CHAPTER 6

64K 2.1K 141
                                    

KAELYNN's POV

Tinawag ko siya pero mukhang nagdadalawang isip pa siyang lumabas ng pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tinawag ko siya pero mukhang nagdadalawang isip pa siyang lumabas ng pinto.

"Tara na Sir Darenn wala ng tao." ayaw n'yang lumabas pero pasilip silip siya kaya binuhat ko na lang siya at dahan-dahan na pumunta sa likod ng mansion kung saan  nandoon  ang daan papuntang dagat.

3pm pa lang kaya maaraw-araw pa at paglabas namin ng bahay laking tuwa niya nang makatungtong siya sa damuhan, kumaripas siya ng takbo papuntang kakahuyan kaya hinabol ko siya agad.

"Sir Darenn wag kang lalayo teka lang." medyo kinakabahan ako sa ginawa ko, kabilinbilinan kasi ni ate Mila na wag silang papasikatan sa araw ewan ko kung bakit pero mukhang wala naman nangyayari sa kaniyang masama saka incase na may sakit siya sa balat nilagyan ko na siya agad ng sunblock at nakalong sleeve siyang damit.

Masaya siyang tumakbo sa damuhan at minsan nagpapagulong gulong pa dito, makikita mo nasa mukha niya 'yung saya na hinahanap niya. Naiiyak tuloy ako para siyang ibon na nakalaya sa hawla niya.

"Tamo tamo ate dami green, dami flowers taka trees." binuhat ko siya at pumitas kami ng mga bulaklak, puro white flowers ang andito kesa doon sa garden sa front ng mansion puro red roses.

"tara punta tayo sa dagat mas maganda doon," tumango siya at niyakap ako ng mahigpit. Hoho napaamo rin kita.

Mula dito sa kinatatayuan namin matatanaw mo na ang dagat kaya tumakbo na ko bitbit siya at naglaro sa buhanginan.

Hinubad ko ang sapatos namin dalawa at ibinaba siya sa buhangin.

"Waaah ate 'yung paa to hinihigop." Na tawa ako sakaniya, lumulubog kasi siya dito sa tuyong buhangin kaya binuhat ko muna siya at pinunta sa dalampasigan.

"Oh iyan hindi na iyan, malambot lang siya kasi na basa ng tubig dagat," nakatungo lang siya at tinititigan ang maliit n'yang paa na nababasa ng tubig dagat. Sobrang puti ng balat niya kaya kitang kita mo sa linaw ng tubig, umupo ako sa tuyong bahagi ng buhangin at tinignan lang siya.

Lumingon siya sa'kin at nabigla ako, umiiyak siya kaya nataranta akong tumakbo papunta sa kaniya.

"Bakit anong masakit Sir Darenn?" umiling siya at niyakap ako nang mahigpit, na basa na 'yung palda ko dahil sa pagluhod ko pero ayos lang at least alam kong umiiyak siya sa saya ngayon. Hinawakan ko ang matambok n'yang pisngi at pinisil 'to.
"wag kana umiyak, tignan mo ang ganda ng dagat oh," tumango siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Talamat ate." at tumakbo na siya paikot ikot doon sa dalampasigan habang tinitignan ang pagbakat ng paa niya sa buhanginan.

Awww hinalikan niya ko matutunaw na ko, ang cute-cute talaga ng alaga ko ayos lang kahit parusahan ako ng mga Sir ko basta makita ko lang siyang maging masaya ulit.

Mga ilang minuto rin kami nagpalakad lakad sa dalampasigan at na mulot ng magagandang bato at sea shell.

Kinuha ko ang laylayan ng palda ko at ginawa itong lalagyan, at pagbalik namin sa tapat ng mansion ay bigla kong bitawan ang laylayan ng palda ko kaya bumaksak lahat ng pinulot namin mga bato at shell.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon