KAELYNN's POV
❦❦❦
Tumingin ako sa kaniya kaso iniwasan niya ang tingin ko, ano ba talaga? Galit ba siya sa'kin o ano? Akala ko okay na kanina pag-uwi namin galing school? Pero ngayon bagong gising lang siya isnabero na siya?
"Galit ka ba sa'kin?" Tanong ko kay Danrious na kumakain ng toasted bread.
Hindi niya ko pinansin at ininum 'yung gatas niya, actually dapat tanghalian na namin ito eh kasi 10am na kami nagising.
"Hayaan mo siya Kaelynn, mabuti pa ipaliwanag niyo sa'kin ang nangyari sa school kanina. In-update na rin ako ni Six pero gusto ko ng full report," sabi ni Sir Daryl na kasama namin kumakain.
Late na rin siya na gising ewan ko kung bakit. Nagkamot ng ulo si Daniel pero siya na ang na una magsalita.
"Alam mo naman si Kidd hindi ba kuya? Hindi titigil iyon hangga't hindi niya kami na tatalo." humigop ng kape si Sir Daryl at tiniklop na 'yung news paper na binabasa niya.
"Ah, so si Kaelynn ang target niya ngayon? kailan ba matututo 'yang si Kidd, magbati na kasi kayo para matapos na," sabi niya at nagpipindot na naman sa cellphone niya, busy na busy siya kahit nasa harap ng hapagkainan.
"Baka ganoon ka dali 'yon," sabi ni Danrious na galit na galit na naman, mabilis talaga siya maasar at uminit ang ulo.
"Oo ganoon ka dali iyon kung pareho niyong bababaan ang pride niyo, let me tell you this, Ayokong madamay ang proposal sa gulong ito." Sumeryoso na ang mukha ni Sir Daryl na kinatakot naming lahat.
"Okay kuya." pareho nilang sabi at tumayo na si Sir Daryl.
"Ah another thing, uuwi nga pala si Ash this Wednesday at tinatanong niya if ano daw gusto mong regalo, Kaelynn?" Nagulat naman ako at muntikan nang maibuga ang kape ko.
"Po?" Sabi ko at ngumiti siya sa'kin.
"Don't tell me na nakalimutan mong birthday mo sa Saturday." napatayo 'yung kambal at sabay natumingin sa'kin sabay sabing.
"Birthday mo sa Saturday!?" Napatungo na lang ako at tumayo na rin. Namadali akong pumanhik ng hagdan.
"Paki sabi po kay Ms. Ashley wag na po salamat na lang, una na po ako kasi papaliguan ko pa si Sir Darenn." kumaripas ako ng takbo kasi sure ako gegerahin ako ng kambal.
Hindi naman sa ayaw kong malaman nila kaso kasi sure ako hindi ko magagawa 'yung plano ko sa darating na araw na iyon eh.
Gagawa sana kami ng project sa bahay ni Red tapos ise-celebrate na rin naming dalawa kasi iyon ang na kasanayan namin. Magtatampo ang best friend ko pag di ako sumipot.
"Oy tatakas ka pa!" Sabi ni Daniel at habol sa'kin. Kinorner nila ako sa pasilyo at binato ng mga tanong.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min?" Tanong ni Daniel.
"May plano ka na ba?" tanong naman ni Danirous.
"Ano tara, gala tayo or sa bahay lang?" Sabi ni Daniel.
"Anong gusto mong regalo?" Tanong ulit ni Danrious kaya napataas ang kilay ko sa kaniya.
"Akala ko ba galit ka sa'kin?" Na bigla siya at umiwas ng tingin sa'kin sabay takip ng bibig niya.
"Hindi naman sa galit, na iinis lang ako," sabi niya at hindi pa rin magawang tumingin sa'kin.
"Bakit ka na iinis?" Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang mukha niya kaso iniwas niya ulit ito, na mumula ba siya?
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...