''Isayaw mo ako.''
Kumunot ang noo ni Earnest nang marinig ang boses nang babaeng halata nang may tama nang lambanog. Namumula na ang mukha nito at namumungay ang mga mata.
''Umuwi ka na.'' malamig na wika nya dito.
''Isasayaw mo ako o gagawa ako nang eksena dito? Mamili ka.'' utos nito na lalong nagpakunot nang noo nya. Ayaw niya sa klase nang tuno nito na para siyang walang pagpipilian.
''Isasayaw mo ako o gagawa ako nang eksena dito?!'' May kataasan na boses nito at nakakakuha na nang pansin sa mga tao sa paligid.
Walang pasabi siyang tumayo at iginiya ito sa kung saan marami ang nagsasayaw. Inilagay nya ang magkabilang kamay sa magkabilang baywang nito at walang ganang nag'swing side to side. Nanigas ata sya sa kinatatayuan nang bigla itong kumapit sa polo nya at inilapit ang katawan sa kanya. He didn't know what to do kaya naman nanatili nalamang siyang nakatayo. Naramdaman niya nang lalong isiksik nito ang sarili sa kanya. Amoy nya ang bumbunan nito. Hanggang dib-dib nya lang kasi ang taas nito.
''Amanda..''
''Sshhh.. kahit ngayon lang. Hayaan mo akong makalapit sa'yo nang ganito kalapit. Hayaan mo naman akong maramdaman ang tibok nang puso mo.'' wika nito.
Hindi nya alam kung bakit, pero bigla nalang siyang nakaramdam nang sakit at awa dito. Marahil dahil sa para itong kawawang-kawawa sa boses nito.
''Wala ba talaga akong pagasa sa'yo? Hindi mo ba talaga ako kahit kailan titingnan nang kagaya nang kung paano mo tingnan ang babaeng gansa na iyon?'' tanong nito na ikinakunot-noo niya. Hindi naman kasi niya kilala kung sinong babae ang tinutukoy nito.
''Amanda..''
''Wala ba talaga akong appeal sa'yo? Hindi mo ba talaga ako magugustohan kahit kailan? Ano ba ang ayaw mo sa akin? Issue ba sa iyong hindi ako mayaman?'' wika nito habang nakatingala na ngayon sa kanya. Di naman niya naiwasang mabwisit sa pinagsasabi ito. Ayaw niyang tunog disperado ito.
''Lasing ka na. Iuuwi na kita.'' malamig na wika nya dito.
''Ayoko. Hindi ako uuwi hanggang di mo sinasagot ang mga tanong ko.'' matigas na tangi nito. ''Bakit ba ang sama nang ugali mo pagdating sa akin? Bakit ba di mo ako kayang gustohin? Kailangan ba ipagigib kita nang tubig? Ipagsibak nang kahoy? Haranahin para lang magustohan mo rin ako? Hindi naman ako ganun kahirap mahalin ah. Bat ang tigas nang puso mo? Bakit ang alam mo lang laging gawin sa akin eh saktan ako. Nasasayahan ka ba sa tuwing nagseselos ako samga babae mo? Sa tuwing pilit kung tinatago ang sakit sa tuwing binabara mo ako, nageenjoy ka ba? Sabihin mo..''
Tumigil kana Amanda' yan ang bulong nang isip nya ngunit ayaw paawat nang bibig nya.
''Masakit eh.. kahit mahal na mahal kita, masakit eh. Pinilit ko namang wag ikaw ang mahalin. Ang itigil ang kabaliwan ko sa'yo? Pinilit kong tigilan. Pinilit kong ibaling sa iba ang pagtingin ko sa'yo. Pero ayaw paawat nang puso ko. Ikaw lang daw kasi talaga ang para kay Amanda Katipunan. Langya kasi eh.. pati yata sa kasulok-sulokang bahagi nang himaymay ko ay nabrainwash nang husto nang puso ko. Ilang taon ba naman kasi kitang minahal. Simula ata noong nagkadalaw ako buwan-buwan, ikaw na pinipintig nang puso at puson ko eh.'' wika nya sabay tawa nang mahina.
Inanud na nang tatalong basong lambanog ang kaunting hiya meron sya. Isali mo pang lahat nang paninibugho, sakit, tampo at selos niya na nararamdaman ay naguunahang umalpas.
Bahala na bukas. Bahala na kung ano man ang kahihinatnan nitong kabaliwan nya.
''Amanda, iuuwi na kita.''
Napapikit siya nang mariin nang marinig ang kalamigan sa boses nito. Malamig at matabang. Natawa sya nang mahina.
''Langya, wala ka talagang kaamor-amor sa akin, ano? Iuntog mo nga ulo ko at baka matauhan ako. O kaya sapakin mo ako, baka sakaling magising ako sa katangahan kong ito.'' kahit anong pigil nya, may nakalampas pa ring luha sa mga mata nya.
''Pero alam mo, may isa pa akong hindi nagagawa. Itataya ko lahat sa huling braha ko.''
Nagugulohan man sa pinagsasabi nang babae at magtatanong sana kung anong ibig sabihin nang pinagsasabi nito, hindi na niya nagawa pang isatinig iyon. Paano ba naman kasi, pagkatapos nitong sabihin iyon ay yumakap ito sa kanya nang napakahigpit at tumingkayad pagkatapos. Plano siguro nitong halikan siya sa pisngi pero dahil maliit ito, sa panga nya sumayad ang labi nito na nagdulot sa kanya nang di niya inaaasahang sensasyon.
''Good night na. Managinip ka sa akin, ha?'' wika nito sabay ngiti sa kanya nang pagkatamis-tamis bago naglakad palayo.
Naiwan naman siyang nakatingin sa papalayong likod nito. Hindi niya alam, pero halo-halo ang nararamdaman niya ngayon. Masaya sa hindi niya malamang dahilan. Nasasaktan din siya at nalulungkot. Natatakot at naeexcite. Bumuntong hininga nalang siya nagpasyang umuwi na. Nawalan na siya nang ganang magsaya. Ipapahatid nalang nya si Merdie sa isa sa mga barkada nya.
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.