Panay ang buntong hininga ni Amanda habang pinapainom ang alagang kalabaw na si Pretty. Limang taong gulang na ito at buntis sa ikalawang anak nito. Kapitbahay nila ang tatay ng ipinagbubuntis nito. Playboy ayaw patali kaya magdedeman nalang sila nang kalabaw support. Adik lang, di ba?
Medyo high kasi sya kaya kung ano-anong kabaliwan nalang ang pumapasok sa utak nya. Kulang kasi sya sa tulog kaya ganun. Medyo may sinat din sya nang very very light. At ang tahimik na sinisisi nya ay ang walang malay na si Ernisto na kanina pa niyang naiisip.
''Hay pretty.. Buti ka pa may love life. Ako, mukha atang mabuburo nalang ang beauty forever.''
Sagot nang kalabaw nya, ''Ungaaa!!!'' Di tuloy nya alam kung iniinis ba sya nito o ano.
''Bilisan mo na nga lang dyan! Iwan kita dyan eh! Kainis to!''
Nang makuntento ito ay iginiya niya ito sa isang parte nang lupain kung saan ito may kulungan. Alas kwatro y medya palang nang hapon ngunit kailangan na niya itong ipahinga. Ngayon kase niya sisimulan ang plano para sa welcome party nang anak nang Don. Kailangan mabusisi ang paghahanda. Ayaw niyang mapahiya ang Don at isang paraan din iyon upang ma-impress sa kanya si Ernisto.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na siya sa mansyon. Nagpahatid kasi siya sa kuya niyang siga. Di naman sa nagmamayabang sya, noh.. pero kung suntukan at basagan lang din nang mukha ang paguusapan, eh, nangunguna ang kuya niyang paborito atang pass time ay maghanap nang basag-ulo. Sikat ito sa buong lugar nila. Sino ba naman ang hindi eh mukhang isang beses sa isang lingo ata ay may bukol ito sa ulo o kaya ay black eye. Kung mamalasin naman ay tahi. Yan ang kuya niyang si Lapu-lapu Katipunan.
''Ano 'tol, sunduin kita mamaya?''
''Wag na. Sigurado namang ipapahatid ako nang Don. Sige kuya, kita nalang tayo sa bahay.''
''Sige. Ingat ka mamaya ha at galingan mo panliligaw kay Ernisto.'' wika nitong ngiting-ngiti. Thumbs up lang ang sinagot niya.
Buto mga kapamilya nya kay Ernisto. Feel din naman niyang buto ang pamilya ni Ernisto sa kanya. Si Ernisto lang ang kahit kailan ata ay hindi boto sa kanya. Oh well, habang may buhay may pagasa! No retreat no surrender sya!
Kinuha nya sa dala-dalang back pack ang ballpen at papel. Pati narin ang sketch pad nya at inumpisahan na ang trabaho. Inuna nya munang planohin ang harapan nang mansyon at loob. Mabusisi niya itong tiningnan at inimagine ang buong paligid kung babagay ba ang dekorasyon na gagamitin niya. When she felt satisfied with what she had came up with, nagpunta naman siyang likurang bahagi nang hardin kung saan nandoon ang pool area. She was too preoccupied sa kung anong palamuti ang gagamitin doon kaya di na nya namalayang nandoon na pala siya. Mabilis na nagbilang ang utak nya sa kung ilang pares nang mata ang nakatutuk sa kanya.
Sampung pares nang mata ang nandon ang nakatingin sa kanya. Dalawang pares ang parehong nakapikit habang nagkakainan nang mukha. Ang walang hiyang Ernisto at ang haliparot na si Anastasya Halusiana! Kamuntik na niyang sugurin at ingudngud sa semento ang mga taksil kung hindi lang niya napigilan ang sarili.
Isang tikhim mula sa kung sino mang adonis ang naroon ang nagpahinto sa dalawang haliparot. Mukha pang naiinis ang itsura nang dalawa sa isturbong kung sino man.
''Andito si Amanda.'' ininguso pa siya nang isang kaibigan ni Ernisto. Kilala niya ang lahat nang naroon ngunit wala siya sa mood makipagtsikahan.
''So?'' taas kilay na tanong nang walanghiya. Nakataas ang sulok nang labi naman ang ngisi ni Anastasya na nakatingin sa kanya. Halatang iniinis sya.
''Wag kang magfeeling masyado dai kasi pangapat na kalaplapan ka na nang hinayupak na yan ngayong lingo.'' bulong niya sa sarili. Naku! Kung hindi nya lang talaga napigil ang sarili sasabihin nya talaga sa pelingerang ungas na ito iyon.
''What do you need?'' malamig pa simoy nang hangin nang desyembre ang boses nito na nagtanong sa kanya. Pati mukha, byernesanto din.
''Nandito ako para pagplanuhan ang gagawin dito sa gawing ito nang mansyon para sa pagdating nang auntie mo. Wag kang ilusyonado! Di lang sa'yo umiikot ang mundo ko Ernisto.''
Manigas ka sa kasing lamig nang winter sa antartic ocean kung boses!
After she said those, ipinasak nya sa mga tenga ang walkman na tatlong taon na atang nasa kanya, regalo sa kanya nang tatay nya, at sinimulan na ang magtrabaho. Masyado siyang nagfocus doon kaya nakalimutan na niyang may mga tao pala sa paligid nya.
Madali lang sa kanya iyon dahil hindi na naman bago sa kanyang makita ang nasaksihan kanina. Namanhid na siya sa sakit. Char! At masakit din ang ulo nya at katawan na lalo atang lumalala sa paglipas nang oras. Nilalamig din siya. Mukhang full blown na ang sinat nya at naging lagnat na. Nalaglag pa ang ballpen nya. Nyemas!
Yumuko sya upang pulutin ang ballpen nya, ang kaso halos masuka sya sa biglaang pagtayo. Umikot kasi ang paningin nya at kamuntik nang matumba kung hindi lang siya nakakapit sa kung sino man iyong nakapitan nya. Ang problema, akala mo may ketong siya at bigla nalang nagtitili ang bruha at natulak sya sa swimming pool. Kung paanong nakalapit siya doon ay di nya alam. Anyway ang ending parang sa sining nagkakawag siya sa hanggang bewang na tubig. Bwisit!
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.