[TAGALOG]
Pumasok ka sa Mansion.
Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo.
Makakayanan mo ba maging alaga nila?
Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...
Sunday ngayon at hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung mga lumipas na linggo, ang weird ng school, ang werid ng mga student at bakit ganoon ang turing nila sa'min?
Mahirap man kami hindi dapat nila kami minamata, purque wala kaming binabayaran miske isang kusing sa paaralan na iyon ay ganoon na nila kami ituring?
Nasapo ko ang noo ko at nagbuntong hininga saka tinukod ang siko ko sa bitana at tumingin sa labas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lintik na, ang gulo ng isip ko at sobrang tahimik pa dito sa bagong apartment na tinutuluyan ko, malayo sa kinalakihan kong ampunan kung saan lagi maingay at makakarinig ka ng mga tawa ng bata.
Tatawagin kang kuya Red o kaya pag mang-aasar sila sayo tatawagin ka nilang Runo.
Lahat naman ng tao sa ampunan alam ang nararamdaman ko sa kaniya siya lang 'tong tumatanggi sa feelings ko. Hindi ko alam bakit siya ganoon tapos ngayon makikita ko siyang sobrang close sa kambal na iyon.
Nakakabwisit sila tignan, pagtumingin ka sa kanan andoon siya pagtumingin ka sa kaliwa andoon na naman siya, 'yung mukha nilang iyon na kinabubwisitan ko sa lahat.
Lalo na 'yung Danrious na 'yon, anong karapatan niya akbayan nang akbayan si Runo at tinatawag niya pang Runo si Runo eh ang pangalan na iyon ay para samin lang na tunay n'yang pamilya,
Argh! Sarap manuntok pero kailangan kong magtiis dahil kahit ilihim sa'kin ni Runo alam kong sila ang tumulong sa'kin makapasok sa school na iyon.
Kinuha ko 'yung wallet ko at tinignan ko 'yung picture namin nung bata pa kami.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dati abot kamay lang kita, ngayon lalo kang lumalayo sa'kin. Intayin mo lang ako at babawiin kita mula sa kanila.
Tinitigan ko 'yung litrato at napangiti, buti na lang at una kitang nakilala kesa sa kanila buti na lang at sabay tayong lumaki.
Hindi rin pala masama na maging ulila kasi dahil doon nakilala kita at na kasama. Hindi ko lang alam bakit ayaw mo sa'kin.
Napapikit na lang ako ng bumalik sa alala ko 'yung panahon na binusted mo ko, third year high school tayo noon at uwian ng sabihin ko sayong mahal kita.