26

627 20 0
                                    

Ngusong pwede nang sabitan nang kaldero, kunot na kunot na noo, tengang matalas na nakikinig sa pinaguusapan nang dalawang taong nakaupo sa ilalim nang puno sa bakuran nang bahay sa di kalayuan kung saan siya nagsasampay nang damit na nilabhan kagabi. Ganyan maguguhit nang sino mang magaling na pintor ang mukha ni Earnisto. Lalo pang nangunot ang noo nito nang marinig ang tawa ni Amanda at nang lalaking bisita nito na pinakilala nitong si Waldo. 

Mukhang taga ibang baryo ito o dayo lang sa lugar nila. Ngayon nya lang kasi nakita ang mukha nang lalaking ito at aaminin niyang hindi niya ito gusto pang makita uli. Kumukulo at umuusok ang dugo nya sa lalaking ito. Masama sa kalusugan nya. 

''Akala ko pa naman, may pagasa pa ako kaya binisita agad kita.'' tatawa-tawang wika nito na sinabayan naman ni Amanda nang mahinihin na tawa sabay hampas nang mahina sa balikat nito. Kung hindi nya lang napigilan ang sarili nya, baka sinugod na niya ito at hinampas sa ulo nito ang stainless na planggana na may lamang damit. 

'Keep your cool man. Masyado ka namang seloso.' alaska sa kanya nang isang bahagi nang utak nya.

'I'm not jealous! Tumahimik kang bahagi nang utak ka kung ayaw mong madamay sa init  nang ulo ko.' his heart. (nabuang na iyang body organ! Hahaha!)

Isang mahaba at malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago pumulot uli nang isang pang damit upang isampay.

''Nga pala, kelan nga pala kasal nyo?'' si Waldo uli. 

''Ay, hindi pa naman namin napaguusapan.'' balewalang wika ni Amanda na hindi mo makakaringgan nang kahit anong emosyon ang tuno.''

''Gusto mo, ako nalang maging tatay nang anak mo?'' tatawa-tawang wika nito.

Ay putcha! Malakas niyang ibinagsak ang pinulot na isasampay sanang damit.

''Pag-iisipan ko.'' tila tuwang-tuwa na wika naman nang babaeng tila nakalunok nang pakwan sa laki.

Isa nalang, isang-isa nalang at uuwi ang lalaking ito na walang nang itlog ang bayag! Pakiramdam nya kanina pa ito nananadya eh. Oo nga at hindi sinabi ni Amanda na sya ang tatay nang kambal nila, na isa sa ipinagpuputok nang butse nya, pero hindi ba ito nakakahalat ay nakakaramdam? Kanina nya pa ito tinatapunan nang nakakamatay na nakaw tingin at sa tuwing makikita nito ay binibigyan lang siya nito nang ngisi na akala mo lalo pang nangiinis.

He was so into his thoughts na halos mapamura sya nang makita ang ginagawa nang mga ito nang maingunan nya. 

Nasa tyan lang naman nang nanay nang mga anak nya ang ulo ni Waldo na akala mo sya ang asawa. Tila ito siyang-siya sa pakikiramdam sa galaw nang kambal niya. He's grinning like an idiot and he is griding his teeth while clenching his fist that seems too eager to hit a certain person on his face. 

He can no longer deny it. Damn his jealous! No one should be that close to Amanda. It's too intimate that it pissed the heck out of him. Pakiramdam nya inagawan siya. There were times when he gets jealous of his girlfriends in past, but it was never this intense that he could almost see red. He needs to do something kung hindi ay baka lasog-lasog itong lalaking ito uuwi sa kanila. So without thinking twice and without hesitating, lumapit siya sa mga ito.

''Don't you think you a little too close to my fiancee?'' kunot-noong wika niya dito. 

''Earnisto!'' Amanda said in a reprimanding voice na lalong ikinabwisit nya. Bakit sya ang parang sinisita nito gayong ang kaibigan nito at ito ang wala sa tama. They are overstepping their bounderies.

''Chill pare! Namimiss ko lang kasi itong bestfriend ko.'' Waldo said in an explaining voice that did not make him feel better even just a little. Lalong bumitter ang panlasa nya sa lalaking ito. ''Bagong dating kasi ako galing abroad at kararating ko lang kaya namiss ko talaga si Mandang.'' dagdag nito habang ginulo pa ang buhok ni Amanda. 

Aba't ibig nga siguro nitong mamang ito umuwi nang lasog-lasog ang katawan!

''I'm fine that you want to see her cause you miss her. But i did not like it that you were that close to her na parang di mo ako nakikita. I'm gonna say this to you just this once so listen careful. Amanda is mine. She will be my wife soon so learn and exercise bounderies when you are with her.'' walang paliguy-ligoy na wika niya. Mabuti nang alam nitong magkakaproblema ito sa kanya sa susunod na umakto itong parang linta sa asawa nya.

Sa halip na sumagot, tila naghahamong tumingin lang ito sa kanya with a smirk. 

''That was not the impression she gave me about you a while ago.'' tila nang aasar na wika nito. 

Kung hindi lang sya nag-aalala sa buntis niyang sinisinta, malamang namumulot na ang lalaking ito nang mga ngipin nito sa lupa.

''Waldo!'' si Amanda bago pa man niya maibuka ang bibig. ''Bukas nalang uli tayo magkwentuhan ha. Sige na, punta nalang ako sa inyo bukas.'' wika nito habang tinutulak paalis ang lalaki.

Lalong nagigtingan ang kanyang mga ugat sa sintido when he saw how he leaned to kiss her cheek. 

Punyemas! Talagang gaguhan na itey! Ilang malalaking hakbang ang ginawa niya papunta sa mga ito at buong lakas na sinuntok sa mukha ang lalaki nang makalapit siya.


His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon