KAELYNN's POV
❦❦❦
Gabi na pero nagugutom pa rin ako kaya bumaba ako sa kusina at nagpakulo ng tubig para sa noodles ko.
"Anong oras na ba?" Tumingin ako sa wall clock at one am na pala ng madaling araw.
Grabe naman 'tong tiyan ko aangal pa sa ganitong oras eh, ang sarap na nga ng tulog ko, pero teka napanaginipan ko si Danrious kanina ah.
Ano nga ba ulit 'yung panaginip ko? Medyo mabilis lang kasi iyon kaya ang na tatadaan ko lang ay sinesermunan niya ko kasi na basa ko 'yung t-shirt niya ng luha at sipon ko kanina.
Napangiti ako habang nag-iintay ng pagkumulo nung tubig, tama si Daniel mabait ang kapatid niya masyado lang siguro mahiyain si Danrious at ganoon 'yung way niya para ipakita sayong nag-aalala siya.
Napakamot na lang ako ng ulo at inilagay ang noodles sa mainit at kumukulong tubig saka isinunod 'yung itlog at hinalo ito. Ayoko kasing buo 'yung itlog gusto ko durog siya pag nasa noodles na.
Naghikab ako at nagkamot ng tiyan ko, buti walang gising ngayon kundi makikita nila akong bruha at nagkakamot.
Sumandok ako at umupo na sa harap ng mesa at nagpasalamat sa ama para sa pantawid gutom na pagkain. Hinipan ko muna ito at nginuya.
Haaay heaven talaga, kain lang ako ng kain nang bumukas ang pinto at nakita ko si Danrious na nagulat nang makita ako, nagkamot siya ng ulo sabay snob sa'kin.
Gising pa pala ang isang 'to? Saan naman kaya siya galing? Amoy alak siya saka pabango ng babae, mabuti nang wag ko siyang sermunan baka malintikan na naman ako brutal pa naman ang isang ito.
"Uy kain," inaya ko siya kaso dare-daretsyo siyang pumunta ng refrigerator at naghanap ng tubig. Para siyang model kung uminum ng tubig nakapamewang pa at kailangan nakapose?
*Grrrummm*
Napalingon ako sa na rinig kong kumakalam na tiyan niya, medyo na tawa ako doon.
"Ugh, gutom na talaga ako." hindi niya talaga ako pinapansin at mukhang aalis na siya kaya nagsalita na ko at inaya siya.
"Meron pa dun sa stove wait upo ka kukuha kita," tumayo ako tapos siya parang ang sama na naman ng tingin sa'kin, tignan mo tong isang ito siya na nga inaalok masama pa tingin sa'kin.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko sa kaniya nang bigla n'yang hinawakan ang kamay ko at nilapit ang mukha niya, sobrang lapit! hahalikan na naman ba niya ko? Bumibilis ang tibok ng puso ko!
"Aaaano ba!" Hinampas ko siya at lumayo sa kaniya, mang haharass na naman ba siya?
"Ikaw na ba talaga 'yan?" Nagulat ako, dala ba ng gutom ito at hindi niya na ko makilala? kaya natawa ako sa kaniya.
"Oo ako ito hahaha, gutom na gutom kana ba? Hahaha saglit lang kasi haha," tawa ako ng tawa at kumuha na lang ng pagkain niya, umupo siya sa tabi ng upuan ko.
Inilapag ko 'yung bowl ng noodles na may itlog at hinipan-hipan ito para mawala 'yung init.
"Mainit pa 'yan," sabi ko at hinipan-hipan ulit ito, baka kasi mapaso siya dahil bagong luto pa ito.
Napatingin ako sa kaniya at parang nakatingin siya sa'kin kaya tinigilan ko na 'yung paghipan. Nagulat na lang ako ng mabilis n'yang kainin 'yung noodles at iyon na paso siya kaya na madali akong kumuha ng malamig na tubig.
"Sabi ko mainit pa." sermon ko sa kaniya at nilagok niya na lang ang tubig sa baso at hinabol ang hininga niya.
"Haha daig mo pa bata." tumawa ako at ngumiti na lang sa kaniya para kasi siyang bata na gutom na gutom.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...