Halos mabingi si Amanda sa sampal na natanggap mula sa kanyang ama. May dugo rin siyang nalasahan sa sulok nang kanyang labi. Kinagat niyang mariin iyon upang pigilan ang pagalpas nang mga luha sa kanyang mga mata. Nakatungo lang siya sa habang naririnig naman niya ang ina niyang pinapakalma ang kanyang ama. Wala namang imik ang kanyang kapatid na pakiramdam niya ay nakamasid lang.
''Sino ang ama niyang dinadala mo?'' may atoridad sa tuno nang pananalita nito. ''Magsabi ka sa akin kung hindi ay malilintikan ka uli.'' banta pa nito.
Napapikit siya nang mariin at tahimik na inihahanda ang sarili sa ano mang mangyayari. Kinakausap din niya ang kanyang anak sa isip.
''Sino ang lalaking nakabuntis sayo?'' may diin at gigil na sa bawat bigkas nang salita nito.
''Artemyo, wag ka namang sumigaw. Baka marinig ka nang kapitbahay natin, nakakahiya.'' ang nanay nya.
''May mas nakakahiya pa ba sa pinaggagawa niyang anak mo? Sabihin mo nga sa akin, saan ba tayo nagkulang sa pagpapaalala sa kanila? Sa paggabay sa kanila, saan tayo nagkamali? Itinaguyod namin kayong mga anak namin, tapos ito ang igaganti ninyo? Ano bang dapat ginawa naman para umayos kayo? Dapat ba nagpabaya kame? Anong klaseng pagpapalaki ba sana ang ginawa namin at lumaki kayong tatlong puro sakit nang ulo ang sala sa amin?'' Puno nang hinanakit na wika nang ama nya habang tahimik lang siyang lumuluha at nakatungo ang ulo. Kagat-kagat din nya ang pangibabang labi upang pigilan ang paghikbi.
''Ayaw mo ba talagang sabihin sa amin kung sino ang ama nang anak mo?'' ang kuya Lapu-lapu nya.
Naupo itong katabi nya nang umalis ang kanyang magulang. Iling lang ang isinagot niya sa tanong nito. Hinagod-hagod naman ito ang likod nya.
''Pinagsamantalahan ka ba? Pinilit? Sabihin mo sa akin.'' tanong uli nito. Ramdam niya ang concern nito sa kanya. Sinagot niya uli nang iling ang mga tanong nito. Bumuntong hininga ito at matagal na nanahimik.
''Wag ka nang umiyak at makakasama yan sa anak mo. Kung sakaling magbago ang isip mo at gusto mong bugbugon ko ang bumuntis sayo, sabihin mo lang at babalian ko nang mga buto agad-agad.'' wika nito. Napangiti naman siya sa saad nito. ''Matulog ka na. Wag mo nang alalahanin muna si tatay, mapapatawid ka rin nun. Hayaan mo nalang munang magtampo.'' tumango lang siya.
Ilang minuto pa muna itong nagsasalita habang siya ay nasa malayo ang isip bago ito nagpaalam. May pupuntahan umano itong pulgas.
''Kapit ka lang kay nanay, baby ha. Kahit mahirap, okay? Malalampasan natin ito kahit wala ang tatay mo. Kahit tayong dalawa lang.'' wika niya habang nakapatong ang mga kamay sa impis pa niyang tiyan. Nasa kwarto siya ngayon at nakahiga sa kanyang papag. ''Pasensya ka na at may katangahan si nanay mo, ha. Sorry kung hindi kita mabibigyan nang kumpletong pamilya. Mas masasaktan kasi tayo kung magsama kami nang tatay mo nang walang pagmamahal. Mas magulo iyon at hindi mo deserve iyon. Kahit ako lang ang magulang mo, pinapangako kung palalakihin ka nang hindi kulang sa pagmamahal. Palalakihin kitang masayahin at mapagmahal. Dudoblehin ni nanay ang pagmamahalsa iyo para kahit papaano, hindi mo maramdamang may kulang sa buhay mo. Para kahit papaano, hindi ka maghanap. Wag kang magalala baby, kapag malaki kana at nakakaintindi na, sasabihin ko sa'yo kung sino ang tatay mo. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat nang hindi mo maintindihan sa abot nang aking makakaya.''
Taimtim siyang nagdasal bago matulog. Huminga nang tawad at lakas nang loob. Ipinagpasalamat din niya ang buhay na nasa sinapupunan nya kahit. Alam niyang hindi magiging madali ang kinabukasan nilang magina lalo pa at may tampu sa kanya ang tatay nya. Naiintindihan niya ito. Dalangin nga lang niya na sana ay magkaroon nang puwang ang kapatawaran sa puso nito para sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Mortal Enemy
ChickLitHe hates her to the bones! Walang makakapagbabago nang pagkasuklam niya dito. Kahit pa nang iligtas siya nito sa bingit nang kamatayan, hinding-hindi niya ito mapapatawad.