KAELYNN's POV
❦❦❦
Mag-iisang linggo na rin ang lumipas simula ng aksidenteng 'yon, hindi na ko na kakapasok at patuloy pa rin ang pagmamalupit sa'kin ni Danrious.
Pero this time hindi na siya masyadong na nanakit, lagi niya lang talaga ako pinapahirapan katulad na lang ng kakalaba ko lang damit ilang minuto lang ay nasa labahan na naman, o kaya pag inutusan niya ko magluto ipapaulit niya rin sa'kin ito.
Madalas pa siya magpaintay sa'kin ng madaling araw pag-uuwi na sila, wala naman problema sa'kin iyon kaso lately parang na mumutla na daw ako at na mayat na rin daw ako.
Nastress na ko kay Danrious pero kailangan kong magtiis, magtitiis ako hanggang sa matanggap niya ulit ako.
"Kaelynn alam mo ba malapit na ang birthday namin," sabi ni Daniel na hindi kasama ang kambal niya ngayon, nagkatampuhan sila simula ng suntukin niya si Danrious.
"Anong gusto mong regalo? 'Yung home made lang ah hindi kasi ako makalabas." nagbuntong hininga siya at nilaro ang kapatid niya.
"Ah home made brief kaya?" Inirapan ko siya, jusko naman kasi hindi pa rin nagbabago ang kakulitan niya kahit na parang ang hirap ng sitwasyon ngayon.
"Hahaha, pinapatawa lang kita stress na stress ka na kasi." nagbuntong hininga ako.
"Di naman stress kulang lang sa tulog siguro." tinapik niya ang balikat ko.
"Di lang tulog pati pahinga." ngumiti na lang ako sa kaniya, ayoko kasing intindihin niya pa ko baka lalo silang mag away ng kambal niya.
"Magbe-bake na lang ako ng cookies para sa inyong dalawa," sabi ko at nagdrawing na ng kukulayan ni Sir Darenn.
"Wow marunong ka? Sige ah iintayin ko 'yan." tumango at napangiti na lang ako, buti na lang at laging positive si Daniel kaya minsan na kakalimutan kong may problema pala ako.
"Ah maiba ako Kaelynn," sabi niya may inabot sa'king sobre.
"Nakalimutan ko, pinapabigay nga pala ni Nana sayo." na gulat naman ako at the same time sobrang tuwa ang naramdaman ko.
"Kinakamusta ka niya at laging galit si Red, hindi ko na nga lang siya pinapalapit kay Danrious kasi madalas silang nag aaway." napatawa ako.
"Ano pa bang bago sa dalawang 'yon?" Napasimangot siya.
"Anong bago? Pisikalan na silang nag aaway." napatigil ako at 'yung ngiti ko ay na wala.
"Okay naman si Red? Hindi naman siya sinaktan maigi ni Danrious?" Umiling siya.
"Si Rious pa nga ang na puruhan eh umawat kasi agad si Six, alam mo na bantay sarado si Rious ngayon dahil kay kuya." naaawa ako kay Red at Danrious.
Bakit ba kasi ako pa ang na pili nila?
"Ah sige alis na muna ako, pag may ibibigay ka kila Red at Nana ipaabot mo na lang sa'kin." pinisil niya ang pisngi ni Darenn at kinagat siya nito.
"Aray ah galit ka talaga sa pogi." binelatan siya ni Darenn at naglaro ulit, hinipan ni Daniel 'yung sugat niya at maluha luhang sinipsip ito.
"Brutal talaga ng bunso naming 'yan," sabi niya at nag unat-unat. "Geh, una na ko by my loves muah." at lumabas na siya ng pinto.
Parang praning, pero thankful talaga ako sa kaniya at hindi masyadong mabigat ang pakiramdam ko. Naiisip ko tuloy bakit si Daniel hindi ko na gawang mahalin? Eh ba't si Danrious mahal ko samantalang napakabrutal ng lalaking 'yun.

BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampiros[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...