2

1K 24 1
                                    

''Lo, pinatawag niyo daw ako?'' 

Nandito ako sa mansyon ngayon ang  soon to be lolo in law ko. Puti ang pintura sa labas nang mansyon nito. May ibat-ibang uri nang bulaklak ang hardin nito at tanaw ang malawak na lupain. 

Sa pamamagitan nang sungkod, iminwestra nitong maupo muna siya. And sit she did.

''Darating kase si Antonia mula amerika sa makalawa. Gusto ko sanang pamunuan mo pag pagaayos nang bahay at paghahanda sa salo-salong balak kong ihanda.'' wika nito bago humigop nang kape.

''No problema, lolo.'' sagot agad niya dito.

Bukod sa hilig iyang pagaalaga nang mga hayop, maytalento din kasi siya sa pagaayos nang bahay, pagoorganize nang kung ano-anong party, kasal, binyag at kung minsan burol nang patay. 

''Saan niyo po ba gusto ganapin ang party? Saang party po nang mansyon?''

''Gusto kong sa hardin ganapin ang party.'' 

At nauwi sa pagpaplano ang ilang katanungan niya. Napasarap sila nang matandang Don kaya di na niya napansing napagabi na siya.

''Dito ka na maghapunan, hija. Ipapahatid nalang kita mamaya pagkatapos kumain sa apo ko.'' pagaaya nang Don.

''Naku nakakahiya naman po. Sa bahay nalang po ako maghahapunan.'' kiming tangi niya kahit na aabot langit ang dasal niyang sana ay magpilit ito. Bukod kasi sa bituka na ata niya ang kinakain nang mga bulate nya, looking forward at excited din siyang ihatid nang soon to be asawa nya.

''Naku, para ka namang iba. Sinyang, dagdagan mo nang isang pang plato ang hapagkainan. Dito maghahapunan si Amanda.'' tawag nito kay aling Sinyang. Kilala nila ang bawat isa na trabahante nang Don.

Lalong nagwala ang mga kawal niya nang makita ang nakahain sa lamesa. Alimango, hipon at daing. Mga paborito niya! Jockpot! 

''Naku, lolo! Mukhang mapaparami ata ako nang kain nito.'' wika niyang hindi itinatago ang pagkatakam. Tumawa lang ang matanda. 

''Si Earnest?''

Nagpalpitate ata ang heart nya pagkarinig sa pangalang binanggit nang Don. Ernisto may lab!

''Nauna na pong kumain Senior.'' sagot nang matanda na may pagkakatulad ni miss Minchin. Medyo may kasungitan din ito. Siguro dahil sa frustration nito sa pagiging old maid.

''Kumain na ba kayo?'' 

''Opo, Senior.'' sagot nito. ''Nasa kusina lamang po ako kung kailangan ninyo.'' yumukod pa muna ito nang bahagya bago umalis. Winner ang makalumang style ng service!

Medyo matagal-tagal din silang natapos nang Don. With matching kwentuhang walang humpay kasi sila. Ewan ba niya, feel niya talaga ang pagiging hilaw na apo ng matanda. Aayain pa muna siya nitong magkape muna bago umuwi pero talagang nanindigan siya. Past bedtime na kaya niya at inaantok na rin siya. 

''Sandali at ipapatawag ko lang si Earnest para may maghatid sa iyo pauwi.'' wika nito bago tinawag ang isa sa mga kasambahay. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na ang kanyang dream boy. Kagaya nang dati, nakabusangot na naman ang mukha nito. 

''Ihatid mo si Amanda sa kanila.'' 

''Lo, pinagising nyo ako para lang gawing driber nang bansot na impaktang yan?'' naiinis na wika nitong may kasamang kamot sa ulo.

''Earnest! Hindi kita pinalaking bastos!'' 

Naku! Mukhang magaaway pa ata ang maglolo nang dahil sa kanya.

''Naku lolo, nagbibiro lang po si may labs sa akin.'' wika niya sa matanda sabay kapit sa braso nang soon to be asawa. Aalisin sana nito ang kapit nya kung hindi lang naging mabilis ang mga daliri nya sa pagkurot dito. Napangiwi tuloy ito sa sakit. Ikaw pa naman makurot nang mga daliri niyang puro kalyo di ka ba mapapangiwi.

''Ayoko nang ganyang biro, Earnest. Ihatid mo na si Amanda at magaalas dyes na. Baka hanapin yan sa kanila.'' wika nang lolo nito bago lumakad paakyat nang hagdan. 

Walang nagawa ni gwapo kundi ang padabog na kinuha ang susi nang sasakyan nito at nagtungo sa sasakyan nito.

''Bilisan mo ngang maglakad!'' paangil na wika nito. 

''Ang sungit mo lagi sa akin mapaaraw man o gabi. Bakit ka ba ganyan, ha?'' medyo irita na din niyang tanong.

''Ano sa tingin mo ang dahilan?'' 

''Sus parang namang ang laki nang kasalanan ko sa'yo.'' bulong niya dito.

''You strip me infront of my friends, guests at higit sa lahat sa harap nang first love ko!'' may diin at pait sa bawat bigkas nang salita nito. Di nya napigilang mapangiwi.

''Ang tagal na nun, di ka pa rin nakakapag-move on?'' taas-kilay niyang tanong dito.

''It cost me my first love and great imbarassment. Sa tingin mo, ganun kadaling makalimutan iyon.''

Oo nga naman, naisip niya. Ikaw ba naman hubuan nang short sa harap nang madla at mabistong di pa tuli at the age of ten, di mo kaya isumpa ang taong iyon? 

''Bakit kasi di ka nagbrief noong panahon na iyon?" paninisi niya dito.

''Ako pa ngayon ang may kasalanan?'' imbyerna na talaga ito sa kanya. Feel nya sa boses palang nito.

''Uhm.. fifty-fifty?'' 

''Fifty-fifty my ass.''

''Eh di ako na! Sorry na raw sabi nang five year old kung self.'' wika niya sabay irap dito.''

''Ewan ko sa'yo!'' 

''Taray! Kung di lang kita mahal, nakuuu!'' 

''Mahal? Paglakarin kita dyan eh!''

''Sya, sige.. hindi na. Bilisan mo na at kailangan ko nang magbeauty rest.'' wika niya habang sumasandal sa upuan.

Alergy talaga itong lalaking ito sa kanya simula nang mangyari ang insedenting iyon. Sumobra naman kasi siya sa pagkapilya noon. Pero babawi sya dito. Kung gusto ayaw talaga siya nitong patawarin eh di hubuan din sya nito nang shorts para patas sila. Panigurado, kapag nangyari yun, ikagagalak nya pa. 


His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon