3

749 17 0
                                    

Alas dose na nang madaling araw ay hindi pa rin sya makatulog. Lagi nya kasi naalala ang mukha nang gwapong soon to be asawa nya. 

Alon-alon na buhok na medyo may kahabaan. Matangos na ilong. Malalantik na may kahabaang pilik-mata na bumagay sa brownish na kulay na mata nito. Mapula-pula ang balat nito. At bumagay ang mga muscles nito in the right places sa taas nitong six feet and two inches. Oh, di ba.. height palang bagay na sila.

Pero bukod sa makalaglag panty look nito na tiyak na pipilahan nang sang kabaklaan, muscles na makakapag-tulo laway nang mga tuyot na matrona nang san libotan at higit sa lahat sa patoytoy nitong noon ay kasing laki lang baby kamias; cute.. hehe. Di tuloy nya mapigilang pamulahan nang mukha. Syet! 

Balik tayo sa chika nya. Ayon nga, bukod sa physical features nitong talaga namang kakabog sa mga international models, mas iyong galit at pagkasuklam nito sa kanya ang ayaw talagang magpatulog sa kanya.

''Ang tigas naman kasi nang puso nang lalaking yun eh! Akala mo naman ganun kasama ang ginawa ko! Hmp!'' naiinis na wika nya sa sarili habang nagpapalit nang pwesto sa pagkakahiga. ''Naku! Kung hindi lang talaga kita mahal, matagal na kitang kinulam sa sama nang ugali mo sa akin! Matagal ko nang tinusok-tusok nang karayom yang mukha mo at nang magkapimples ka nang kasing laki nang monggo! Matagal ko nang pinapangit yang itsurang mong nakakabasa nang panty. Hehe..'' Ay syet! Talagang matindi ang kapit sa kanya nang gayuma ni Ernisto ALcantara!

''Pero sana naman oi, you'll find it in your heart to forgive me. Bukod sa matagal na iyon, eh, mas mainam naman na we'll live in harmony and love, di ba? Ayaw mo naman siguro laging magulo ang soon to be home natin, di ba? Pero if not now, sige na nga.. I'll work harder and more para mapatawad mo na ako. Sa ngayon, sleep na muna tayo at nang maiwasan ang unwanted hills in our face at mga premature wrinkles, ok? Good night my labs! Mwah!'' sabay halik niya sa picture nang kanyang mahal na nakadikit sa dingding na katabi nang kama nya.

Sinadya niya talagang doon ipwesto ang picture nitong ninakaw niya pa. Nakita niya ito sa kwarto nito na nakaframe. Nakatawa ito sa picture ay gwapong-gwapo kaya naman di nya napigilang kunin. Iniwan nya lang ang picture frame kasi mukhang mamahalin. Nagiwan naman sya nang note that says ''I'll take you're picture as a hostage habang napailap mo pa.'' na may kasama pang smiley face. Malaya pa naman siya hanggang ngayon, so malamang talaga ay nagpapakipot lang itong asawa nya sa hinaharap. Gusto dalagang pilipina ang dating. Kainis!

Kakatitig nya sa picture nang mahal nya ay di na nya namalayang nakatulog na pala sya. And in her sleep she went back to the time when was still a naughty five year old. 


His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon