16

572 15 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nang may mangyari sa kanila ni Ernisto. Isang buwan na din siya nitong iniiwasan na tila ba mayroon siyang nakakahawang sakit. 

Sakit, lungkot at galit ang namamayani ngayon sa puso nang dalaga para sa binatang tinatangi. Akala nya kasi pagkatapos nang nangyari ay may magbabago sa pakikitungo nito sa kanya. Akala nya magkakaroon siya nang puwang sa puso nito. Na kahit papaano ay susubukan nitong pagaralan siyang mahalin.

Hindi naman niya hangad ang pikutin ito. Kahit papaano, mayroon pa rin naman siyang kaunting paggalang para sa sarili nya. Gumagana pa rin naman kahit papaano ang kaunting katinuan na meron sya. 

''Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?'' ang nanay nya habang sinisipat siya nito nang tingin. Naka pangalumbaba siya sa may bintana at sa malayo ang tingin. 

''Wala naman 'nay. May iniisip lang ako.'' 

''Ano naman yang iniisip mo aber at nakapangalumbaba ka pa dyan?'' 

''Iniisip ko po kung paanong pipikutin si Ernisto.'' wika nya dito sabay hagikhik. Napaigik naman siya nang masaktan sa hampas nang nanay nya sa kanyang balikat.

''Heh! Tigilan mo na si Ernisto at mukhang wala ka talagang pagasa doon. Ibaling mo nalang kay Juanito yang pagsinta mo kay Ernisto. Di ka maghihirap manligaw doon sa matandang hukluban na iyon.'' wika nito habang nagsusuklay nang buhok sa harap nang salamin.

''Nay, ikaw nalang kaya? Hehe..'' 

Kamuntik na siyang matamaan nang suklay na binato nito kung hindi siya nakailag.

''Makukurot ko yang bibig mo, eh.'' 

''Kasi naman mader dear, irereto mo na nga lang ako, doon pa sa ilang araw nalang siguro ang itatagal sa mundo.'' nakasimangot na wika niya sa ina.

''Kesa naman tumanda kang dalaga kakahintay kung kailan ka sasagutin ni Ernisto. Aba! Dadaigin mo na ang mga dakilang martir na namatay para sa bayan dyan sa pagiging martir mo sa lalaking yan ah.'' sermon nang ina nya sa kanya.

''Akala ko po ba supportado nyo ako?'' kunot-noong tanong niya dito.

''May hangganan ang pagiging supportado kung ina dyan sa katangahan mo. Tandaan mo, nanay mo ako. Hindi ko gusto nakikita kang nagpapakatanga sa isang lalaki. Di ka namin inalagaan, pinakain, pinagaral nang tatay mo, kayo nang mga kapatid mo, para lang balewalain o tratuhin nang ganyan nang kahit na sino.'' saad nito habang seryosong nakatingin sa kanya. Kamunti na siyang maluha sa madamdaming speach nang ina.

''Magsasawa din siguro ako 'nay. Di ko nga lang alam kung kelan.'' wika nya dito. Maging siya ay naawa na din sa sarili nya. Lalo pa ngayong kung makaiwas ang magaling na lalaki sa kanya ay ganun-ganun nalang. 

Matiim muna siya nitong tinitigan bago lumapit sa kanya at yumakap. Madalang itong magppakita nang affection sa kanila na mga anak nito kaya hindi niya maiwasang maging emosyonal. Ikinurap-kurap niya muna ang mga mata bago nagsalita.

''Mamamatay ka na ba 'nay? Bakit ang lambing mo ngayon?'' isang batok ang natanggap niya mula dito.

''Gaga!'' wika nito. 

''Aray ko naman 'nay!''

''Ikaw kung ano-ano pinagsasabi mo. Ang gusto ko lang naman malaman ninyong magkakapatid, kahit anong mangyari,  lagi kaming nandito nang tatay ninyo.'' 

''I love you 'nay.'' wika niya dito bago ito niyakap nang mahigpit. 

Ilang sandali pa muna silang naglambingan at chikahan nang kanyang ina bago ito umalis. Naiwan naman siya sa bahay nila. Naglinis muna siya nang bahay dahil wala siyang magawa. Nang matapos, kinuha niya ang tabo na may lamang gamit gamit panligo at tuwalya, pagkatapos ay nagtungo sa ilog. Naisipan niyang doon maligo para naman marelax siya kahit papaano. Bitbit din niya nag maliit na fish net na nakatali sa kaoy na pabilog ang hugis. Mangunguha siya nang fresh water shirmp at alimango para mamayang haponan.

Pakanta-kanta pa siya habang binabaybay ang daan patungong ilog nang may mapansin siyang naliligo doon. Broad shoulder and a muscles in the right places. Di tuloy niya maiwasang maalala ang nangyari noong huling nandito siya kasama ang lalaking naliligo.

Kahit na kumakabog ang dibdib dahil sa kaba sa hindi niya malamang dahilan, nagpatuloy siya sa paglakad at huminto nang malapit na siya dito. Kailangan niya itong makausap. Kailangan nilang magusap.

Napatda ito nang makita siyang nakatayo sa malapit dito. Namumutla na parang hindi nito alam ang gagawin.

''Hindi kita gagahasain kaya wag kang magalala. Hindi rin kita sinundan dito. Nagkataon lang ang pagkikita natin dito.'' wika nya dito. Hindi naman ito umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. ''Bakit mo ako iniiwasan?''

''Hindi kita iniiwasan.'' 

''Sigurado ka? Sa pagkakaalala ko kasi sa tuwing makikita mo ako lagi ka nalang naghahanap nang ibang madadaanan.'' hindi na siya nagabalang itago ang hinanakit sa tuno nang kanyang pananalita. Para ano pa? Tiyak naman siyang nakikita nito sa mukha niya kung ano ang nararamdaman nya.

''I don't have time for this.'' wika nito saka nagmamadaling umalis. Nakakailang hakbang palang ito nang biglang magsalita ang bibig nya bago pa man makapagisip ang utak nya.

''Delayed ako.''


His Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon