Dedicated to: @sykodrim_7270
DANRIOUS's POV
❦❦❦
I failed again.
Nakita nga 'yung ginagawa namin ni Daniel at mukhang na takot pa namin siya hindi lang 'yon, 'yung babaeng kasama namin kanina sinusubukan pa kong halikan.
Sabagay kung makita niya naman iyon sure ako wala naman siyang pake pero wala eh, napaiyak na naman namin siya.
Nabigla ba siya sa nakita niya? Nadala na kasi kami ng uhaw namin sa dugo at nakalimutan na nag-iintay nga pala siya sa labas.
At ito nga pinaiyak na naman namin siya.
Ang kinagulat ko lang ay nung yakapin niya ko nang mahigpit, sa katotohanan nga eh gustong gusto ko 'yung nangyari kanina na pagyakap niya sa'kin kaso kung kapalit naman noon ay pag-iyak niya wag na lang din.
Hindi ko nga alam bakit ganito na ko mag-isip ngayon eh, na hawa na ba ko sa kapatid ko? O talagang ito ang tinatawag nilang inlove?
Wala pa kong alam sa bagay na iyan pero kung love na nga ito ang hirap pala i-describe ang nararamdaman mo no?
Minsan masaya minsan hindi. Nakakairita.
"Rious oo na nayakap mo na siya okay ka na ba? Tama na 'yang pagkakatulala mo diyan para kang may sanib eh," tinigna ko siya ng masama.
"Shut up," sabi ko at binato niya ko ng unan.
"Bakit ikaw lang 'yung niyakap kainis ka!" Dinilaan ko siya at binato rin siya ng unan.
"Hayaan mo na, kabayaran mo iyan sa paghawak mo sa boobs niya este sa pader?" Tumawa rin siya.
"Wow ha, ikaw kaya ang nag nakaw ng first kiss niya," ngumisi ako.
"Syempre precious iyon kailangan ako mauna, iyon 'yung bagay na ipagmamalaki ko talaga." inakbayan niya ko at bumulong.
"Pano kung hindi pala ikaw ang first kiss niya? Pano kung hindi na pala siya virgin? Hahahaha," nag-init ang ulo ko at pinitik ang ilong niya.
"para kang demonyo bulong ka nang bulong." humilata siya sa kama.
"Demonyo ka rin kambal tayo eh," sabi niya at nag pagulong gulong sa kama.
"Kailan kaya ako makakahanap ng kapalit ni Kaelynn? Hindi pa rin ako makamove on eh."medyo na lungkot ako sa sinabi ng kambal ko.
Humiga rin ako at tinabihan siya, nakakaawa si Niel gaano kaya kahirap magmove on? Ano bang pakiramdam ng mabroken hearted?
Kasi siya dalawang beses niya ng naramdaman iyon at ako rin ang dahilan nung una, tapos ngayon pareho pa namin gusto si Runo.
"Sorry Niel," sabi ko sa kaniya at hinampas niya 'yung tyan ko ng sobrang lakas kaya napabaluktot ako sa sakit.
"What the hell para saan 'yon?" Daretsyo lang siya nakatingin sa kisame.
"Ayaw ko kasi ng kinaaawaan ako." seryoso siya kaya tumahimik na ko, siya ang bunso samin dalawa pero pag nagagalit siya hindi ko kaya.
Iba ang ugali ni Niel at hindi ko kayang kontrolin 'yon, oo mabait siya kesa sa'kin pero pag nagalit siya ibang klase rin, may ugali siyang tinatago niya.
"Hindi na hindi," sabi ko na lang at hinimas ang tyan ko.
Ayaw n'yang kaawaan ko siya kaya nagpapanggap siyang okay lang at masaya kahit sa totoo n'yan ay na hihirapan siya.

BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampiros[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...