Sabado na. Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa paghahanda para sa gaganaping kasiyahan mamayang gabi. Hindi sa mansyon idinadaos ang ganitong kasiyahan sa hacienda nang mga Alvarez. Doon ito ginaganap sa may basketball court na nasa loob pa rin naman nang hacienda. Double purpose ang basketball court na iyon. Bagsakan nang mga produkto nila tuwing tagani, minsan kasal at binyag venue, at palaruan tuwing tapos na ang trabaho. Dito kasi makakasya ang halos nasa dalawang daan na tauhan nang don.
''Pumunta ka doon sa mansyon mamaya at tumulong ka sa pagluluto. Marami-rami pa naman ang ihahanda para mamaya.'' wika nang ina niya habang naghahanda na ito sa pagalis.
''Opo. Susunod din po ako. Ipapastol ko lang si pretty.''
''Bilisan mo.''
Pagkatapos magkape, inasikaso naman niya ang kalabaw nya. Nang masigurong maraming damo na makakain si pretty at may masisilongan, umuwi na siya upang ang sarili naman ang maasikaso. Suot niya ang may kalumaan na niyang pantalon na kupas na ang kulay at simpleng t'shirt na hapit sa katawan nya. Itinali ang hanggang baywang na buhok pagkatapos ay isinuksok sa butas nang sumbrero. Nagpolbo nang kaunti at naglagay nang kaunting lipstik na kinakailangan pang dukutin nang hinliliit nya. Nang makuntento, nagsuot na sya nang kanyang pekeng adida na sapatos. Nagmamadali na siyang lumabas nang bahay nang makita sa bintana ang paparating na tricycle. Makalipas lang ang ilang minuto ay nasa bungad na siya nang mansyon.
Nasa may pintuan palang siya nang mansyon nang utusan siya nang don na gisingin ang bunsong anak nito. Agad naman siyang tumalima. Nakailang katok din siya sa kwarto ni Lala nang wala man lang nagbukas. Kakatok pa sana siya uli nang maisipan niyang buksan nalang ang pinto nang kwarto nito. Baka kasi namatay na pala ito sa bangungut.
''Pinapatawag ka nang pa-'' nabitin sa lalamunan nya ang sasabihin nya sana nang makitang walang tao sa loob nang kwarto nito. Papasukin na nya sana ang banyo paratingnan kung nandoon ito nang biglang siyang tawagin nang don.
''Wala po si senyorita Lala sa kwarto nya.''
''Nakalimutan ko, nagpaalam pala sa akin. Mangangabayo raw kasama si Earnest.'' sabay tawa nito. Nakitawa na rin sya kahit na wala naman siyang nakikitang nakakatawa.
Nagkwentuhan muna sila nang don nang kaunti bago sya nagpaalam dito.
Inabot nang halos anim na oras ang paghahanda nila. Iba-ibang klase nang putahe ang inihanda. Mayroong naglitson nang tatlong baboy, dalawang baka at isang dosenang manok. Meron din silang panghimagas.
Nakakapagod ngunit masaya ang kanilang paghahanda. Napuno kasi nang tawanan at kwentuhan ang kusina. Idagdag mo pang siya lang ang dalaga. Puro mga pangasawang joke ang naririnig nya naminsan ay nagpapapula sa mukha nya at bumbunan.
''Naku! Kapag nagkasawa kana at nagkanak, panakaw nalang ang labing-labing! Ang bilis pa! Haha!'' si Ising. Kaedaran ito nang nanay niya na may pitong anak.
''Minsan nga deretso na sa banga. Wala man lang pampagana muna.'' tawanan uli ang mga matatanda.
''Kaya ikaw, kung magaasawa ka, sulitin nyo muna na kayong dalawa lang sa bahay. Mahirap na humanap nang tyempo pagmay-anak na.''
''Hayaan nyo po, pagnagpakasal na po kame ni Ernisto, aalalahanin ko po lahat nang sinabi nyo.'' pakikipagbiruan niya dito.
''Naku! Di ka pa nga sinasagot eh.'' tawanan uli ang mga matatanda.
''Naniniwala po ako sa kasabihang, kung may tyaga, may nilaga.'' ala miss universe niyang wika.
''Naku! Ilang taon na yang tyaga mo, hanggang ngayon tyaga pa rin.'' pambabara ni aling Ising sabay tawa. Nakitawa naman ang iba pang mga kasama nila.
Masasaksak niya sa ngala-ngala itong si Aling Ising kapag inalaska na naman siya nito. Ang ginawa nalang niya ay hindi pinansin si aling Ising.
Pagkatapos nalang ihatid ang pagkain nila sa baketball court kung saan gaganapin ang kainan at kasayahan, umuwi na muna sya at naligo uli. Nagbihis at nagpaganda. Baka sakaling magbunga na ngayong gabi ang matagal na niyang pagtyatyaga sa lalaking minimithi.
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.