6

580 15 0
                                    

Those eyes. Kikiligin na sana sya dahil sinalba sya nito, ang kaso kamuntik na siyang manigas sa lamig nang tingin nito sa kanya. At ewan kung anong nangyari at bigla nalang tumulo ang luha nya. Nakakaemosyonal pala ang lagnat.

''Magingat ka nga sa susunod!'' wala man lang kahit na katiting na concern ang boses nito. Nakaangil pa nga eh! Walang sabi-sabing pinalis nya ang kamay nito sa baywang nya at naglakad patungo sa hagdan nang swimming pool. May nakita pa siyang kamay na nakalahad ngunit hindi niya iyon pinansin. Masyadong masakit ang katawan at damdamin nya ngayon.

''O.. hija, tapos ka na bang pla-'' nabitin ang sasabihin nang Don nang makita siya nitong parang basang sisiw. ''Bakit basa ka? Sandali at tatawagin ko si Earnest. Kailangang makapagpalit ka bago ka pa magkasakit.'' bakas ang pagaalala sa tinig nito.

''Naku, wag na po. Manghihiram nalang po ako kay Isidra.'' 

''Naku wala si Isidra dito. Umuwi kanina sa bahay nila. Sandali lang at tatawagin ko ang apo ko.'' 

Bago pa man siya makapagprotesta ay nawala na ang matanda. Maya-maya pa ay dumating na ito kasunod nang nakabusangot na mukha nang apo.

''Pahiramin mo nang damit si Amanda pagkatapos ay ihatid mo sa kanila.'' 

''Naku lolo, wag na po. Malapit nalang po. Magta-tricycle naman po ako pauwi.''

''Naku, mahihirapan kang makahanap nang tricycle nyan, hija. Hayaan mo nang ipahatid kita kay Earnest.'' pagpipilit nang Don. ''Sige na, hijo. Pahiramin mo muna si Amanda nang damit at ihatid mo pagkatapos sa bahay nila.''

Magproprotesta pa sana sya uli nang bigla nalang siyang higitin nang magaling na lalaki.

''Here.'' abot nito sa kanya nang damit. ''Kakasya na siguro sa iyo yan. Sa banyo ka na magbihis.'' 

Isang jersey na shorts at black t'shirt ang iniabot nito. Agad naman siyang nagbihis dahil kanina patalaga siya nilalamig. Namumula na ang labi nya at namumungay na din ang mata nya nang makita nya ang repleksyon sa salamin.

''Salamat.'' wika nya dito sa maliit na boses. Kahit kasi ang magsalita ay nakakapagod. Ang gustong gawin nya lang ngayon ay humiga at matalukbong nang kumot saka matulog.

''Inumin mo ito, oh.'' sabay abot nito sa kanya nang gamot.

Kung siguro walang siyang sakit ngayon, baka nahampas na niya ito sa kilig. Pero kung may kilig man siyang naramdaman, ay napakaliit lang. Talagang she is sick. 

''Halika ka na at nang makapagpahinga kana.'' ewan nya, pero mukhang may nababanaag siyang kaunting pagaalala sa boses nito. Pagaalala na may halong lambing. Ay grabe! Mukhang malala na sya. Kung ano-anong ilusyon na ang pumapasok sa utak nya. Magpacheck up na kaya sya?

Kahit magthank you ay hindi na nya nagawa. Ngiti nalang ang ibinigay nya dito na pakiramdam niya ay ngiwi. Di na nga nya namalayan kung paanong nakarating sya nang sasakyan. Basta ang alam lang nya nilalamig sya kaya tinudo nya nag heater sa kotse nito at nagtalungko sa upuan at natulog. 

Kinabukasan, nagising nalang siyang nasa sariling silid na. 

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon