''Kusotin mo nga nang maayos yan. Yung sa may kili-kili, ayusin mo. Iyong kwelyo.. ano ba naman yan pagkusot lang di mo pa alam!''
Tungayaw nang babaeng kasing laki na ata nang balyena habang nakaupo at kumakain lang nang bayabas at mangga sa gilid. Akala mo alipin ako kung utusan nang babaeng ito paano kusutin ang labahin nya.
''Magkakanak ka na't lahat, di mo pa din alam paano maglaba. Tsk tsk tsk.. Mukhang plano ata nang tatay nyong pagsuotin kayo nang naninilaw na damit babies.'' wika nito habang hinihimas-himas ang tyan.
Siya naman ay kani pa nagpipigil na takpan ang bibig nito nang panty na loose na ang garter. Wala sa sariling napangiti siya habang kinukusot ang panloob ditong damit.
The garment, the place.. it brought him sweet and wild memory. Akalain mo yun, dito sa lugar na ito nabuo nila ang kambal nila. Aaminin niya, inimagine nya, hindi lang minsan kung hindi maraming beses niyang naisip kung paano kaya kung patulan niya ang babaeng buntis sa harapan niya at may mangyari sa kanila, saan kaya magandang gawin iyon? Ano kaya ang magandang setting for the mood? Naimagine na niya lahat ata nang scenario maliban sa lugar na ito na isa sa mga paborito niyang pasyalan.
''Anong nginiti-ngiti mo dyan at para kang baliw?'' putol nito sa naglalakbay niyang diwa.
''Wala ka bang naaalala sa lugar na ito?''
Ramdam ni Amanda ang dahan-dahang pagiinit nang mukha. Oo nga pala, dito nga pala sa lugar na ito sumuko ang bataan at nagbaba nang flag. Sa lahat ba naman nang parte nang ilog, dito pa niya sa parteng ito naisip maglaba nang damit.
''Alam mo bang first outdoor experience kita? Sa iyo ko natupad ang isa sa mga gusto kung maransan. Congrats, ha.'' wika nitong puno nang kapilyuhan ang mukha.
''Heh! Kung ano-anong pinagsasabi mo dyan! maglaba ka na nga at nang makauwi na tayo. Kanina pa ako nilalamok dito.'' nakasimangot niyang wika habang tumatayo at naglakad papuntang tubig. Naiihi kasi siya kanina pa.
Napatili siya nang malakas nang mawalan nang balanse habang nakapatong sa isang madulas na bato. She felt her heart beat faster. Pinakiramdaman din niya ang tyan. Hindi na niya napansin ang gasgas na natamo niya sa kanyang kaliwang kamay na ginamit niya pantukod. Tatawagin nya sana si Ernisto upang magpatulong tumayo nang magulat nalang siyang nasa harap na niya pala ito. Mukhang mas nakkanerbyos ang mukha nito kesa sa nangyari sa kanya kanina.
''What were you thinking?!'' bagamat hindi malakas ang boses nito nakakatakot ang bawat diin na sambit nito sa bawat salitang binitiwan.
''N-naiihi kasi ako.. gu-gusto ko ..'' she tried to explain nang pautal-utal.
''Sinabi mo sana sa akin nang naalalayan kita. Hindi ka kasi nagiingat kaya ayan tuloy, muntik nang may mangyaring masama sa'yo at sa kambal.'' puno nang pagaalalang wika niya.
Kamuntik na siyang atakihin sa puso nang makita niyang nadulas ito kanina. It almost feels like his heart will jump out of his chest. He was very scared and mad that he couldn't go to her as fast as possible. Idag-dag pang putlang-putla ito nang makita nya.
''May masakit ba sa'yo? Ang tyan mo, masakit ba? Punta na kaya tayong ospi-'' natigil sya sa pagsasalita nang makitang isa-isang pumatak ang mga luha sa mga mata nito. ''Damn! I'm gonna bring you to the hospital now.'' bubuhatin nya na sana ito nang bigla siya nitong itulak. Kamuntik pa siyang mawalan nang balanse at mapaupo sa tubig kung hindi lang siya nakakapit sa bato.
''Bakit mo ako tinulak?'' naguguluhan niyang tanong dito. Sa halip na sumagot ay tungayaw na walang humpay ang sagot nito. ''Amanda, bakit? Masakit ba talaga? Halika, buhatin na kita para madala ka sa ospital.'' isang tulak uli ang sagot nito sa kanya sabay sipa.
She is crying like she is really hurt pero ayaw naman nitong pahawak sa kanya upang maalalayanan nya at makapunta na silang ospital. Di tuloy nya alam anong gagawin.
''Bakit ka ba umiiyak? Masakit ba masyado tyan mo? Amanda naman..''
''Nakakainis ka kasi. Sinigawan mo ako. Di ko naman gusto iyong nangyari ah. Kung makasigaw ka akala mo..'' pautal-utal na paliwanag nito habang umiiyak pa rin.
''Is that the reason why you're crying?'' di makapaniwalang wika nya. Sa halip na magsalita, irap lang ang tanging sinagot nito sa tanong nya.
He close his eyes and breath deeply. Inhale.. exhale.. inhale.. exhale nang makailang beses. Kailangan niyang gawin iyon upang hindi niya masigawan nang tuluyan itong babaeng buntis na matampuhin.
''Amanda, i wasn't mad or anything like that. Natakot lang ako kaya ganun ang tuno nang boses ko.'' paliwanag nya habang dahan-dahang umupo sa likod nito. When he's already seated behind her, he wrap his arms around her round belly and rested his chin on her shoulder. Isinandig din niya ang likod nito sa harapan nya. ''I'm sorry, hon. Hindi ko sinasadya. Natakot lang talaga ako kaya ganun. Tahan na.. sige ka, papangit ka nyan kapag di kapa tumigil.'' may lambing sa boses na wika nya.
Nakasimgot naman itong tumingin sa kanya habang pinapahid ang luha sa pisngi. Iyong inis na naramdaman nya saglit kanina, biglang naglaho. He can't help but admire her cuteness. Mugto ang mga mata, red nose and puffy checks. Napalunok siya nang wala sa oras nang mapadako ang mga mata sa mapupula nitong mga labi.
''May masakit ba sa'yo?'' wika niya habang pilit na iniiwas ang mga mata sa mapupula nitong mga labi.
Umiling naman ito bilang sagot.
Nabitin sa lalamunan nya nag kung ano mang sasabihin nya nang makitang binasa nito ang labi gamit ang dila. Before he could ask permission, unti-unti na niyang inilalapit ang labi sa labi nito nahindi naman nito ipinagdamot.
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.