CHAPTER 47

37.4K 1.3K 174
                                    

Dedicated to: @twilight_sparkle13

❦❦❦

DANRIOUS's POV

One month in hell, yes one month na kaming nakatira at nagpapakapagod mabuhay sa maliit na apartment na ito.

Sanay na naman ako at ayos nasa tirahan namin saka sa trabaho ko kesa sa wala pero kasi may problema ako ngayon.

These past few days nag-iiba ang ugali ni Runo.
"Umalis ka nga sa harap ko na aasiwa talaga ako sayo," iyan, iyan 'yung sinasabi ko nagiging masungit siya at hindi ko alam bakit lagi mainit ang ulo niya sa'kin.

Lagi niya kong tinititigan nang masama at pagtapos nun mababadtrip na siya o mawawalan ng gana, at ngayon sunday ay bibisitahin kami ng doctor na kilala ni tita Rose.

Pwede ko rin kaya maitanong bakit nagkakaroon ng mood swing 'tong babae na ito? Alanganin naman magkaroon siya ng menstruation eh buntis siya. Bakit kaya ako lang ang pinag-iinitan niya?

"Oy ano ba bakit ka ba na gagalit sa'kin? May pinagseselosan ka ba?" Iritado siyang humarap sa'kin at sumagitsit.

"Ako magseselos? Kulang na nga lang hilingin kong hindi na kita makita eh, kaasar ka!" At tumayo siya saka pumunta ng kwarto, tignan mo 'tong babae na ito.

"Teka hindi mo pa na uubos 'tong fries na pinabili mo." nagiging mahilig din siya sa fries at sa lahat ng klase ng patatas na luto.

"Na walan ako ng gana," sabay sara niya ng pinto, napapadyak na lang ako sa sahig at nagpagulong-gulong sa inis.

Hindi pa nga kami tapos sa isang problema dadagdagan niya pa? 'Yung totoo na isip niya na bang ayaw niya kong makasama? So ako pinapaasa niya na naman ba ko? Tang*na lang ang hirap intindihin ng mga babae.

Bumangon ako at niligpit 'yung mga pagkain niya saka tinabi sa mesa. Umupo ako at binuksan 'yung kakabili ko lang na TV, yung TV na second hand at mukhang kahon sa sobrang lapad.

"Tsk! Boring." walang magandang panoorin lalo na't linggo kaya naman pinatay ko na lang ulit 'yung TV at lumabas ng beranda.

"Di niya pa hinahango 'yung mga sinampay?" Na sabi ko na lang pagtapos tumama sa mukha ko 'yung mga damit na nakasampay. Kinuha ko 'yung basket at ako na ang naghango,

'Yung totoo? Ito lang ang araw kung kailan ako makakapagpahinga tapos ganito pa? Tsk! masaya na sana ako kung sasamahan niya lang ako manood ng TV eh, kahit anong boring ng palabas okay lang basta katabi ko siya kaso hindi eh.

Tinotoyo siya at laging iritado sa mukha ko, pag natutulog nga kami lagi siyang nakatalikod sa'kin tapos pagyayakapin ko siya sinisikmuraan niya ko.

Ano ba ko manyak? Asawa niya ko hindi rapist pero sa bagay na gawa ko 'yun ng walang consent niya pero kasi hays! oo na masamang bampira na ko.

"ARRRGGGHHH!" na sabunutan ko ang sarili ko at pinaghahagis 'yung damit sa sahig.

"Damn it!" Saka ako humilata sa matigas at malamig na sahig namin.

*ding dong*

Nabigla ako at mabilis na kinuha lahat ng kalat at tumakbo sa pintuan, pagbukas ko sila tita Rose pala at 'yung kasama n'yang doctor.

Yes andito na sila pwede kong maitanong kung may kinalaman ba 'yung mood swing ni Runo sa pagbubuntis niya.

"Rious si Dc. Cheska nga pala siya ang maghahandle kay Runo sa panganganak niya." nagbow ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin.

"Pasok po kayo, pasensya na magulo." kumaripas ako ng takbo papuntang kwarto at na kita ko siya doon na nakahiga.

"Andyan na 'yung doctor," sabi ko sa kaniya ay tinignan niya ko ng super bored na mukha.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon