Nasa taas nang toktok nang bukirin si Amanda at nakapikit ang mga mata habang nakadipa ang mga kamay at malayang isinasayaw nang hangin ang kanyang nakalugay na hanggang bewang na buhok. Aakalain nang sino mang makakakita sa kanya na mayroon siyang shooting nang shampoo comercial.
Habang hinahangin ang buhok niyang alaga sa gata nang niyog, nakapikit at may ngiti sa labing sinasamyo niya ang preskong hangin nang hacienda na pagmamayari nang isa sa pinaka mayamang haciendero nang bansa. Si Don Juan.
Bff niya ang matanda kaya may laya siyang nakakapamasyal sa pinakasuloksulokang bahagi nang lupain nito. Actually, bff ito nang buong trabahante nang Don. Mabait kasi ito at matulongin sa mga nangangailangan. Hindi rin ito kagaya nang ibang mayayaman na matapobre.
Her family is one of the hundreds of tauhan nang pamilya Alvarez. Hindi kagaya nang ibang namamasukan sa ibang pamilya, kahit kailan ay hindi niya pinangarap na maging mayaman. Kuntento at masaya na siya sa buhay sa bukid kasama ang pamilya niya at ang kaunting alagang hayop nila. Hindi kagaya nang ate niyang ambisyosa. Nag-maynila dahil gustong magartista. Feeling maganda masyado kahit na galisin naman ang maitim na mga tuhod at siko. Nagpauto sa nakilala umano nitong director sa mga comercials, ayun nabuntis. Mabuti nga lang at pinanindigan nang director kuno, yun pala isang hamak na alalay lang pala ito. Pero infairness, kahit na may kasaratan, kakapalan at kaitiman ang labi nito, kasama na ang kulot at makakapal nitong buhok, may kabaitan at kasipagan din namang taglay iyong bayaw niyang iyon. Close nga sila eh. Pero buti nalang at sa lahi nilay may kagandahan nang kaunti nagmana ang mga pamangkin niya, kung hindi naku, baka itinakwil nya ang ang mga iyon. Kambal kasi kaya mga.
Anyway, kilala niyo naman na siya bilang si Amanda, di ba? Amanda Pangilngigan ang buong pangalan nya. Mandang sa family nya at close friends habang Amanda Page naman sa mga hindi close masyado or new friends. Sa mgabagets dyan, search niyo sino sya. :)
Medyo may kapandakan siya sa height na limang pulgada at limang pulgada lang talaga. Walang labis, walang kulang. Medyo dark na kapag gumabi ay cannot be seen ang skin tone nya. Medyo may kagandahanang fes pambawi ni author sa mala luya niyang paa na isang dangkal ata ang kalyo. Di kasi niya feel magtsenilas noon, na pinagsisisihan niya nang malaki ngayon. Drop out sa kolehiyo kasi mas gustong makasama niya ang mga kalabaw sa bukid kesa ang makinig sa boring niyang mga prof. May kurba din naman ang kanyang body. Papasa nang calendar girl nang tanduay rhum. At nag best asset niya na talaga kanyang inaalagaan ay ang kanyang tuwid, itim at shiny hair. Salamat sa kumbinasyon nang gugu at conditioner, kahit na minsan bareta nang sabong panlaba ang shampoo niya, ok na ok pa rin basta may gata nang niyog at conditioner mula sa hinating sachet.
Twenty-three years old na pala siya. May mangilan-ngilang manliligaw din siya. Iyon nga lang di niya type. Kahit naman kasi ganoon ang itsura niya, may taste naman kasi siya. At ang napupusuan niya ay walang iba kundi ang lalaking akala mo pinagbagsakan nang langit at lupa habang nakabusangot ang mukha na nakatingin sa kanya. Sakay ito nang kabayong imported pa mula sa kung saan. Topless si dream boy! Yummy!
''Ang pangit nang bungad mo asawa ko in the near future.'' nakasimangot na wika niya dito na lalo namang ikinabusangot nang mukha nito.
''Quit calling me that! You're giving me chills.''
Agay kasakit!
''Sus pakipot pa ang kapre.'' tudyo niya dito. Napalunok naman siya nang bigyan siya niyo nang dagger look. Kung patalim lang ang mga mata nito, malamang, matagal na siyang fossil. Ang sungit nitong si Ernisto sa kanya eh. Kung di lang niya talaga ito mahal, matagal na niya itong ipinasuwag sa alaga niyang si Pretty.
''Lolo wants to talk to you.'' huling sinabi nito bago tumalikod at pinaharurut ang kabayo nito.
''Hay.. kanus'a pa man tawon ka mainlab sa akong gwapoha ka oi.'' bulong niya sa hangin.
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.