Dedicated to: Moonlightswan143
❦❦❦
KAELYNN's POV
Binalatan ko 'yung orange at kinain ito, kaso hindi ko magustuhan 'yung lasa parang ang paet na ewan. Kaya kinain ko na lang ulit 'yung fries na pasalubong sa'kin ni Dandan kanina, mag-isa na naman ako sa bahay at okay na ito kesa sa makita ang pagmumukha niya.
Ewan ko ba bakit asar na asar ako sa mukha niya, sabi nila pinaglilihihan ko daw siya pati ata si Red kasi pagnakikita ko sila parang sumasama ang pakiramdam ko.
"Baby 'yung totoo galit ka ba sa tatay at tito Red mo?" Tanong ko sa batang nasa tyan ko, hinimas ko ito at dinama ang pagpintig ng puso nito.
Sabi ng doctor tinutulungan daw ako ng anak ko para maka-survive at kapalit nun ay ang mahinang kapit niya sa'kin kaya daw mag-ingat ako lagi sabi ni Dc. Cheska.
Ang galing lang no, kasi baby pa siya tinutulungan niya na ko. Parang na iintindihan niya 'yung laging binubulong ni Dan sa kaniya na wag ako papahirapan at wag siyang matakaw.
Nakakatuwa lang at sinunod niya ang papa niya, hindi siya malakas uminum ng dugo at hindi ako na uuhaw para doon. Minsan na aakit ako inaamin ko pero hindi ko naman magawa kaya iba na lang ang kinakain ko. Pero lately talaga nang hihina na ko, palaki na kasi siya ng palaki, para na siyang tatlong buwan na bata pero sa katunayan niyan ay mag-iisang buwan pa lang siya.
*tok tok*
Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan, sinilip ko muna kung sino ito at nakita ko si mama at Darenn.
Binuksan ko ang pinto at agad akong dinamba ni Darenn kaya muntikanan na kong matumba buti na lang na hila agad ako ni mama.
"Anak! Wag ganoon makakalog ang baby ni ate Runo mo sa loob ng tyan niya sige ka mahihilo 'yung baby," napatingin si Darenn sa tyan ko at ngumuso.
"Ba't ba me beybi ta tyan ni ate taylin to? Wala naman tan dati ah." napatawa kami ni mama.
"Itanong mo sa kuya Danrious mo," ngumuso siya at titig na titig sa tyan ko.
"Gusto mong hipuin?" Sabi ko sa kaniya at nagningning ang mata niya, tumango-tango siya sa'kin ng paulit-ulit at excited maigi sa paghimas ng bilog kong tyan.
"Akin na kamay mo," inabot niya sa'kin ito at inilagay ko naman ito sa tyan ko, napanganga siya at mangha-mangha.
"Atala to tumain ta water melon eh iyon pala may beybi talada sa loob." naramdaman niya rin siguro ang pintig ng puso ni Rain.
"Hahaha, siya ang pamangkin mo si Rain Dillan," sabi ko saka kami pumasok at umupo sa sala.
"Rain? Dittan? Ato iyon ulan at dila?" napahawak ako sa ulo ko, jusco iyon ba talaga ang katunog ng pangalan ng anak namin?
Hindi pupwede ito baka asarin siyang ulan o kaya dila? Wag! nakakaawang bata ayokong maranas niyang asarin siya sa pangalan niya dahil sa kagagawan namin dalawa ni Dandan.
"Ah hindi hindi, Rain kasi si ate Runo ay R. Dillan kasi si kuya Danrious ay D." nag-isip pa siya bago na gets at napasabi na lang ng.
"Aaahhhh taya," sabi niya at tumakbo kay mama na nasa kusina.
"Mama patalan ng beybi nila tuya ulan dila." ulandila? U-landi-ah? Parang iyon ang na rinig ko.
Napahawak ako sa ulo ko, sumasakit ito at tumingin ako sa tyan ko.
Anak sorry hayaan mo pag-uusapan ulit namin ng papa mo ang pangalan mo para hindi ka maasar ng tiyuhin mo paglaki mo.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampir[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...