DARYL's POV
❦❦❦
Para sayo ano ang love?
Paulit-ulit kong binasa ang tanong niya at napabuntong hininga.
Ano nga ba ang love?
*tok tok*
"Pasok." pumasok si ate Mila na may dalang kahon, so pinadala niya na nga agad.
"Pinapabigay po ni Ms.Ashley," napangiti ako at kinuha ang kahon mula sa kamay ni ate Mila.
"Salamat ate Mila makaka-alis kana." pero hindi pa rin siya na alis sa kinatatayuan niya.
"Sir Daryl, maari na ba kong magleave ngayon?" tinignan ko ang kalendaryo at ngayon lang na isip na linggo na pala.
"Oo naman hindi mo na kailangan magpaalam sa'kin ate Mila," tumango ito at bago lumabas ng pinto ay tumingin ulit sa'kin.
Mukhang alam ko na ang ibig n'yang sabihin kaya ngumiti na lang ako.
"Oo alam kong bawal, sige na makaka-alis kana." nang tuluyan n'yang na isara ang pinto nanlambot ako at napaupo sa upuan ko. Nasapo ko na lang ang noo ko at napatingala, bakit bawal siyang mahalin?
Isa na namang katanungan, una ano ang pag-ibig, pangalawa bakit bawal umibig sa kaniya?
Nasara ko ang kamao ko at pinigilan ang inis na nararamdaman ko, tumingin na lang ako sa kahon na padala niya at binuksan ito.
Pagtingin ko na ibato ko ang laman nito at napatayo sa inis.
"Aba't nang-aasar talaga ang babaeng 'yon," nang biglang bumakas ang pinto at niluwa nito si Kaelynn kasama ang kambal.
"Excuse me sir, ano pong nangyari?" mukhang nag-aalala siya at umiling lang ako.
"Ano ito kuya Daryl?" sabi ng kambal at tinignan ang iba pang kakila kilabot na laman ng kahon,
"Aaaah bakit may ganito ka! siya nagpadala nito no!" Tanong sa'kin ni Daniel na mukhang natatakot na rin.
"Ayokong lumapit sa mga bagay na 'yan! Isa lang ang alam kong na gawa ng ganitong biro," sabi naman ni Danrious at mukhang na guguluhan na samin si Kaelynn at si Darenn naman ay pinupulot na isa-isa ang mga sinumpang bagay.
"Ano bang pinag sasabi niyo? Eh horror movies lang naman 'to." pinulot niya 'yung isa at biglang kuminang ang mata niya sa tuwa. Mukhang hindi namin gugustuhin ang susunod na mangyayari.
"Wag mong hawakan iyan Kaelynn akin na at itatapon ko," sabi ni Daniel pero hinawakan maigi ito ni Kaelynn.
"Hindi ko pa napapanood 'tong part two nito eh, akin na lang po kung itatapon niyo." nagkatinginan kaming tatlo.
"Ah osige ba sayo na lang lahat," sabi ko at pati yung box binigay ko sa kaniya. Masaya n'yang kinuha iyon at tumingin samin sabay ngiti.
"Samahan niyo kong manood nito mamayang gabi hehe," lahat kami umiling sa kaniya at ako kunwari nagbisibisihan.
"Madami akong gagawin ngayon Kaelynn." binuhat niya ang box.
"Sunday po ngayon remember pahinga niyo po." ngumiti siya sa'kin, 'yung ngiting hindi ka pwedeng tumanggi.
"Pati kayo kambal manood tayo masaya pagmarami," sabi niya sa kambal at pati 'yung dalawa pinag pawisan na ng malamig.
"Ah matutulog kami ng maaga diba Niel," sabi ni Danrious sa kakambal at tumango na parang robot ito sa kaba.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...