27

631 18 0
                                    

Kung pwede nya lang sigurong patayin sa kurot si Ernesto baka ginawa na nya. Panay nakakamatay na tingin ang ibinibigay niya sa lalaki sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata na sinasagot naman nito nang irap. Ngayon nya lang knows na hindi lang bayolente, may pagkabaklita din pala itong tatay nang mga anak nya. 

''Oh my gee bff! Paano ako hahanap nang jowables nito?! Pinagkulay ube niyang jowabels mo ang tantalizing eyes ko. Ito pa naman ang best asset ko.'' iyak nang baklita niyang best friend since eternal na si Wando na kilala din bilay si Wanda.

Oo! Bakla to the highest level ito lalaking ito na akala mo maghapon nagkargador sa pier ang katawan. Hindi pa kasi alam nang pamilya nito ang pagiging kasapi nito sa pederasyon gayong buong baryo ata nila ay alam iyon. 

''Sorry talaga best friend, huh. Itong lalaki kasing ito,'' wika niya na may kasama pang pandidilat nang mata habang nakatingin sa lalaking nakasimangot pa rin hanggang ngayon. ''masyadong seloso. Di man lang nagtanong muna. Sugod lang nang sugod. Kung gusto mo bff, suntokin mo rin at pagkulayin ube ang eyes.'' panghihimok niya baklitang hurt na hurt.

''Hmmp!'' 

Kamuntik na siyang matawa nang sa halip na suntokin ay hinampas nito sa dibdib si Ernisto nang napakalamya at naka-kagat labi pa. Halata naman sa mukha nang tatay nang mga anak niya ang pagiging uncomfortable nito. 

Panay tungayaw nang bestfriend niyang baklita tungkol sa nasuntok nitong mukha habang panay naman ang kanyang hingi nang paumanhin. Di na nila namalayang nakalabas na nang bahay ang salarin. Hindi rin nagtagal ang kaibigan niya at nagpaalam na itong umalis. 

''Bakit ba napakabayolente mo.'' nakangusong tanong niya dito bago ito hinampas nang mahina sa braso.

''He overstep my bounderies. And i will do it again to anybody who cross my bouderies over you. ANYBODY.'' hegave imphasis to te word anybody to let her know that he is damn serious about her. Lalo na at naalala pa rin niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya. At lalo pang nagpakulo sa dugo niya ang pagaalalang ipinakita ni Amanda kay Waldo.

''Kahit na. Di mo pa rin dapat sinuntok ang kaibigan ko lalo na at wala namang kalaban-laban iyong tao.'' she insist na dahilan nang pagkunot nang kanyang noo.

''Your saying na hayaan ko nalang siyang halikan ka sa harap ko?'' Kulang nalang ay umusok ang tenga at bumbunan nya sa inis dito. 

''Hindi naman sa ganun. Ang akin lang, sana kinausap mo nang maayos at hindi ka nagpaka manny pakyaw.'' 

He look at her before taking a deep, deep breath.

''Looks like you're so worried about him that you forgot to think of how i feel. Ganyan ba sya kaimportante sa'yo? Pero sige, sa susunod hindi na ako makikialam o magagalit sa kung sino mang kaibigan mo, lalaki man o bakla. Hindi na ako magseselos sa tuwing hahalikan ka nang kung sino man. Wala ka nang maririnig mula sa akin.'' wika nya dito bago ito iniwan. 

''Sandali nga!'' napipikang wika niya dito habang nasa laylayan nang damit nito ang mga kamay niyang pumigil dito to take another step. ''Ano ba kita at para kitang asawang nagseselos kung umasta? Sa pagkakaalam ko kasi, sa anak ko lang ikaw may responsibilidad at relasyon, hindi sa akin. Ano bang pinagbubutse nang budhi mo at ganyan ka umasta?''

Hindi na rin kasi niya malaman kung bakit ganito itong umakto. Sa pagkakaalam kasi niya, wala naman silang usapan sa kung ano ang magiging relasyon nilang dalawa. Hindi nga siya nito nililigawan. Lahat nang ginagawa nito ay para sa kambal na dala-dala niya ngayon at hindi sa kanya.

Isang hindi makapaniwalang tingin lang ang ginawa nito sa kanya bago nagsalita. 

''Manhid ka ba? Bulag? Hindi mo ba naiintindihan ang mga ipinapakita ko sa'yo?'' kunot-noong wika nito. ''Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako nagtitiis dito sa halip magbuhay senyorito sa mansyon? Bakit ba sa tingin mo ako umaakyat dyan sa lintik na puno nang bayabas na iyan sa gusto mong kumain nyan kahit hating gabi? Bakit sa tingin mo pinagtitiisan ko iyang wala sa lugar mo nang pagmamaldita minsan? Alam mo, hindi  ko  naman kailangang gawin lahat nang ito eh. I could just give you money at bahala ka na. Or i could just ask anybody else to get you every freaking fruit you are craving sa halip na ako ang kumuha. Pero bakit sa tingin mo ako ang gumagawa sa lahat nang bagay na pwede ko namang ipagawa sa iba na may kinalaman sa iyo?'' tanong nito sa kanya while looking at her with the kind of look that says 'umayos ka nang sagot kung hindi lala itong gulo natin'.

''Bakit hindi mo sabihin sa akin nang deretso? Bakit nga ba ginagawa mo ito lahat? Hindi ko naman hiniling sa iyong gawin mo. Sabihin mo sa akin at nang hindi ako nagaasume.''  

Ngek! Ngayon pa sya nagisip nang ganyang gayong noon eh sobrang kapal nang mukha niya sa pagiging asumera. Noon naman kasi, lagi siya nitong binabara kaya kahit papaano, alam niyang lumugar. Ngayon, ewan nya. Ayaw niyang magalaga nang bata habang may iniintinding pusong sugatan dahil sa pagiging asumera nya. 

''Mahal mo ba ako?'' out of the blue na tanong nito. Ang layo nang sagot nito sa tanong nya.

''Hindi yan ang sagot sa tanang ko o ang dapat sabihin mo sa mga sinabi ko.'' nagiiwas ang matang wika nya.

Kahit naman hindi niya sagotin ang tanong nito, alam niyang alam nito ang sagot nya. Wala namang nagbago eh. Lalo nga atang nadagdagan bawat araw na kasama niya ito ang pagmamahal niya dito.

''Pakakasalan mo ba ako kapag nagyaya ako?'' 

Ano bang trip nito  sa buhay at kung ano-anong kalokohan ang pinagsasabi nito?

''Ikaw ang nanuntok pero mukhang utak mo yata ang nayanig. Malakas ba ang invisible kamao ni Waldo  na tumama sayo at mukhang nayanig nag husto  ang utak  mo.''

''Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Amanda. Umayos ka nang sagot. Mahal mo ba ako at pakakasalan kung yayain kita?'' he asked again habang inisang hakbang ang pagitan nila. Halos maduling na sya sa lapit nito.

Kuyom ang kamao nya at ibinaling ang paningin sa sampayan.

''Mahal kita. Punyeta! Mahal kita. Hindi nawala kahit kailan. Lalo pa nga atang nadagdagan.'' wika niya bago nagpakawala nang nanguuyam na ngiti para sa sarili. ''Ang maging asawa mo ang isa sa mga pinangarap ko na hindi kailan man nawala simula nang minahal kita. Ako na siguro ang magiging isa sa pinakamasayang babae kapag nangyari iyon.'' she look at him eye to eye bago nagsalita uli. ''Pero hindi ako magpapakasal sa taong hindi ako mahal. Hindi ko palalakihin ang magiging anak ko sa isang pamilyang ipinilit lang dahil sa responisbilidad. Hinding-hindi kita itatali sa akin. You're free to choose whoever you want to spend the rest of your life with. Hindi ko ipagdadamot sa'yo ang mga anak mo. Pero pakiusap, wag na wag mo akong itali sa'yo dahil lang sa gusto mong may buong pamilya ang anak natin.'' 

Ilang segudo muna silang nagkasukatan nang tingin bago nito binasag ang katahimikan.

''Hinding-hindi ako magpapakasal dahil lang sa responsibilidad. Yayain kitang pakasalan ako dahil mahal kita. Dahil gusto kung tumandang kasama ka. Dahil ikaw ang gusto kung makasama sa saya at ligaya at sa bawat byahe nang buhay ko. Pakakasalan kita dahil iyon ang sabi nang puso ko at dikta nang buong pagkatao ko. Hindi nang kung sino at hindi dahil iyon ang tama.'' madamdaming wika nito.

She is speechless. Ano ba ang dapat sabihin nya? Yes? Eh di naman ito nagpropropose. Malamang sya lang ang ginamit nitong example sa mga bagay o dahilan kung bakit ito magyaya nang kasal sa kung sino mang impaktang yayain nito in the future.

''Pahinga ka. Uuwi muna akong mansyon.'' wika nito bago siya ginawaran nang magaang halik sa labi at iniwan doon. 




His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon