HM #47

20 1 0
                                    

CHAPTER 47

(Cullen's Pov)

"Boss! Sasama ka ba?" Tanong ko kag Blade nang makita siyang papalapit sa amin.

"What do you think? I'll leave you in this mission?" Tanong niya kaya ngumisi ako.

Iba talaga siya!

"Asikasuhin mo na lang muna boss ang mission mo para kay Heiress." Sabi naman ni Nicholas pero tinitigan lang siya ni Blade.

Oo nga no? Siya lang ang makakatulong eh! Medyo may pagkabobo lang talaga itong si Blade na. Mas mapapadaling maalala ang memoya kung ginagawa ulit ito. Tsk.

"No."

"Kung ayaw mo, ako na lang." Sabi ni Hades na kararating lang at agad akong tumingin kay Blade na masama ang tingin kay Hades.

Ito na naman sila. -__- Mga gago, bakit kasi pinag-aagawan si Heiress.

"Why? Who do you think you are that can easily help Scarlet?" Tanong ni Blade at ngumisi lamang itong si Hades.

"I'm her childhood bestfriend. And I know that I can help her." Sabi ni Hades at tumingin ako kay Draven na kapatid ko.

Binigyan ko ang kapatid ko ng sign na pigilan silang dalawa.

"Guys? Let's already prepare. Anytime, the mission will start." Sabi nito saka ngumiti ako at tumigil naman ang dalawa.

"Kailangan may maiwan kay Heiress." Sabi ni Nicholas at tumingin ako sa dalawa na nakatitig sa isa't isa.

Hanggang dito ba naman! Kahit ba naman sa mga tingin nila? Nag-uusap sila? Lakas niyo tol!

"Since Blade is the leader. I'll going to stay... with Scarlet." Sabi ni Hades at ngumisi pa ito sa harap ni Blade.

"Tsk." Sabi ni Blade at nagcrossed arm.

"Mabuti pa, tanungin niyo na lang si Heiress." Suggest ko at tiningnan nila ang isa't isa saka umiwas ulit.

Abnormal! Ano ba kasing meron kay Heiress at lagi na lamang hinabol-habol ng mga lalaki? Alam kong lalaki ako at gwapo. At alam ko din na maganda't mabait si Heiress. Pero the fvck? Kahit mahal ko si Heiress, syempre bilang kaibigan. Hindi ako naging pabebe sa kanya. -_- Uhm?? Slight lang siguro? Hahaha. Gwapo naman ako! ;)

"Tsk." Sabay pa nilang iwas.

Nakita naman namin si Heiress na papalapit na sa amin kaya agad kaming umayos ng tindig.

"Heiress!" Bati ko at nagsalute pa ako. Ngumiti naman siya sa akin tapos biglang seryoso ulit.

"Mag-ingat kayong lahat ha? Since si Blade ang leader niyo. Susundin niyo siya!" Sabi ni Heiress kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

Ibig sabihin ba ay...

"Kasama si Boss?" Tanong ko para makasigurado.

"Yes! Siya ang leader niyo kaya dapat kasama siya." Sabi ni Heiress habang nakangiti pa kaya napangiti na lang din ako.

"Teka? Nasaan si Lazarus?" Tanong ni Heiress. Nilibot namin ang mata namin para mahanap ang anino ni Lazarus na brokes hearted yata.

Nasaan na nga ba ang lalaking yon? Ilang araw ko na yun hindi nakikita! Bwisit! Broken hearted lang nang-iwan na! Tungunu! Ano pala kami sa tingin niya? -_-

"Hindi pa siya bumabalik o nagpapakita." Si Hades na ang sumagot ng tanong ni Heiress.

Nasaan na kasi yung lalaking yun?

"Oh sige. Hayaan niyo muna siya. Ako na ang bahala sa kanya. Hahanapin at kakausapin ko muna siya. Kayo! Diretso na sa paglalakbay." Sabi ni Heiress at tumango kami maliban lamang kay Blade.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon