Dedicated to: BambaekV
❦❦❦
DANRIOUS's POV
Ano bang iniisip niya? Ba't niya sinabi sa'kin iyon at lalo nang bakit niya ko niyakap? Tingin niya maaakit niya ko sa mga yakap niya? Pwes! hindi.
Nilagabog ko ang pinto at hinubad ang T-shirt ko sabay tapon sa sahig.
"San ka galing Rious?" Tanong ni Niel na mukhang nag aalala, hindi sa'kin kundi sa babaeng iyon.
"Wala," sabi ko at humiga sa kama sabay yakap sa kaniya, naguguluhan kasi ako bakit ganito ang ikinikilos ko sa harap ng babaeng 'yon? Apektado ako sa bawat galaw niya at kinaiinis ko ang paglapit niya kay kuya, may balak ba siyang agawin samin si kuya Daryl? Nauto niya na si Darenn at hindi ako papayag na matulad pa si kuya Daryl sa bunso naming kapatid,
"Alam mo kung ano 'yang iniisip mo itigil mo na iyan, wala namang mangyayari eh," sabi ni Niel habang hinahaplos ang buhok ko at nakayakap ako sa bewang niya."Anong wala, ikaw! Sunod ka na n'yang aagawin sa'kin alam ko 'yun," tumawa siya bahagya at binatukan ako.
"Mahirap itanggi ang tinitibok ng puso Rious kung ako sayo aminin mo na iyan sa sarili mo," binatukan ko siya at humiwalay nasa pagkakayakap.
"Hindi, pano mo na sabi 'yan? Ba't ang bilis mo magtiwala sa babae Niel! Hindi pa ba sayo sapat na lahat sila ay ahas! Sisirain nila ang pamilya natin katulad ng ginawa ng babaeng 'yon," bumangon siya at tinignan ako sa mata, seryoso na siya kaya medyo kinakabahan na naman ako na baka magaway kami.
"Nanay pa rin natin siya kaya wag mo sabihin iyan, hindi lahat ng babae ganun." sinuntok ko ng mahina ang dibdib niya.
"Talaga lang ah! Eh, hindi ka pa ba natuto kay Lyra? Hindi ba't sinabi n'yang mahal ka rin niya? Bakit siya nakipagtalik sa'kin?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya, hindi ko sinasadyang ungkatin ulit ang nakaraan pero kailangan para magising siya sa katotohanan.
"Nakaraan na 'yon, alam kong iba si Kaelynn sa kaniya." bakit ba ang laki ng tiwala nila sa babaeng 'yon?
"Pustahan tayo Niel, hindi niya rin alam kung sino sa'tin si Daniel at Danrious pagwala ang palatandaan nating dalawa, katulad ng nakaraan hindi niya rin alam kung sino ka sa ating dalawa." Napayuko siya at mukhang na lungkot, kailangan kong ilayo ang kakambal ko sa babaeng iyon at baka maulit pa ang nangyari sa kaniya sa nakaraan.
At ayoko rin siya malapit kay kuya, mukhang si kuya ang gusto niya dahil siya ang tiga pagmana ni papa.
Kailangan ko mag-isip ng magandang paraan para malayo siya kay kuya. Kung wala lang siya lagi sa bahay at kung lagi ko lang siya mababantayan edi sana may magagawa ako.
Lagi kasi kaming may pasok at simula sa June sila na namang dalawa ang matitira sa bahay.
Teka? School! Tama!
"Niel alam ko na! Pag-aaralin na'tin siya sa darating napasukan." mukhang na bwisit ang kakambal ko sa idea na naisip ko.
"Sira na ba talaga ang tuktok mo? Tingin mo papayag si kuya at isa pa saan ka kukuha ng martrikula niya? Are you out of your mind? Tigilan mo na ito Rious," ngumisi ako, halata sa mukha niya na gusto n'yang makasama sa school si Runo.
"Di ba nagseselos ka pag magkasama sila? Ito na ang way mo para masolo mo siya." binato niya ko ng unan sa mukha.
"Kambal tayo kaya alam kong iniisip mo, hindi mo ko mapapasali sa plano mo." inakbayan ko siya at nilapit ang mukha ko sa tenga niya.
"Hindi na ko hahadlang sa pag-iibigan niyo promise," sabi ko sa kaniya at nagbuntong hininga siya.
"Pag may gusto ka talaga gaawin mo no? Hindi ka magpapaawat hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo," ngumisi ako at alam ko na ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Vampire's Pet
Vampire[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila ang amo na susundin mo. Makakayanan mo ba maging alaga nila? Lalo na't 'yung apat na magiging amo mo ay mga bampira, bampirang maglalaro sa d...