CHAPTER 37

42K 1.4K 165
                                        

KAELYNN's POV

❦❦❦

Friday na ngayon at bukas ay birthday na ng kambal, iniisip ko pa rin kung anong magandang iregalo sa kanilang dalawa. 'Yung magugustuhan ni Daniel at ni Danrious.

Kay Daniel madali lang eh, sabi niya kahit ipagbake ko lang daw siya ng cookies masaya na siya, eh kay Danrious kaya? Siguro kahit anong ibigay ko sa kaniya hindi niya tatanggapin. Pero be positive lang Runo kaya mo 'to ipagbe-bake ko silang dalawa ng cookies para sa birthday nila.

Habang tulog si sir Darenn naghalungkat na ko ng gamit sa kusina.
"Anong hinahanap mo Kaelynn?" Tanong ni ate mila at nilingon ko siya.

"Ah, mga harina po sana at saka chocolate chips kaso wala pala." hindi pa ata na kakapag-grocery sila ate Mila kaya wala syadong laman ang refrigerator at ang mga cabinet dito sa kusina.

"Anong meron?" Napalingon kaming dalawa ni ate Mila kay sir Daryl na mukhang stress na stress. Dumaretsyo siya sa ref at kumuha ng bag ng dugo.

"Ah, wala na po tayong stock sir, hindi pa po kasi ako na kakapag-grocery," sabi ni ate Mila at pumunta si sir Daryl sa bintana saka sinilip ang labas.

"Tanghali pa mainit hindi ka pwede lumabas," sabi ni sir Daryl kay ate Mila.

"Ah, sir pwede ako na lang? Saglit lang ako sir saka gusto ko sana magbake ng cookies para sa birtday ng kambal." ngumiti siya sa'kin at sabay tapik sa balikat ko.

"Okay, sige basta pamasahe mo." na pangiwi ako kay sir Daryl, kuripot talaga kakaiba.

"Isa pa pwede mong dalawin 'yung kaibigan mo, magpaalam ka nang maayos na hindi ka na makakapasok," napangiti ako at kulang na lang yakapin ko siya sa tuwa pero syempre bawal iyon kaya nagbow na lang ako sa kaniya.

"Maraming salamat sir, saglit lang talaga ako babalik din ako agad," tumango siya at dumaretsyo na ko sa kwarto para magpalit ng damit, kinuha ko 'yung listahan kay ate Mila at dumaretsyo sa bayan para mamili.

Mga isang oras din ako sa supermarket at pumila sa cashier saka ako na kaalis, pumunta ako sa abangan ng jeep para makadalaw kala Red.

Una akong kumatok kala Nana kaso walang tao kaya napagpasyahan kong pumunta kala Red.

*ding dong*

"Sino ya--" na gulat siya at bigla akong niyakap.

"Kamusta haha." iyon na lang ang na sabi ko at kumalma naman din siya mga ilang minuto pa.

Hinawakan n'yang maigi ang balikat ko at kinalog-kalog ako. "Alam mo bang alalang-alala ako sayo dahil hindi ka pumapasok! Tapos hindi mo man lang kami makontak!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa panenermon niya.

Pumasok kami sa bahay niya at wala si Nana doon. "Si Nana?" Inilapag niya 'yung juice sa lamesa at ininum ko iyon.

"Pumunta siya sa tito niya ngayon," napatungo na lang ako.

"Ah ganun ba," maikli kong sagot saka siya tumabi sa'kin at nakinig lang, feeling ko hindi siya na niniwala sa mga sinulat ko doon sa sulat ko sa kanila dahil iba ang tingin niya sa'kin ngayon.

"Ayos ka lang ba talaga?" Mahirap magtago ng sikreto kay Red pero susubukan ko dahil hindi niya pwedeng malaman ang ginagawa sa'kin ni Danrious ngayon.

"Oo naman bakit mo naman na tanong 'yan?" tumungo siya at nagbuntong hininga.

"Namayat ka eh, mukha kang stress at madaming iniisip," sabi ko na wala akong bagay na matatago na hindi niya makikita.

"Stress lang ako dahil sa trabaho pero okay naman ako," ngumiti ako sa kaniya para makumbinsi siya.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon