28

653 18 0
                                    

She is walking down the freshly cut bermuda grass in her personalize sandals made in abaka na napapalamutian nang initials nya at ni Ernisto. Sayang nga lang at natatago ito sa kanyang mahabang tube wedding dress na simple lang ang pagkakagawa at design na bumagay sa kanya. Ang buhok naman niya ay kinulot ang dulo nito habang mayroon inilagay na tiyarang gawa sa wild little flowers at baby's breath. Simpleng make up lang ang ginawa sa kanya. Kahit na mukha na siyang butete sa laki nang kanyang tyan, she is still the prettiest bride on earth ngayong araw na ito. Sino ba ang hindi mag'mamaganda kung sa iyo mangyari ang nangyayari sa kanya ngayon? It all started last night.. hating-gabi to be exact.

She was in her deep sleep nang maalimpungatan siya sa ingay na naririnig niya sa may bintana nang kwarto nya. Someone's playing a guitar. May naririnig din siyang kumakanta nang isa sa mga paborito niyang kanta. Pamilyar sa kanya ang boses nang taong kumakanta. But she choose to ignore it at pilit na bumalik sa pagtulog. Gustohin man niyang magpadala sa ilusyong ang lalaking iniibig ang siyang nambubulahaw sa tulog nilang magpamilya at nang kanilang kapitbahay, alam niyang napakaimposible. Bukod sa medyo hindi ito pinagpala sa boses, alam din niyang hindi nito ipapahiya ang sarili.. lalo para sa kanya.

Kaunti nalang sana magiging successful na siya sa pagtulog nang may kumatok sa pinto nang kwarto nya.

''Ano ba, Amanda.. wala ka bang balak dungawin sa bintana iyang manliligaw mo? Nakakahiya na sa mga kapitbahay natin. Papasukin mo na yan at nakakabulahaw na.'' ang tatay niya habang kinakamot ang pwetan nito.

''Po?'' naaalimpungatan iyang wika.

''Haist!'' ang nanay niyang nag martsa papasok sa kwarto nya at binuksan ang kanyang bintana. ''Ayan. Halika ka dito at nang magising yang diwa mo.'' 

Totoo nga! Si Ernisto! May hawak na gitara habang nakatingala sa bintana nya. Nakabarong din ito at nakapantalon at hindi ito nagiisa. Isang lalaki na nakasando at pantalon na tinupi lang hanggang kalahati nang binti nito at may hawak na sulo. Walang iba kundi ang kuya niyang bayani.

Bago pa makapagisip ang utak nya, nauna na naman ang kanyang katawan. She walked out of her room and went where Ernisto is standing. Walang sabi-sabi niyang hinawakan ang kamay nito at hinatak patungo sa loob nang bahay. 

''Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Anong trip mo sa buhay at nambubulabog ka sa mga kapitbahay natin? Gusto mo bang masabuyan nang arenolang may ihi?'' tuloy-tuloy na wika nya.

''Magandang gabi. Pasensya na po sa abala.'' nahihiyang hingi nito nang paumanhin sa mga magulang nya. 

''Magandang gabi naman sa iyo hijo. Maupo ka muna at ikukuha kita nang kape. Amanda, halika. Samahan mo akong magtimpla nang kape.'' ang nanay nya. Bago pa man siya makasagot, nahila na siya nito patungong kusina.

''Ano ka ba?! Hindi mo man lang hinintay matapos kumanta iyong tao. Niratratan mo na agad hindi ka man lang nagpasalamat. Ikaw na nga ang hinarana ikaw pa itong nagmaldita.'' her nanay scolded her na sinagot lang nya nang simangot. ''Yan, ikaw na magbigay doon. Magusap kayo nang matino. Tandaan mo, ano man ang maging desisyon mo, susuportahan ka namin at mahal ka namin.'' dagdag pa nito na ikinakunot-noo nya. ''Dalhin mo na yan doon at matutulog na kame.''

Humigop agad ito nang kape pagkalapag nya. Muntik na nga siyang matawa nang mapaso ito. Nagluluha ang mga nito habang pinaypayan nang kamay nit ang dilang napaso. 

''Hipan mo kasi muna.'' wika niya. Kinuha niya ang kapeng inilapag nito at sya na ang umihip bago ibinalik uli sa harapan nito. 

''Ano bang trip mo at naisipan mong mangharana?'' tanong niya sa lalaking nakatinga sa kanya. Nakaupo kasi ito habang siya naman ay nakatayo sa harap nito. 

She is only wearing her worn out duster na hanggang kalahati nang hita nya ang haba. Wala din siyang suot na bra at ang buhok niya ay nakatali in a messy bun. Imbis na sumagot ito, nakatitig lang ito sa kanya habang panay ang lunok nang laway. Mukha itong ninerbyos. 

''Oy!'' wika nya habang kinalabit ang mukha nito. Mukha kasi itong tense. Pati sya napapakamot sa tyan na at natetense din. 

''Amanda..'' pasuspense nito.

''Hmm..''

''Amanda..'' wika uli nito. 

''Ano nga!'' wika nya na may halo nang panggigil at kamot sa leeg. 

''Akin na kamay mo. Your left hand.'' kahit na nagugulohan sa trip nito, wala na siyang tanong na ibinigay dito ang kamay nya.

She gasp when he put on a ring on her ring finger. Diamond. Alam niyang diamond iyon dahil makinang ang malakristal na bato na kasing laki nang tableta nang neozep na iniskwer ang shape. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa sing-sing na nasa daliri at sa lalaking nakatitig lang sa kanya. 

''Marry me, Amanda.'' wika nito before she could even ask him. ''I love you. Please, marry me.'' 

Naguunahang pumatak ang kanyang mga luhang pumatak sa mga mata nya. She felt his sincerity. She can see his love for her in those eyes that looking intently at her. May pagsusumamo at uncertainty doon. But she is sure it's not about his feelings towards her. It's uncertainty sa magiging sagot niya. 

''Kung papayag ka, bukas na bukas din papakasalan kita. As a matter of fact, everything is already set for our wedding tomorrow. Your wedding dress is ready. Our cake and everything else is already ok. Pumayag ka lang at bukas na bukas ay magiging asawa na kita. Kung gusto mo nga, ngayon na eh. Gigisingin ko lahat sila at ipapahanda ang lahat. Please baby, marry me.'' wika nitong hindi maitago ang pangangatog nang boses. ''Kung hindi ka pa handa, kung gusto mo pa ligawan kita nang matagal, ok lang. I will do it. I will court you in anyway you want. Manliligaw ako sayo hanggang kailan mo gusto. Kung gusto mo hintayin muna natin makapanganak ka, hihintayin natin. Kung gusto mo ikaw magplano nang lahat, i will cancel everything and will let you. Kung gus-.'' 

Nabitin ang sasabihin nito when she decide to hush him up with her mouth. She still have questions pero hindi tungkol sa kasiguradohan nito sa desisyon nito sa pagyaya sa kanya nang kasal o kaya ang kasiguradohan nito sa nararamdaman sa kanya. She have questions about the wedding preparation at kung bakit busy ito masyado in the past two weeks na sa tingin niya ay alam na nya ang sagot.

''Anong oras ang kasal natin bukas?'' tanong niya nang matapos ang masuyo at puno nang pagmamahal na halik nila.

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon