13

531 14 0
                                    

Nagsisimula na ang kasayahan nang dumating si Amanda. May naglalaro, may nagaawitan sa vedioke habang may nagiinoman. May mga batang naglalaro at naghahabulan. Meron din namang kumakain. Parang may fiesta lang ang paligid. Di tuloy nya maiwasang mapangiti. Ito ang gustong-gusto nya dito sa kanila. 

Nagpalinga-linga din siya upang makita ang lalaking buong araw niyang hindi nasilayan. Namimiss na nya ito. Pero bigo siya. Wala ito sa kumpol nang mga tao sa paligid. Kahit na medyo tumamlay ang pakiramdam nya ay hindi niya hinayaan. Hindi niya hahayaang malungkot sa ganito kasayang kaganapan. Pasasaan ba at darating din ang mokong na yun. Makikita din niya ang vitamin A nang mga mata nya. Kakain nalang muna sya at kanina pa nagwawala ang mga nagrerenta sa bituka nya. 

''Oh, andito ka na pala. Shot ka muna, Mandang.'' alok sa kanya noong isang sunog baga na kababata niyang si Andoy. Ito ang nawawalang kakambal ni Bangkay. 

''Heh! Kaya ka iniwan nang asawa mo dahil dyan sa pagiging sunog-baga mo.'' nanggigil na wika niya dito. Kaibigan niya ito at ang asawa nitong si Josefa na ngayon ay missing in action.

''Grabe ka naman! Nagtatampo lang sa 'kin iyon kaya umuwi muna sa probensya nila.'' wika nito saka tinungga ang lambanog na nasa baso nito.

''Ewan ko sa'yo.'' tsaka sya umupo sa bangko at nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan na siya nang masarap niyang pagkain nang may marinig siyang tsimis mula sa nagiinomang grupo ni Andoy.

''Ang ganda nang chicks ni Ernie ah.. parang gatas sa puti.'' 

''Hanep pare! Ganda nang kurba.''

''Walang-wala ka Amanda!'' saka nagtawanan ang mga walang-hiya.

Nanggigil naman ang laman-loob niya na dahan-dahan siyang nataas nan tingin upang hanapin ang lalaki. At nagtagpo ang kanilang mga mata na agad din naman nitong iniwas. Kitang-kita niya kung paanong ipulopot nang lalaki ang kamay sa baywang nang babae. Ganun din ang babaeng parang gansa sa haba nang leeg. Ang swet nang mga animal!

''Shot ka muna, oh!'' agad niyang inabot ang basong nasa harapan at walang tigil na tinungga ang laman niyon.

''Isang baso pa uli!'' sabay-sabay namang may nagabot sa kanya nang baso. Isa-isa niya itong tinungga.

''Nagpapakalasing ka dyan wala naman siyang pakialam sa'yo.'' wika noong babaeng biglang umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya.

''Hindi ako nagpapakalasing! Nagpapalakas lang ako nang loob.'' angil niya sa kung sino man iyong nagsasalita.

Nakatutok kasi ang mga mata niya ngayon sa grupo nila Ernisto na naginuman din. Ewan nga lang nya kung ano ang iniinom nito.

Sumakit ang puso nya sa nakita. Ngiting-ngiti si Ernisto sa kung ano man ang binubulong nang babaeng iyon sa kanya. Kitang-kita din niya kung paanong kabigin nang lalaki palapit dito ang haliparot. 

''Kahit kailan hindi nya ako ngnitian nang ganyan. Hindi nya ako tiningnan nang ganyan. Puro inis o kaya naman disgusto ang nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing lalandiin ko sya nang ganyan. Angil o kaya naman kasing lamig nang tubig sa antartica ang banat nya sa mgahirit ko. Masakit..'' bulong nya sa sarili. Ikinurap-kurap nya ang mga mata. Pakiramdam kasi nya may tutulo doon ano mang sandali.

''So ano? You'll give up? After all that you have done? After all the years that you have spent loving him?'' 

Bigla siyang napalingon sa babaeng  nagsasalita. 

''Lala!'' wiak nya dito sabay yakap. Kamuntik pa silang malag-lag sa bangko kung hindi lang siya nahila nang kung sino man.

''So.. titigil kana sa panliligaw sa pamangkin ko?'' taas kilay nitong tanong sa kanya matapos ang yakapan session nila. Di man lang ito nangumusta.

''Ewan.. baka, siguro. Ewan! Ang hirap naman kasing pasagutin niyang si Ernisto. Kulang na nga lang ipagsibak ko nang panggatong, haranahin at ipagiigib ko nang tubig eh. Ang tigas nang heart.'' reklamo nya dito sabay tawa nang may kasamang pait. ''Oh, bat ganyan iyang ngiti mo? Masaya ka pang nahihihirapan ako sa ungas na pamangkin mo?''

''Nope. I just came up with a perfect plan.'' sabay may ibinulong ito sa kanya na dahilan nang panlalaki nang mga mata nya.

''Naloloka ka na ba?!'' sigaw niya dito na kumuha nang atensyon nang ilan sa mga taong nasa malapit lang. Agad naman nitong tinakpan ang bunganga nya.

''Consider it my dear. Looking at it, i think yang plano ko nalang ang natitirang pagasa mo to snatch him from that gold digger frog.'' nakaingos na wika nito. ''Look at them.'' wika nito na ginawa nga nya.

Syet! Masakit! Mahapdi! Yakap-yakap ni Ernisto ang babaeng gansa habang nagsasayaw! 

''See that? Sa tingin mo ba mapapansin ka pa ni Earnest kung may babaeng akala mo linta na nakakapit sa kanya?'' litanya uli nito na hindi na niya pinansin. Wala sa sariling tumayo siya sa pinagupuan at bumuntong hininga nang malalim nang umikot ang paningin. Tinatagan niya ang sarili at pinilit maglakad nang tuwid. Nang mga oras na iyon wala siyang ibang gusto kung hindi ang mailayo si Ernisto sa babaeng iyon.

''Hey! Where are you going?'' tawag ni lala sa kanya.

''I'm going to get what is mine.'' may diin at kumbeksyon niyang wika.

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon