11

581 15 0
                                    

Medyo mabuti na ang pakiramdam ni Amanda kinabuksan nang magising siya. Hindi na gaanong masakit ang katawan at ulo nya. Hindi naman kasi sya sakitin at malakas ang resistensya nang katawan nya kaya madali sa kanya ang gumaling kung simpleng sakit lang ito. Idag-dag mo pang ang ganda nang napanaginipan nya.

''Mukhang ang saya mo ah.. para kang walang sakit kung makangiti.'' ang utol nyang basagulero.

''Maling na kaya ako. At isa pa, bawal ba ang maging masaya kapag may lagnat?'' 

''Ang taray mo ngayon.'' wika nitong nakangiti pa rin.

Ang weird nang kuya nya ngayon. Madalas kasi kapag sinasagot na ito nang pilosopong sagot, kinukurot nito ang magkabilang pisngi nya o kaya naman ay kinakagat siya.

'' Kuya, ano yang sa liig mo? Ba't ampula?'' mukha kasing hindi nito alam na nakagat ang liig nito nang pulgas ata. Agad itong humarap sa salamin at tiningnan ang liig.

''Ah.. wala to. Nakipaglaro kasi ako sa aso nila Intoy kahapon. Nakagat siguro ito nang pulgas nang aso nila.'' 

Nakakapagduda ang pulgas nang aso nila, huh. Mukhang ang laki at mukhang nabusog ata masyado ang pulgas. Ang lalaki kasi at ang dami. Ginawang buffet ang leeg nang kuya nya.

''Nga pala, sabi nila mama, dito ka nalang daw muna sa bahay at magpahinga. Sila na muna daw bahala doon sa kalabaw mo at kay bossing.'' wika nito habang iniaayos ang buhok. ''Sige.. alis na muna ako. May pagkain dyan. Kumain ka nalang dyan at magpahinga.''

''Saan punta mo?'' nagsusuot na ito nang tsenilas nang sumagot.

''Magpapakagat uli sa sexy pulgas.'' saka ito umalis na sumisipol-sipol pa. Napapailing nalang siya sa kuya nya.

Tumira na naman siguro iyon nang damo kaya kung ano-anong pinagsasabi.

Tahimik siyang kumakain nang tanghalian habang nakikinig nang drama sa radyo nang may marinig siyang kumakatok. Nangunot-noo pa muna sya bago dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Baka sakaling mapagod ang kung sino man iyong disturbo sa pagninilaynilay nya.

Likod nang isang lalaking kilalang-kilala nya ang napagbuksan niya nang pinto. Ilang hakbang na ang layo nito mula sa pinto. Dali-dali niyang linuknuk ang ulo nang tuyong prito at kanin. Pinunu nya kasi kanina ang bunganga bago naglakad. 

''Oy asawa ko, napadalaw ka?'' nagnining-ning ang mga matang wika niya.

''May kanin ka sa gilid nang labi mo.'' saad nito sa laging gamit na tuno. Flat. Kainis!

''Ano ba ang sadya mo at naparito ka?'' kung sa ibang araw ito naginarte baka sakaling mapagpasensyahan nya, ang kaso naalala nya ang kahayopan nito at nang babaeng linta. Ispiking of, iyong babae din yun ang tumulak sa kanya! 

''Ang maldita mo ngayon. Meron ka ba?'' kunotnoong tanong  nito habang nakaupo sa katapat niyang bangko. 

''Wag ngayon Ernisto at di pa ako nakakapag'move on sa kabastosan ninyong nang lintang babaeng iyon.'' 

''It's Earnest. E.A.R.N.E.S.T.'' 

''Earnest o Ernisto pareho pa ring ikaw yun.  At isa pa palalambing ko kaya sa'yo yang Ernisto. Para yung tawagan nang magboyfriend ngayon.''

''Ang tigas nang bungo mo.'' napapaling nang wika nito. Ipinagpatuloy naman niya ang pagkain nang tanghalian. 

''Di mo ba ako aalokin kumain?'' 

''Kain?'' habang puno ang bibig na alok niya dito. 

''Alam mo, lalo kitang di magugustohan niyang ginagawa mo.'' wika nito habang kumukuha nang isang pirasong tuyo at kanin sa plato nya.

''Kelan mo ba ako nagustohan? At magugustuhan mo ba ako kung magpapabebe ako, ha? At isa pa uli, ke magkagusto ka o hindi sa akin, sa akin pa rin naman ang bagsak mo. I'm made for you, remember?''

Nakakawala talaga nang gana kaibiganin itong babaeng ito. Bukod sa hindi naman katangkaran at kaputian, ang laki pa nang bilib sa sarili. 

''Iba talaga ang kumpyansa mo sa ganda mo.. ano?'' napapantastikuhang wika niya dito. 

''Naman!'' 

''Bawas-bawasan din ang bilib sa sarili at baka bagyohin na tayo dito.'' wika niya dito sa nangiinis na tuno.

''Mawalang-galang na po senyor Ernisto, pero hindi po maaari. Kulang man po ako sa height at medyo dark man ang skin tone, pero hindi ka na po makakakita nang babaeng kagaya ko. I'm a rare gem, you know.'' 

''Rare? Agree ako. Gem? Baka graba ibig mong sabihin.'' 

Biglang sumimangot ito na kamuntik na niyang ikatawa nang malakas. Naka'score din siya sa babaeng ito.

''Umuwi ka na nga!'' angil nito sa kanya sabay kuha nang natitirang ulo nang tuyo sa plato nya at buong-buo nitong isinubo sa bibig na may laman pang kanin. Hay, di man lang nageffort bumabae nang kilos.

''Nakaka'turn off ka talaga.'' napapailing na wika niya sabay tayo. ''Sya nga pala, cancelled na pala iyong party. Pinapasabi ni lolo na magpapakain na lamang daw sya lahat ngayong sabado.'' imporma nya dito habang naghuhugas nang kamay.

''Huh? Bakit?''

''Dumating si Lala kahapon.'' 

''Ay, sayang naman.'' nakasimangot nitong wika. Halata ang panghihinayang sa boses.

''Wag kang sumimangot. Pumapangit ka lalo.'' inirapan lang sya nito bago ibinalik uli ang atensyon sa pagkain. ''Alis na ako.''

''Ingat ka at mahal kita.'' 

''Ewan ko sa'yo.''

He got used to it. So used to it.

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon