HM #27

23 5 0
                                    

CHAPTER 27

"Tsk. Care lang?? Care lang talaga, Scarlet? Ayun lang yung sinabi mo? Wow! Alam kong unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya." sabi ni Dia at umiling-iling pa.

Kinwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa amin kanina ni Blade.

Matapos kong sabihin na nag-aalala ako sa kanya ay bigla na lang mas naging cold ang kanyang mga tingin at aura.

Tapos binitawan na niya ako nun sa braso at iniwan akong mag-isa doon. Yung mga estudyante na nanonood sa amin or should I say mga vampires na nanonood sa amin ay parang nagagalit o naiinis lalo sa akin.

"I'm not."

"Yes you are.

"I'm not."

"Yes."

"No.

"Yes."

"N--"

"Tell me. Anong nararamdaman mo kapag nandyan siya?"

Napa-iwas ako ng tingin at inisip kung ano nga ba.

Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya sa aking tabi. Yun lang. Aish.

Magsasalita na sana ako nang bigla na lang kami nakarinig ng sigaw sa labas kaya agad kaming lumabas at tumingin doon.

Then I saw Zaphara. Sinasakal niya yung isang student. At si Zaphara halos maging apoy na dahil sa galit.

Hindi ko maramdaman yung aura nung babaeng sinasakal niya.

"That girl is a pure human." natatarantang pagkakasabi ni Dia kaya tiningnan ko yung babae at halatang inosente lang siya.

Kailangan ko siyang pigilan.

Tumakbo na ako at narinig ko pa yung tawag ni Dia pero hindi ko yun pinansin.

Malapit na ako sa direksyon nila nang bigla na lang binitawan ni Zaphara yung babae at nawalan ito ng malay.

Akmang lalapitan ko na sana yung inosenteng babae nang maunahan ako ng isang lalaki.

"Fvck. Why did you do that?!" tanong nung lalaki kay Zaphara pero ngumiti lang ito.

Ugh. She's a demon.

"Naiinis ako sa mga babaeng minamahal din sila ng kanilang mga mahal." sabi ni Zaphara at iniwan na siya.

Anong ibig sabihin ni Zaphara? I thought that na kasama din ito sa plano nila sa akin pero hindi pala. Ibang dahilan.

Naramdaman kong may humawak sa aking balikat at pagtingin ko ay si Dia.

"I need to rest." sabi ko at inalis yung kamay niya sa akin at iniwan na siya.

Nalilito na ako.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Heiress. Madami na kayong iniisip ngayon. Kailangan mo munang magpahinga." sabi ni Master A na kasama ko ngayon sa isang bahay.

Ito yung bahay na kung saan ako dinala ni Blade noong unang punta ko dito sa Immoworld.

"Pero paano yung alaala ko? Gusto ko nang matapos ito. At kailangan bumalik na sa akin iyon agad-agad para maalala ko ang lahat ng aking kapangyarihan. Para handa tayo kung sakaling sumugod na ang mga bampira." pag-aalala ko at umiling siya.

"Kami pong bahala doon, Heiress. Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Mag-uusap kami ni Blade mamaya." sabi niya at tumango na lang ako saka lumabas na siya.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon