CHAPTER 1

133K 3.5K 858
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Hinila ko 'yung bagahe ko palabas ng pinto, kasabay ng pagkapit ng mga maliliit na kamay sa damit ko.

"Ate Runo aalis kana ba? Mamimiss ka namin wag ka nang umalis." lumuhod ako para yakapin sila isa-isa, sila 'yung mga batang inaalagaan ko rito sa ampunan at tinuring ko na ring kapatid, pare-pareho kaming iniwan ng mga magulang namin sa bahay na ito kaya alam kong masakit ding iwanan ko sila ngayon, ganito rin kaya ang naramdaman ng mga magulang ko ng iwan nila ako sa bahay ampunan na 'to?

"Dadalaw ako isa pa hindi naman gaano kalayo ang pupuntahan ko." nagsinungaling ako, sa totoo lang sobrang layo ng pupuntahan ko at baka hindi ko nang magawang dalawin sila dito dahil sa magiging katulong na ko sa ibang pamilya na pagsisilbihan ko.

Mamimiss ko sila, pero kailangan eh. Pangako ko pagnakapag-ipon na ko dadalawin ko ulit sila rito pero mas masaya kung wala na sila dito, sana bawat isa sa mga batang ito may umampon hindi katulad sa'kin na lumaki nasa bahay na ito na wala man lang balak na kumupkop.

"Mag-iingat ka doon Runo. isa pa pala nagpaalam ka na ba kay Red?" Umiling ako at tinignan yung bintana sa kwarto ng best friend ko.

"Ayaw niya po akong pansinin nung nalaman n'yang aalis ako, kaya pakisabi na lang sister mamimiss ko siya." tumango si sister at bumitaw na ko sa yakap ng mga bata.

Kumaway na ko sa kanila at sumakay sa tricycle papuntang sakayan ng bus, malayo layo daw kasi ang bahay ng mga Lockhart at kailangan ko pang magtatlong sakay.

Bago ako tuluyang umalis ng ampunan muli ko sinulyapan ang bintana ng kwarto ni Red, at nakita ko siya doon nakasilip at masama ang timpla ng mukha pero na gawa niya pa rin akong kawayan, napangiti na lang din ako at kumaway sa kaniya.

Mga tatlong oras o apat ata bago ako makarating sa lugar ng mga Lockhart, sumakay pa ko ulit ng tricycle dahil malayo pa sa bayan ang bahay nila at na sa taas daw ng burol ito.

"Miss dito na lang ang kaya ng tricycle ko masyado ng matarik ang dadaanan natin kaya hindi na kaya, maglakad ka na lang at makikita mo ang malaking gate nila d'yan." tumango ako at nagbayad na.

"Sige po salamat." ngumiti ako at tumango lang siya pero parang kakaiba ang tingin ni manong na parang ayaw niya kong tumuloy.

Medyo kinabahan naman ako sa tingin na 'yon kaya lalo akong na madali papunta sa bahay na pagtatrabahuhan ko, mga 10mins ata bago ako makarating doon at hingal na hingal ako dahil sobrang tarik ng daan para na din akong umakyat ng bundok eh dala ko pa 'tong mga gamit ko kaya pagod na pagod na talaga ako ng maabot ko ang patag na lupa.

Bumungad sa'kin ang napakalaking gate at hindi mo matatanaw ang bahay sa loob dahil madami pang puno sa harap. Medyo kakaiba ang garden nila kasi parang gubat na pagpumasok ka sa gate na ito.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa napakalaking gate.

"Kaya ko 'to!" at pinindot ko ang doorbell saka lumabas ang dalawang guard doon sa gilid ng gate at tinignan ako maige, pero parang walang buhay ang mga mata nila at nakatodo simangot pa, medyo kinabahan tuloy ako.

"Ah magandang hapon po, ako nga po pala ang bagong katulong dito mula sa manila ito po yung sulat na pinadala samin para mag-apply ng katulong." kinuha nila ang sulat at pinapasok ako sa loob.

Kinuha nung guard yung dala kong maleta at iba pang bagahe saka ako pinasunod sa kaniya, hindi sila nagsasalita kaya medyo na awkward ako sa kanila, ganito ba talaga katahimik sa lugar na ito?

Pumasok kami sa malagubat nilang hardin at paglagpas mo doon ay tatambad sayo ang nakapadaming pulang rosas at malaking fountain sa gitna ng hardin, at sa lugar na ito makikita mo na ang napakalaking mansion ng mga Lockhart, kulay puti, pula at ginto ang mga kulay na makikita mo dito sobrang ganda at ang aliwalas ng mansion parang bahay ng mga hari at reyna. Manghang mangha ako sa nakikita ko kasi kadalasan sa mga story book at TV ko lang nakikita ang mga ganitong kagagandang bahay.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon