4

655 17 2
                                    

Isang batang babae na akala mo kung sinong siga ang pagala-gala sa loob nang bakuran nang isang marangyang mansion na nasa gitna nang isang malawak na lupain. She's wearing a tank top na punit-punit ang harap at likod. Shorts na kulay green na may mga traces nang lupa at dahon. Buhok na animo binagyo at mukhang kutuin. Nakapaa lamang ito habang naka kumakain nang hinog na bayabas, walang pakialam sa mga tao sa kapaligiran. 

Busy sya pagnamnam nang kinakain kaya di nya kapansin ang batang lalaki na siyam na taong gulang. Sa isang araw na ang birthday nito kaya medyo busy ang mga tauhan nang lolo niya sa pagaayos.

''Kanina ka pa?'' tanong nito habang umuupo sa tabi nang batang babae at kumuha nang isang bayabas. 

Di kagaya nang batang babae na gusgusin, nakasapatos ang batang lalaki. Malinis at maayos ang suot nitong shorts at t'shirt na kulay maroon. Mayroon din itong subrero sa ulo. Mini kuya Kim Ateinza ang peg. Sila ang lokal na bersyon nina Dioga at Dora. Gala kung gala ang tema nang kanilang pagkakaibigan. Palo mo palo ko ang lalim nang pinagsamahan. Ilang beses nabang napalo ang mga ito sa kakulitan? Kinalyo na nga ata ang pwet nila sa latay nang palo eh. Di mo sila mapaghihiwalay simula nang magkakilala sila isang taon na ang nakakaraan. Kahit na tuwing summer lang magkakasama. 

''Anong gusto mong regalo bukas?'' tanong nito habang ngumunguya nang bayabas.

''Ang maging girlfriend na ang crush kung si Mutya.'' nangniningning ang mga matang wika nito.

''Si Mutya? Di ba bungi yun tapos may lisa pa?" kunot-noong wika nang batang babae.

''Maganda kaya si Mutya at tutubo namang ang mga ngipin nun sa harapan eh.''

''Sige, kung gusto mo talaga sya, tutulongan kita bukas. May gagawin akong tiyak na magugustuhan ni Mutya at sasagutin ka na niya. Kapag nangyari yun, ipibigay mo sa akin kalahati nang cake mo, ha?'' 

''Oo ba.''

''Promise?''

''Promise.'' he said as they did the famous pinky swear.

Inubos nila ang oras sa paglalaro nang habulan, wrestling at piko. Pareho na silang pawisan nang magpaalam sa isat-isa. Parehong excited sa salo-salo bukas.

Kinabukasan, masayang naglalaro ang mga batang bisita sa hardin nang mansion. Makikita at maririnig ang tawanan at kwentuhan nang mga bisita. Mayroon din malalaking regalo na nasa isang mesa lang mula sa mga kamaganak, kaibigan at kasosyo nang lolo nang batang lalaki. Kumpleto ang lahat nang kaibigan nya at higit sa lahat nandoon ang babaeng pinakatangi-tangi nang batang puso nya. 

Samantalang sa isang sulok naman ay may batang puno nang pansit ang bibig. Gusto niya sanang makilahok sa laro nang mga batang kasama ni Ernisto, ang kaso english ang salita nila eh. Di nya maintindihan. Kaya naman enjoy nalang siya sa pagtingin-tingin sa mga naglalaro at pagkain nang handa. Maya-maya pa, tinawag na si Ernisto nang kanyang mama. Oras na raw kasi para hipan ang kandila nito sa cake at magwish. Excited siyang bumaba sa upuan at nakisali sa kanila. Sa likod siya ni Ernisto pumwesto. Kailangan kasi iyon sa gagawin niya.

''Happy birthday Earnest!'' sabay-sabay na bati nang mga bisita. Pagkatapos hipan ang mga kandila sa cake nito saka isinagaw nang batang si Amanda ang plano nya. Tiyak na matutuwa si Mutya kay Ernisto pagkatapos ng gagawin nya. Nakikita niya kasing ginagawa iyon nang mga istambay sa kapitbahay nilang si Lusya. Iyong sinto-sinto na laging pagala-gala. 

''Make a wi--'' a moment of silence pgkatapos ay ang nakakabinging iyak ni Ernisto ang maririnig at tawanan naman nang mga batang bisita.

Hinubuan niya kasi nang shorts ang kaibigan. Nadisplay sa buong madla ang cute nitong patoy-toy na hindi pa tuli. Ang masaklap pa, nakisama sa mga tumawa si Mutya. Kita ang gilagid nito habang nakahawak sa tyan at nakaturo ang hintuturo sa umiiyak na si Earnest. 

''Halika nga ditong bata ka!'' rinig niyang wika nang nanay nya habang binubuhat siya papasok sa kwarto sa may kusina. Makailang beses din sya nitong pinalo sa pwet. Hindi nakinig sa paliwanag niya. Ang gusto lang naman siya ay matuwa si Mutya sa kaibigan. Hindi naman niya gustong ipahiya ang kanyang kaibigan. Nakatulog na siya sa kakaiyak dahil hindi na sya pinayagan nang nanay niyang bumalik uli sa pagtitipon. 

Kinabukasan nang bumalik sya sa mansyon upang humingi nangtawad sa kaibigan ay wala na ito. Bumalik na raw ito sa maynila. Nalungkot siya nang malaman iyon. Lagi din niyang inaabangan ang pagbabalik nito tuwing summer, ngunit lagi din siyang bigo. 

Noong bumalik ito pagkatapos nang nangyari, nagbago na ito. Lagi nang galit sa kanya at hindi na siya itinuring na kaibigan. Naiyak pa nga sya nang minsang siya nitong ideny sa mga kaibigan nito kaya naman for a while ay kinasuklaman niya ito. Ngunit hindi niya alam kung ano ang nangyari at nagising nalang siya isang araw na crush niya ito. Mula crush ay nagevolve nga ang feelings nya. Naging love na niya. Di na niya naalala kung kelan niya sinimulang ligawan ang binata at ipangalandakan sa buong sangkatauhan nang San Miguel, Bukidnun na magiging asawa niya ito. 

Alala nya pa nang unang niyang ipagsigawan sa mukha nito na mahal niya ito, halos ibaon siya nito nang buhay. Kahit na gusto na niang lamunin nang lupa sa hiya sa mga kaibigan nang lalaking mahal na hindi niya alam na nandoon pala, eh pinanindigan nya. Sinabi pa niya ditong pumula man ang pwet nang alaga niyang kalabaw na si pretty, sa kanya pa rin ang bagsak nito. Dahil meant to be sila. Si Amanda ay para kay Ernest, at si Earnest ay para kay Amanda. Mamatay ang buhok at kuku sa papa at kamay nang sino mang hahadlang!

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon