21

608 18 0
                                    

Kuntentong kumakain nang bayabas si Amanda habang naglalakad palapit sa bahay nila. Kakauwi nya lang galing sa prenatal nya sa bayan. So far, ok naman ang kalagayan nila nang kambal niya. Oo, kambal ang magiging anak nya. 

Noong unang malaman niyang kambal ang magiging anak nya, di nya maiwasang maiyak sa tuwa pati nanay niya. Ito kasi ang kasama niya noong unang punta nya para magpacheck up. Puro lalaki ang kambal nya na pinangalanan niyang Lucas at Luis. Unti-unti na rin siyang namimili nang mga gamit para sa kambal. Dag-dag sa ibinigay nang ate niya na ginamit nito sa mga pamangkin niya noon. Nakakapagipon na rin siya para sa panganganak niya mula sa sideline niya sa cabaret. Haha!

Nitong mga nakaraang buwan kase, laging siyang nakukuhang party decorator nang mga kaibigan nang Don na nakakita na sa trabaho niya noon. Nagtitinda din siya minsan sa palengke nang mga gulay na nahaharvest nya sa munting gulayan nila. At ito pa, palagi siyang nananalo sa tuwing tumataya siya sa heuting. Mukhang tinutulungan siya nang mga anak niyang makapagipon. Alam siguro nang mga itong wala silang maaasahan sa sperm donor nila.

Hinimashimas nya nang libreng kamay ang mas malaking tyan kaysa sa normal na twenty-three weeks na buntis. Dumighay habang patuloy pa rin sa pagkain nang bayabas.

''Babies, enjyo nyo itong bayabas muna ha. Wala kasing kamias at manggang nakita si mama kanina eh. Di bale, pupunta akong bukid mamaya. Kukuha akong kamias at mangga.'' bukod kasi sa bayabas, pinaglilihi din nya ang mangga at kamias. Buti nalang at hindi maselan ang pagbubuntis nya. Nadadala nya sa pakiusap ang mga anak nya. 

Nasa may bakuran na siya nang mapansin niya ang sasakyan nang don na nakaparada sa harap nang bahay nila. Ipinagkibit balikat nya lang iyon at hindi nagisip pa nang kung ano-ano. Hindi naman kasi itong ang unang pagkakataong nagtungo doon ang don. Madalas itong napupunta sa kanila kapag may kailangan itong importante sa tatay nya.

''Nay, nandito po pa-'' nabitin sa ere ang sasabihin nya nang makitang hindi lang ang don ang naroon kundi pati na rin ang kanyang sperm donor. Bago pa man siya makapagisip, nauna nang kumilos ang kanyang mga paa at naglakad paalis uli.

''Amanda! Bumalik ka dito.'' maawtoridad na wika nang ama nya.

Bantulot siyang bumalik kahit na ang gusto niyang gawin ay kumaripas nang takbo palayo sa bahay nila. Palayo sa sperm donor nya. Pero hindi niya iyon pwedeng gawin. Kababati lang nila nang ama  nya na halos dalawang buwan siyang hindi kibuin.

''Maupo ka dyan.'' parang maamong tupa naman siyang sumunod kahit na hindi niya gusto ang upuang itinuro nito. Ingat na ingat siyang masagi ni dulo nang damit ni Ernisto habang umuupo. Kumukulo ang dugo niya sa lalaking ito na may pasa sa gilid nang labi.

''May dapat ka bang ipagtapat sa amin Amanda?'' tanong sa kany nang kanyang ina na sinagot lang nya nang iling.

''Magsabi ka nang totoo; Si senyorito Ernest ba ang ama nang dinadala mo?'' ang tatay niya. Napapikit siya nang mariin at napakagat-labi habang nakatungo. Alam niya ang tunong iyon nang kanyang ama. Sa tuwing ginagamit nito iyon sa kanilang magkakapatid, isa lang ang ibig sabihin nito. Alam na nito ang totoo at hinihintay lang na sila mismo ang umamin.

Pero hindi siya aamin. Ituturo nalang niyang ama si Juanitong baliw kesa sa umamin na itong impaktong katabi nya ang nakabuntis sa kanya. Magsasalita na sana sya nang maunahan siya nang lalaking katabi. 

''Opo. Anak ko po ang ipinagbubuntis ni Amanda.'' awtomatik na napalingon si kay Ernisto. Anong nahithit nito at bigla nalang nanggulo?

''Hindi po 'tay. Nagsisinungaling po itong lalaking ito.'' kontra niya dito.

''Kung ganun, sino ang ama nang ipinagbubuntis mo at bakit sinasabi ni senyorito na siya ang ama?'' 

''Ewan ko po. Baka po naiinggit lang yan.'' wika nya sabay tapon dito nang isang nakakamatay na tingin.

''Amanda..'' tawag sa kanya nang katabi nya sa nagpapaawang boses at mukha. 

Imbis na maawa, she felt her blood boiling with anger. Tiim ang bagang at nakakuyom nang mahigpit ang mga kamay na tinignan niya ito nang puno nang pagkasuya ang mukha. 

Ang kapal nang mukha nang lalaking ito pumunta sa bahay nya at bigla nalang manggulo. Ang kapala nang apog nitong ideklara sa buong pamilya nya na ito ang tatay nang mga anak niya gayong wala ito noong mga panahong higit na kinailangan nya ang supporta nito. 

''Amanda..'' wika na naman ng pinaka walang kwentang lalaking nakilala nya.

''Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit ka ba nanggugulo, ha? Umalis ka na nga.'' wika niya dito habang tumatayo. Nakakaisang hakbang palang sya nang maramdaman nya ang kamay nitong pumigil sa kanya. Lahat nang galit at tampo ay bigla nalang humulagpos sa kapit nya. And before she know it isang malakas na sapak ang ipinagkaloob niya dito na hindi nito nagawang ilagaan. She could hear everyones gasp of shock in the room ngunit hindi sapat iyon upang tumigil siya sa pananakit dito.

''Tarantado ka! Pagkatapos mo akong sabihang hindi ka handa! Pagkatapos mo akong layasan magpapakita ka ngayon sa akin na parang wala lang nangyari?! Anong akala mo sa akin ha, akala mo di ko kakayaning buyahin itong mga anak ko na magisa? Hoy! Para sabihin ko sa iyo, hindi ka namin kailangan. Kaya kung buhayin itong mga anak ko nang wala ka. Isa ka lang sperm donor. Naiintindihan mo?! Di ka nila tatay! Sperm donor ka lang! Sperm donor lang!'' wika niya habang hinahampas ito nang walang humpay. Panay naman ang salag nito. 

''So, siya nga ang tatay nang kambal?'' ang kuya nya.

''Hindi nga! Sperm donor lang sya. Dahil ang tatay, hindi nangiiwan.'' saka siya umalis pagkatapos itong sabunutan.

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon