CHAPTER 22

53.4K 2K 285
                                        

KAELYNN's POV

❦❦❦

Napapikit ako sa sakit, sobrang diin nang pagkakabaon ng pangil niya sa leeg ko, bakit ganito parang sobrang gutom na gutom siya sa dugo?

Pumukit na lang ako at tiniis ang sakit, mga ilang minuto pa ay bumitaw na siya sa pagkakahawak sa'kin at tinanggal ang pangil niya sa leeg ko.

"Pasensiya na Kaelynn salamat." hinawakan ko ang noo ko dahil umiikot na ang paningin ko, pakiramdam ko mauubos na ang dugo ko.

"Yan ang mapapala mo kuya pagpinigil mo pa ang sarili mo." hinawakan ako nung dalawa sa balikat.

"Tara na magpahinga kana." hindi na ko na kasagot pa sa kanila at bumagsak na.

Huling na kita ko na lang eh 'yung mukha ng kambal at ang mabilis na pagbangon ni Sir Daryl.

❦❦❦

Minulat ko ang mata ko bumangon, napahawak ako sa ulo ko kasi parang ang bigat sa pakiramdam nito dahil medyo nahihilo pa ko.

Tumayo na ko at pumunta ng CR para maghilamos, ilang oras ba ko na wala ng malay? Tumingin ako sa salamin at na kita ko ang itsura ko, nanlaki ang butas ng ilong ko at nag init ang ulo ko.

"DANIEL!! DANRIOUS!" Kahit nahihilo ako ay tumakbo ako sa kwarto ng kambal at hinanap sila pero wala sila doon kaya naman agad akong bumababa sa hagdan at pumunta ng kusina.

Nakita ko sila na nasa hapagkainan at patay malisiya na kunwari ay hindi nila ako nakikita.

"Sino sa inyong dalawa ang may gawa nito sa mukha ko?" Nagtinginan silang dalawa at lalo akong bwinisit.

"Sino sa inyong dalawa ang may gawa nito sa mukha ko?" Nagtinginan silang dalawa at lalo akong bwinisit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Like we know duh," sabay na sabay na naman nilang bigkas pati kilos.

"Nakain kami dito baka si Darenn," sabat pa ulit nilang dalawa at patagong ngumisi.

Nagbuntong hininga na lang ako at naglakad na pabalik ng kwarto, ano pa bang aasahan ko sa kambal na iyan syempre silang dalawa ang nagdrawing ng kung ano-ano sa mukha ko at dahil sila ang gumawa hindi rin sila aamin.

"Kaelynn sumabay ka na samin kumain," umiling ako kay Sir Daryl, hay, nakita niya ko sa ganitong mukha pero okay lang wala na kong feelings sa kaniya kaya bali wala na rin kahit magpaganda pa ko sa harap niya tsk.

Makaakyat na nga sa kwarto at makapagpahinga, hahakbang pa lang ako sa unang baytang ng hagdan ay umikot na naman ang paningin ko at bumagsak.

Mabilis akong inalalayan nung kambal at dinala sa kwarto ko, kanina lang parang bored na bored na naman sila pero ngayon mukha silang nag-aalala.

Napangiti na lang tuloy ako, kahit loko sila marunong pa rin sila mag-alala.

"Nginingiti-ngiti mo d'yan?" Umiling ako at hinayaan na lang na alalayan nila ako papuntang kwarto.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon