20

570 15 1
                                    

Pasa sa gilid nang labi at makailang ulit na batok ang inabot nya sa kanyang lolo nang aminin niya ditong nabuntis nya si Amanda at saglit na tinakasan. Ilang beses din nitong sinabi na ito ang nahihiya sa kagagohang ginawa niya. At binantaang tatanggalan nang mana. 

He was ashamed og what he did pero wala na siyang magagawa. He did not bother explaining bakit niya nagawang ewan si Amanda sa kabila nang kaalamang nagdadalang-tao ito. Tinanggap lang niya ang lahat nang sinabi nang lolo. Pasalamat nalang din siya at hindi ito hinimatay. Kabaliktaran nga ang nangyari. Sagana ito sa enerhiya habang binabutakan siya and the punch that the old man gave him sent shock wave sa utak nya. Trained by Manny Pacquaio ata itong lolo nya especially for this ocasion.

''Kakausapin natin ang pamilya ni Amanda, first thing in the morning.'' imporma nito sa kanya. ''You better get your ass up kung ayaw mong dagdagan ko yang pasa mo.'' 

Kaya naman alas singko kaninang umaga ay nandito na siya sa sala at hinihintay ang lolo nya. He wasn't able to sleep even just a wink last night. Sari-saring imahe ang naglalaro sa utak nya. Naroong naiimagine niya lasog-lasog ang katawan niya dahil sa suntok ni Lapu-lapu. Meron naman hahabulin siya nang itak ng tatay ni Amanda o kaya ay patayin siya sa kurot, sabunot nang nanay nito. Pwede ring hambalusin nang walang awa nang walis ting-ting. Wala pa man he can already feel pain all over his body. Dapat yata gumawa na siya nang last will and testament niya at isaad doon na ipamamana niyang lahat sa anak niya ang maiiwang ari-arian. 

Di niya mapigilang isandal ang likod sa sofa at hilutin ang sintido. Sumasakit ang ulo nya kakaisip nang magiging reaction ni Amanda. Lahat na kasi nang membro sa pamilya ni Amanda ay naimagine na niya ang posibleng reaction, ito nalang talaga ang hindi. And that is scarring him. Paano kung talagang panindigan nito ang sinabing aangkinin nito nang solo ang anak nila? What if she refuse to give him any right to their kid? Anong gagawin niya? 

Lalong sumakit ang ulo niya sa kakaisip kaya naman humiga siya sa sofa at patuloy na hinilot ang sintido. Di na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Isang tapik sa balikat ang gumising sa kanya. He saw his lolo na nakatunghay sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito ginigising. 

''Fix your self at aalis na tayo.'' saad nito bago naglakad palabas. 

Pumasok naman siya sa kwarto muna at naghilamos. Nagpalit din siya nang damit. Nang makuntento sa itsurang nakikita nya sa salamin ay umalis na siya. 

They were silent the whole time na nasa sasakyan sila nang lolo nya. Parehong malalalim ang iniisip. Idagdag pang tila aakyat na sa lalamunan nya ang puso nya sa kaba at excitement na makita kung ano na ang itsura ni Amanda. Magaanim na buwan na ang tyan nito, siguro ay malaki na iyon o kaya ay naglilikot nasiguro ang anak nya sa tyan nang nanay nito. Naglilihi pa rin kaya ito? Ano kaya pinaglilihian nito? Does she have a picture of their baby on her womb? Alam na ba nito ang gender nang baby nila? Will she let him feel her belly? Feel his baby's movement? 

Napapikit siya nang mariin at ikinuyom ang mga kamay. Damn! He missed a lot. Kung sana naging lalaki siya na harapin ang responsibilidad at hindi tinakbuhan ito, sana alam niya ang sagot sa mga tanong niya. Hindi sana siya clueless ngayon. Hindi nya sana na'missed ang unang kilos nang baby nya, ang itsura nito sa loob nang tyan ni Amanda. He is such a coward!

''Gather your self. We're here.'' kung di pa nagsalita ang lolo nya di pa sana niya mapapansing nasa tapat na sila nang bahay nila Amanda. He swallowed hard and took a deep breath. This is it. His first step to becoming a dad to his kid. 

His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon