CHAPTER 23

53.8K 1.7K 216
                                        

Dedicated to: @princhest

DANRIOUS's POV

❦❦❦

Nakatayo ako sa harap ng malaking pinto habang hawak-hawak ang maliit na kamay ng kambal kong si Niel.

Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa'kin sabay pagbukas ng pinto at lumabas doon ang aming ina suot suot ang pulang damit at matapang na pabango na paborito niya tuwing aalis siya.

Hinawakan niya ang ulo naming dalawa at ngumiti, mga ngiting mapanlinlang para sa batang edad namin noon.

"Be a good boy okay, babalik din si mama," sabi niya at lumabas na sa kabilang pinto.

Ah tama. Pupunta siya sa mga lalaki niya, tuwing magsusuot siya ng pulang damit at ang amoy ng pabangong iyon na umiikot sa katawan niya panigurado maghahanap na naman siya ng bagong mabibiktima niya.

Paglingon ko, ako na lang mag-isa at nakaharap ako sa malaking bintana na natatakpan nang makapal na kurtina, hinawi ko iyon at tinakpan ang mukha ko dahil sa liwanag.

Nakapagtataka bakit hindi na susunog ang balat ko at nang imulat ko ang mata ko, nakita ko siya na kaupo sa ilalim ng puno.

Runo? Tinitigan ko siyang maigi at himas-himas niya ang malaki n'yang tiyan, nakita niya kong na kasilip sa bintana kaya lumapit siya.

Nanginginig ang katawan ko, bakit malaki ang tiyan niya? Ano ang laman nun? Halimaw ba katulad namin? Sinong may gawa? Sino!

Ipinikit ko ang mata ko at may humawak sa mukha ko, pagbukas ko ng mga mata ko ay si tita Rose na ang nasa harap ko, nakaluhod siya para mapantayan ang maliit kong katawan.

Tumingin ako sa tiyan niya at malaki ito, siya ba 'yung nakita ko o si Runo? ginulo niya ang buhok ko at nginitian ako.

"Alagaan mo ang anak ko okay ba iyon baby Dandan." nanginig ang labi ko sa pagpipigil ng iyak at niyakap siya habang tumatango sa sinabi niya.

Paglabas ng baby niya siya naman ang mawawala, tumingin ako sa kaniya at biglang nagbago ang anyo niya.

"Mama?" Mula kay Runo papunta kay tita Rose ngayon si mama na.

"I told you! be a good boy bakit mo ko sinumbong sa papa mo!" Tinitigan niya ko ng masama at biglang binaon ang mahaba n'yang pangil sa maliit kong leeg.

*blag*

Minulat ko ang mata ko at inikot ang mata ko sa paligid, hinabol ko ang hininga ko at napahawak sa noo ko.

Isang panaginip, masamang panaginip.

Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Runo yakap-yakap pa rin ako habang bahagyang na kabukas ang labi niya.

Iniwas ko ang tingin ko doon at baka ano na naman ang magawa ko sa kaniya, ipinangako ko sa sarili ko nung gabing iyon hindi ko na siya sasaktan at susubukan kong magtiwala muli sa mga babae.

Hindi naman siguro lahat ng babae katulad ni mama at iiwan kami katulad ni tita Rose, pero ang pinagtataka ko bakit ganoon ang panaginip ko.

Muli akong tumingin kay Runo at mas sumiksik pa siya sa dibdib ko at ngayon siya na ang na kadantay sa'kin. Ahas ba ang isang 'to? Pulupot kung pulupot eh.

Buti na lang at nakapajama siya lagi at hindi hinahayaan makita ang balat niya kundi baka mamaya ma-tempt ako at hindi mapigilan ang sarili ko.

Pinilit kong bumangon pero makapit talaga siya kaya sinilip ko si Neil sa kabilang side ng kama at nakita kong wala siya.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon