22

605 18 0
                                    

''Bwisit sya! Anong akala nya sa akin huh, bangko? Magdedeposito lang  tapos aalis na at babalikan kung kailan kailangan? Kung kailan gusto? Bwisit siyang amawa sya! Babies, di natin kailangan ang tatay ninyo! Bubuhayin ko kaya nang ako lang magisa. Mabubuhay tayo nang tayong tatlo lang. Kung kanus'a naka'move on nku sa akong kinabuhi, kung kailan ok na ang lahat, saka sya babalik! Saka sya magpapakita na parang walang nangyari. Animal sya!''

Hanggag ngayon ay nagpupuyos pa rin ang kalooban nya sa galit sa lalaking iyon. Hindi man lang naibsan ni kaunti ang galit niya kahit nabugbug nya ito. Hindi man lang gumaan ang pakiramdam niya kahit makita niya ang may pasa nitong mukha. Gusto pa nga sana niya itong bugbugin pa eh.

''Hay, pretty.. bakit ba ganyan ang mga lalaki? Bakit parang ang dali sa kanilang mangiwan nang responsibilidad? Bakit kung kailan ok na.. kung kailan tanggap ko nang magisa kung bubuhayin ang mga anak ko saka sya babalik. Kung kailan manhid na ako sa chismis nang mga walang magawa nating kapit-bahay at kung kailan makapal na ang mukha ko, saka sya haharap sa akin at sasabihing handa na sya. Bakit ba sila ganyan?'' kausap nya sa alagang kalabaw na busy sa pagkain nang damo.

''UNGAHHH!!'' yan lang sinagot nito. 

Hay, pati kalabaw ang hirap kausap.

''Nabaliw ka na ba nang tuluyan at pati kalabaw kinakausap mo?'' wika nang tinig sa likuran nya. Kamuntik na siyang mapatalon sa gulat.

''Kuya! Bakit ka ba nang gugulat?'' naiinis niyang wika. For whatever reason, naiinis din siya sa mukha nang kuya niya ngayon. Hay.. pabaliw na nga siguro sya. Pati mga taong wala namang kasalanan sa kanya nadadamay sa inis nya.

''Pinaundan ka sa akin ni tatay. Ibalik raw kita doon at magusap daw kayo ni Ernisto.'' wika nito habang umuupo sa tabi nya. ''Bakit di mo sinabing sya pala ang tatay nang kambal?''

''Bakit ko sasabihin eh di naman importante yun. At isa pa, ayokong ipilit ang sarili ko o ang mga anak ko sa taong ayaw sa 'min.'' 

''Kahit na. Sana sinabi mo at nang nabalian ko nang buto.''

''Kuya,'' wika niya saka humarap dito. ''sa ating dalawa ako ang mas may karapatang balian sya nang buto at hindi ikaw.''

''Oyyy.. mahal mo pa noh kaya ayaw mong balian ko  nang buto.'' panunukso nito na sinagot naman nya nang nakakamatay na irap.

''Anong mahal? Mahalin ko nang bugbug ang mukha nun eh, makita nya. Kainis! Ang kapal nang mukhang magpakita sa akin na parang walang nangyari.''

''Baka naman natakot lang nun kaya umalis muna. Baka naman di nya talaga plano ang iwan kayo. Umalis lang siguro muna upang makapagisip.'' 

Nangunot lalo ang noo nya sa narinig mula sa kanyang kuya. ''Teka nga muna! Kanino ka ba kakampi? Sino ba ang kapatid mo sa amin dalawa? Bakit mukhang siya ata ang naiintindihan mo at hindi ako?'' Taas kilay na niyang wika dito habang nakapamaywang paharap dito.

''Teka nga, bakit sa akin ka nagagalit?''

''Ewan ko sa'yo!'' saka sya tumayo at naglakad palayo dito. Wala silang imik na magkapatid habang naglalakad pabalik nang bahay. Naiinis pa rin siya dito habang ito naman ay pasipol-sipol pa na akala mo ang saya.

Nahahinga siya nang maluwag nang makitang wala na doon ang sasakyan nang maglolo. But it was just a short lived relief. Bumalik din uli ang simangot niya nang makitang nakaupo ang lalaking kinaiinisan sa lamesa kaharap ang mga magulang nya.

''O, bat nandito ka pa?'' pagtataray nya agad dito. Kung anong ikinagalak niyang makita ito noon ay siya namang ikinabwisit niya ngayon. Nakakabanas talaga kasi ang mukha nito. 

''Amanda! Umupo ka diyan at magusap kayo nang matino. Hindi iyang puro pangaaway ka nalang palagi.'' wika nang ama nya bago ito tumayo. ''Babalik na kame nang nanay mo at mga kapatid mo doon sa tubuhan. Wag kayong magaaway at sa halip ay magusap kayo nang matino at masinsinan. Tandaan nyo, di lang kayong dalawa ang sangkot dito. May dalawang buhay na kayong dapat ikunsidera at isipin sa kahit anong desisyon ninyo. Naiintindihan nyo ba?'' 

''Opo.'' si Ernisto. Uminom lang nang tubig ang tatay nya at pagkatapos ay umalis na kasama ang nanay at kuya nya.

They were silent for a few minutes bago ito may ginawana nakapagpabaliw nang sistema nya.

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon