CHAPTER 49

36.1K 1.2K 100
                                    

Dedicated to: JinThis

❦❦❦

DANRIOUS's POV

Inayos ko mag-isa ang necktie ko, kailan ba mangyayari samin dalawa 'yung scene kung saan aayusin niya 'yung necktie ko o kaya naman eh huhubarin niya 'yung polo ko.

Tsk! sabagay siya si Runo. kung hindi mo pa pipilitin hindi gagawin at sa sitwasyon ko ngayon sobrang layo mangyari iyon dahil sa pinaglilihihan niya ko.

Minsan na nga lang ako pansinin lalaitin pa ko at parang asiwang-asiwa sa mukha ko. Pero ayos na iyon kesa naman sa iba niya pa ipaglihi ang anak namin. Hindi ko na rin pinapapunta rito si Red at baka mamana pa ng anak ko sa kaniya 'yung pulang buhok niya mahirap na.

"Alis na ko," sabi ko sa kaniya at sinuot ang sapatos ko bago lumabas ng pinto.

"Okay ingat," iyon lang ang sabi niya sa'kin at hindi inaalis ang mata sa TV.

"Sarado mo maigi mga bintana at pinto." tumango siya sa'kin pero hindi pa rin tumitingin.

Kaya lumabas na ko ng pinto at bumaba ng hagdan.

"Pasok kana Danrious?" Sabi ni aling Olive na nakatira sa first floor ng apartment.

"Opo, paki tignan tignan na lang po si Runo sa taas." tumango siya at kumaway na ko sa kaniya habang naglalakad paalis.

"Hay," napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad papuntang gate ng village na ito.

Muli kong tinanaw ang apartment namin, ewan ko ba bakit parang ayaw ko siyang iwan ngayon. Araw-araw ko naman siya iniiwan sa bahay pero ngayon parang ayaw ko umalis sa tabi niya.

Sana walang mangyaring masama sa kaniya, ang hirap naman kasi umalis pagganoon ang asawa mo eh. Buntis siya tapos puro bampira pa ang nakapaligid sa kaniya pero safe na rin kung tutuosin dahil 'yung mga bampira na iyon ay dhampir at may marangal na pamumuhay.

Hindi nila sasaktan si Runo kundi poprotektahan nila, wag lang sana kami pasukin ng magnanakaw o ano. Ang hirap ng ganito 'yung tipong iiwan mo siya sa bahay, papasok at magtatrabaho ka, minsan mapa-paranoid ka at hindi makakapag-concentrate sa trabaho at pag-aaral.

"Hay," napabunong hininga na lang ulit ako at kinamot ang batok ko, bored na bored akong naglakad mula sa dulo ng village hanggang gate.

Napakalayo ng bahay namin mula sa abangan ng jeep at gabi-gabi ko ito ginagawa para makapasok lang.

"Kung andito lang 'yung sasakyan ko." napasipa ako. Tang*na lang lahat na kinuha ng matandang iyon hindi man ako hinayaan makapagwidraw sa bangko.

Pati kotse ko kinuha at ibang gadget na pwede sana ibenta, ang natira na lang sa'kin ay 'tong cellphone ko. Hindi ko naman pwedeng ibenta ito dahil importante ito, hindi dahil mahal ito kundi dahil andito lahat ng mga picture ni Runo na kinuha ko noong nasa mansion pa lang kami.

Lahat naka-record sa gallery ko, at ayoko mawala iyon kahit sabihin pa nila na pwede kong ilipat sa ibang phone 'tong mga pictures na ito gusto ko ito pa rin ang gamit ko habang tinitignan ulit ang picture niya.

Ito 'yung bagay na hindi niya alam, mabuti na lang hindi siya pakealamera at hindi niya tinitignan 'tong phone ko kundi patay na, burado ito lahat sure ako doon.

"Dasma! Dasma!" Sabi nung lalaki at sumakay na ko sa jeep.

Punuan at siksikan 'yung tipong ipit na 'yung pwet mo sasabihin pa rin ni manong "apat pa." Upong otso pesos na ba talaga ito? Dati wala lang sa'kin 'tong mga piso sa bulsa ko eh, wala nga kong na hahawakang coins kundi puro cash at cards. Pero ngayon sobrang tinitipid ko na ang bawat piraso ng mga barya na ito.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon