Ayaw mag-sink in sa aking utak ang mga sinasabi nila. Masyado yata akong maraming nalaman.

"Kung gawin ko iyon. Magiging safe sila?" tanong ko at tumingin kay Master A.

"Yes."

Kung gagawin ko yun? Wala na akong mga magulang. Kung yung mga tunay kong magulang wala na. Sila, kakalimutan ako. Ang sakit lang non isipin pero siguro kailangan kong gawin para sa ikabubuti nila.

May mga bagay pala talaga na kailangan mong i-sakripisyo para sa ikabubuti.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nandito kami ngayon sa Highratell Kingdom. Kung saan nandito na ang mga ibang immortal.

"Yo! Boss!!" napasulyap kaming tatlo ni Blade at Dia nang may tumawag kay Blade at lumapit. Hindi siya pinansin ni Blade.

Tsk. Tsk. Kailan talaga, bastos ang lalaking to.

"May bago ka na naman kasama? Chicks? Woo--"

"Shut up. She's the heiress." natigil siya at napatingin sa akin. Nginitian ko naman siya at tumawa siyng pilit.

"Ha-ha-ha! Hehehe... Heiress. Welcome back." sabi niya at lumuhod saka ulit tumayo. Nginitian ko lang siya.

"By the way, Heiress. I'm Cullen." sabi niya at naglahad ng kamay at akmang makikipag-shakehand na sana ako nang bigla na lamang siyang umiling.

"Wrong greet. Heiress." sabi ni Cullen at kinuha na lang ang aking kanang kamay at hinalikan iyon bilang respeto.

"Psh." Narinig ko sa isip ko na nagsalita si Blade sa kanyang isip kaya napatingin ako sa kanya at umiwas ng tingin sa amin ni Cullen.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon