CHAPTER 52

37.2K 1.2K 92
                                    

DANRIOUS's POV

❦❦❦

"Runo handa na ang umagahan," tinawag ko siya para pumunta sa kusina pero hindi siya umimik at pawang tulala.

Muli akong lumapit sa kaniya at tinapik ang balikat niya.
"Pst! Oy, tara kain na tayo," Tumingin siya sa'kin at tumango, wala siyang kaekpresyon-ekspresyon sa mukha at laging tulala, ilang araw na rin ang lumipas ng mangyari samin ang trahedya na iyon.

Oo masakit pa rin para sa'kin at alam kong mas masakit para sa kaniya pero walang mang-yayari kung itutuon namin ang buong buhay namin sa pagsisisi sa pagkawala ng anak namin.

Masakit na parang dinudurog nito ang puso ko tuwing sasagi sa isip ko ang mga nangyari. Minsan matutulala na lang din ako at hindi na mamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Pero parte iyon ng pagmomove on hindi ba? Parang naranasan ko na ito eh, hindi sa totally na walan ako pero nung time na binusted ako ni Runo iyon 'yung unang pagkatalo ko sa buong buhay ko.

Masakit, para kang pinapatay araw-araw kahit sa panaginip ko na iisip ko bakit nangyari sa'kin ito? Tapos ngayon ito na naman na ulit na naman siya pero this time hindi ko na mababawi ang na wala samin.

Pero kahit hindi ko na siya mababawi hindi naman ibig sabihin na tapos na ang lahat para samin hindi ba?

Nag uumpisa pa lang kami bumuo ng pamilya at masasabi kong pumalpak kami sa pagiging magulang sa una pero hindi naman ibig sabihin noon mauulit sa pangalawa? Pero minsan iniisip ko bakit samin pa nangyari 'yon? Bakit sa ibang pamilya okay naman ang unang anak nila? Bakit walang nangyari ganoon sa kanila?

Dahil ano? Dahil ako ay isang bampira? O makasalanan na nilalang. Madami akong pinatay at pinaglaruan na wala naman kasalanan at ngayon bumabalik lahat sa'kin ito.

Ah tama, ngayon maniniwala na ko sa salitang karma, kung gano kabigat ang ginagawa mo noon babalik din sayo, at ito nga ako pati babaeng mahal ko na damay sa katangahan ko.

"Dan lalamig 'yung kanin," sabi niya sa'kin at na balik ako sa ulirat ko, na tulala na naman ba ako sa sobrang pag-iisip?

"Ah, Runo hindi muna pala ulit ako papasok," sabi ko sa kaniya at tumango siya.

Lagi na siyang sumasang-ayon sa mga sinasabi ko sa kaniya , sinusunod niya bawat utos ko at pakiramdam ko sisingsisi siya dahil sa pagsuway niya samin ni tita Rose kaya nangyari sa anak namin iyon.

Pero hindi niya kasalanan 'yon, hindi niya sinasadang gawin 'yun.

"Ubusin mo iyan ah," sabi ko sa kaniya at tumango lang siya ng tahimik. Alam ko wala siyang gana dahil inaabot siya ng oras sa pagkain para lang maubos iyon at tapos nun magkukulong na naman siya sa kwarto.

Kinakausap namin siya ni tita Rose pero parang ang nan-gayari ay pasok sa kabilang tenga niya at labas din sa kabila.

Walang nangyayari, ganiyan siya parati parang wala ng gana mabuhay. Hindi ko na siya nakikitang ngumingiti o magalit man lang.

Parang wala na siyang emosyon, tapos paulit-ulit lang ang ginagawa niya sa loob ng bahay. Kakain siya magkukulong sa kwarto tapos manonood ng TV minsan naglilinis siya pero parang takot na takot siya humawak ng mga bagay na panglinis.

Tititigan niya ito saka hihipuin ang tyan niya at mamaya-maya maririnig mo na ang pag-iyak niya.

Awang awa ako kay Runo. isang buwan namin inalagaan 'yung anak namin at iningatan sa loob ng tyan niya tapos mawawala lang.

"Dan." napatingin ako sa kaniya.

"Ah oh, bakit?" Tumingin siya sa'kin.

"Tulala ka na naman," ngumisi ako. Parang siya hindi ganito. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon